9

225 27 3
                                    

Hindi na nagpapigil si Lily at siya na nga ang tumulong kay Adelaide para makapunta ito sa banyo. Pero kahit gaano man siya kalakas ay malaking babae parin naman si Adelaide kaya nahirapan din siya kahit papaano.

Malapit na sila sa banyo ng ma-out of balance si Adelaide. Tarantang tumulong si Lily para hindi madapa o masaktan ng malala ang kasama pero sa bigat narin ay napaupo siya habang yakap-yakap si Adelaide. Mukhang nabangga pa ang ulo nito sa pader kasi narinig niya ang pag-inda mula rito.

"Ayan ang napapala mo sa kalikutan mo. Magpapasama na nga lang magbanyo tapos ganyan ka pa," sermon ni Lily kay Addie.

"Nasaktan na nga ako tapos pinagalitan mo pa ako? Di ka man lang ba naawa sa akin?" parang batang tanong sa kanya ni Addie. Kung hindi niya alam na nakainom ito ay baka kanina pa ito nasapok dahil sa inaakto. Hindi bagay ang mag-asal bata ito lalo na sa harap niya!

"Hindi bagay sayo ang gumanyan, Adelaide! Tsaka ang lapit na ng banyo kaya tumayo ka na diyan," utos pa ni Lily.

Sumunod din naman si Adelaide pero pagkatapos na makitang tumayo din si Lily ay niyakap niya ito.

"Ano na namang trip mo?" iritadong tanong na ni Lily. Kahit may aircon ay naiinitan siya sa yakap ni Adelaide dahil halos takpan ng katawan nito ang katawan niya.

"Ang init, Adelaide!" reklamo niya pa.

Ang inis na nararamdaman ay napalitan ng kilabot nung maramdaman niyang lumapat ang labi ni Adelaide sa balat niya sa leeg.

"Ano bang ginagawa mo?"

"Lily?" tawag ni Adelaide sa kanya. Sinilip pa nito ang mukha niya na parang sinisigurado kung siya nga ang kasama nito.

"Ano?" naiinis parin siya kasi kahit lumayo na ito ng konti sa kanya ay hindi parin nito sinagot ang tanong niya. Katanungan sa utak niya ng mga oras na iyon kung hinalikan ba siya ng kumag sa leeg?

"I like you."

"I know. Iyon ang sabi mo kanina."

"But I think its a different like. The like that I want to kiss you right now."

"What?" Gulat na gulat si Lily sa narinig. Isang malaking rebelasyon ata ang narinig niya! Tama ba ang rinig niyang may gusto sa kanya si Adelaide? Yung romantic kind of like.

"Nasabi ko na kaya kailangan ko pa bang ulitin?" namamaos ng konti ang boses ni Adelaide ng sabihin iyon.

"Huwag mo akong binibiro ng ganito, Adelaide. Hindi nakakatuwa ha," may pagbabantang sabi niya dito.

"Hindi ba kapani-paniwala? Then..."

Kinabig nito ang ulo ni Lily at sapilitang hinalikan. Hindi nakahuma si Lily sa gulat at nakita na lang ang sariling hinahalikan ni Adelaide.

Nagpumiglas siya pero ng mga oras na iyon mas naging malakas si Adelaide. Iyon ata ang kauna-unahang pagkakataon na natalo siya nito kung pwersa ang pag-uusapan.

Hindi niya alam ng mga oras na iyon pero paunti-unti ay nagugustuhan niya ang ginagawa nito. Nabunggo din ata ang ulo niya kanina sa pader!

Sumabay siya sa pangyayari pero hindi din nagtagal ng si Adelaide mismo ang tumigil at lumayo.

Habol-hininga ito habang nakatingin sa sahig. Kahit si Lily ay habol din naman ang hininga pero kay Adelaide siya nakatingin.

"Shit!"

Narinig ni Lily ang galit nitong bulong sa sarili. At alam niya na pinagsisisihan nito ang nagawa. Hindi niya maipaliwanag pero hindi niya nagustuhan ang ideyang iyon.

Dangerously (GxG)Where stories live. Discover now