Chapter 1

3.2K 30 0
                                    

A/n:Some chapters aren't edited so I apologize for typos and wrong grammars

"Lumayas ka ditong malandi ka!" sigaw ng tiyahin ko.Kase naman nahuli nya akong nakikipag halikan kay Marco.At kahit na magpaliwanag ako, alam kong hindi sya maniniwala sakin.

Si Marco naman kase ang unang nanghalik at plinano nya pala yun para wala nang ibang manligaw sakin at pinicturan nya na naghahalikan kami kaya nakita ng tiyahin ko.

Matagal nang patay ang mga magulang ko kaya sa bahay ng bruha kong tiyahin ako nakatira.

Alam ko namang hindi talaga ako gusto ng tiyahin ko at kahit kailan ay hindi nya ako tinuring na kamag anak.

Nakita kong tumawa ng mahina ang anak nya na pinsan ko.Ayaw din sakin ng anak nya dahil palaging ako ang nagugustuhan ng mga naging tipo nya kaya sorry nalang sya eh sa mas maganda ako sakanya.

"Paalam tiyang at salamat sa pagpapatuloy nyo sakin dito sa bahay nyo at wag kayong mag alala kase hindi nyo na ako makikita."
Hindi kona hinintay ang sabihin nila at lumabas na ng bahay dala ang mga gamit ko.
Napagpasyahan kong tutuloy muna ako sa condo ng kaibigan kong si Niña at okay lang naman sya doon.

. . . . . . . .

Andito na ako sa condo ni Niña at nag usap kami.Naintindihan nya ang sitwasyon ko kase matagal nya nang alam na bruha ang tiyahin ko kaya papatuluyin nya muna ako.

At naisipan ko ding magpunta pa manila dahil mas maraming job opportunities doon at nandoon din ang best friend kong si Kim.

Actually kababata ko si Kim at si Niña pero naghiwalay kami ni Kim dahil nagpunta sya sa manila kaya mas may alam sya sa manila at sabi nya marami daw ang job opportunities don.

May ipon naman ako sa pagta trabaho ko sa restaurant kaya tama nato para makapunta doon at makikituloy nadin sa condo ng best friend ko.

"Kemi mag ingat ka doon ha at ikamusta mo ako kay Kim pag nakaabot kana." ani Niña sakin habang hawak ang kamay ko."Isa pa pala" aniya at may kinuha sa bulsa nya.

"Idagdag mo to para sa gastos pa manila" akmang ibabalik ko na sana sakanya ng ipasok nya ang pera sa bulsa ko.

"Wag kanang tumangi Kemi dahil kailangan mo yan" sabi pa ni Niña at niyakap ko sya ng mahigpit.

"Salamat talaga Niña.Hindi ko alam ang gagawin pag wala ka sa tabi ko" naiiyak na sambit ko sakanya.

"Wag kang mag alala dahil susunod naman ako sayo dun kapag summer break na sa school" tumago ako.

"Ayusin mo nang gamit mo kase maaga kapa bukas Kemi" aniya at tumango nalang ako at nagsimula nang iayos ang gamit ko para sa byahe bukas.

To be continued...
Thanks for reading.

Applying As His Maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now