23

189 19 5
                                    



Nang gabing iyon, naghiwalay sila na may mas makapal pang pader sa pagitan nila. Hindi gawa ni Adelaide pero gawa ni Lily.

Wala din namang magagawa si Adelaide sa ngayon kundi ang unti-unti iyong tibagin. Slowly but surely.

Ilang buntong hininga na ang nagawa niya bago pa sila nakarating ni Moxielle sa may tapat ng gate ng pamamahay ng mga Saavedra.

Nang may musika na biglang kumawala sa ere ay sabay silang napalingon ni Moxielle sa bintana ng kuwarto kung saan nakaposisyon si Lily ng mga oras na iyon at tumutugtog ng piano. Parang may pumiga sa puso nila ng marinig ang nakakalungkot na tunog na mula sa pagtugtog ni Lily.

"Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan niyong dalawa pero kahit papaano ay naging daan iyon para bumalik siya sa pagtugtog. It's not that sunny and lively tune anymore but playing the piano is a good start," komento ng ginang. Hinarap niya si Adelaide na mukhang masama ang loob ng mga oras na iyon.

"Bakit parang hindi ka satisfied?" tanong pa ng ginang.

"She feels majestic in playing that lonely and sad tunes but I still like to hear her be happy and convey it on her piano somehow. A smile on her lips is a much better fit in her face."


A moment of silence.


"Addie, may balak ka bang magtapat sa anak ko sa hinaharap?"

"Tita?"

"Nakita kitang lumaki at nakita ko rin kung paano mong iningatan at pinrotektahan ang anak ko. Kaya alam ko na wala ka namang masamang balak sa kanya. Kaya kung balak mong ligawan siya ay hindi kita pipigilan."

"Nagpapasalamat ako, Tita, sa tiwalang binigay niyo. When fate does give that chance, I will."

"Why wait? Hindi hawak ng iba ang buhay mo, hindi hawak ng iba ang kapalaran mo kaya kung kikilos ka ngayon ay siguradong may bunga kang pipitasin sa hinaharap."

For the second time that night, she was silenced. Ang mga bagay na sinabi ni Moxielle ay hindi nag-aapply sa kanya. Ang buong mundo na ito ay kontrolado ng tadhanang matagal ng naisulat. Ang hinaharap nito ay may tiyak ng linya. Kaya paano niya ito kakasalungatin? Iyon ang isang bagay na hinahanapan niya pa ng solusyon. Once she does, she will not give a fuck if Lily built a wall around her with ten times thicker than the ones she have right now. Aba, magdadala siya ng bulldozer para lang tibagin iyon kung sakali.

Walang santo-santo, papaspasin niya ang dapat paspasin!

...




Paglabas niya ng gate ay naghihintay na ang assistant niyang si Rydon. Nakasandig ito sa kontseng ipinarada niya kanina malapit sa coffee shop. Tinext niya ito na kunin iyon at sunduin siya sa bahay ng mga Saavedra kaya nandoon ito ng mga oras na iyon.

Pinagbuksan siya ng pinto ni Rydon tsaka ito umikot at umupo sa may driver seat.

"Ilang tao na?" tanong niya kaagad dito pag-upo pa lang nito. Napatingin naman ito sa kanya gamit ang rear view mirror bago ibinalik ang tingin sa manibela tsaka pinaandar ang makina.

"15 na boss."

"Kahit isa wala parin?"

"Wala parin boss. Tsaka last batch na next week."

Menasahe ni Adelaide ang sentido matapos marinig ang balita mula kay Rydon. She's definitely disappointed this time.

Tahimik ang naging biyahe nila pero pinapakiramdaman parin ni Rydon ang mood ng amo niya dahil mas nakakatakot ata ito kapag tahimik.

Dangerously (GxG)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum