Chapter 14

1.2K 25 6
                                    

Siyam na buwan na mula nung umalis ako at nahpakalayo layo kay Hendrix.Ngayong buwan ang kabuwanan ko.

Excited na akong manganak at makita ang mga anak ko at ganun din ang nararamdaman nila Kim, Niña at si Jason.

Oo mga, kase twins ang ipinagbubuntis ko kaya mas extra ang hirap dahil nga dalawa sila.

Dito ako nakatira sa isa sa mga apartment ni Jason at gustuhin ko mang bayaran sya buwan buwan sa pagpapatira sakin dito ay alam kong hindi nya tatanggapin ang pera.

Silang tatlo ang kasama ko sa mga panahon n a naghihirap ako sa pagbubuntis ko especially si Jason.

Hindi pa lumalabas ang mga baby ko pero pinaparamdam na ni Jason na handa syang maging ama sa mga anak ko at excited na syang makita sila.

Inamin sakin ni Jason na gusto nya ako at handa syang maging ama sa mga anak ko at hiningi nya ang kamay ko.

Pero hindi pa talaga ako ready magkarelasyon at isa pa ay kapatid lang ang turing ko sa kanya.

Gusto kong pagalitan ang sarili ko kung bakit hindi nalang ako magka gusto kay Jason dahil mas responsible sya kesa naman kay Hendrix.

Aysh bat naaalala ko na naman yung lalaking yun.

"Oi Kim pakibilhan mo naman ako ng icecream sa labas.Gusto kong kumain nun" sabi ko kay Kim at nagmamakaawang mukha kaya napatawa nalang sina Niña at Jason.

Nandito kase sila sa apartment ko at nag iinuman.Pero sila lang ang nagsasaya kase sila lang ang nakakainom at ako nasa gilid lang nakikinig at nagkikipag kwentuhan.

"Pa deliver nalang tayo ng Jollibee" sambit ni Niña.Sumang ayon naman kami at sya na mismo ang nag order.

Akmang tatayo na sana ako ng makaramdam ako ng sakit sa tiyan at parang nauhi ako kaya tinignan ko ang ibaba ko at nakotang basa ito.

"A-aray manganganak na ako!" sabi ko at hinawakan ang tiyan ko.

"Oh my gosh Jason buhatin mo sya!" sigaw naman ni Kim at si Niña naman ay nataranta.

Mabilis akong binuhat ni Jason at pumasok sa kotse.Sina Kim ang naghanda ng mga gamit ko.

Sobrang hirap manganak lalo na at kambal pa ang illuluwal ko.

Inimulat ko ang mata ko at sumalubong sakin ang puting kwarto at paglingon ko sa gilid ko ay nandito si Jason na may ngiting nakatingin sakin.

"Gising kana pala Akemi" aniya.

"Nasan ang mga anak ko? okay lang ba sila Jason?" nag aalalang tanong ko at tumango naman sya.

"Nandoon pa sila sa nursery at mamaya ay makikita mo na sila at wag kang mag alala kase healthy sila" aniya at hinawakan ang kamay ko.

Ang anak ko ay babae at lalaki kaya napagpasyahan ko na ang pangalan ng baby girl ko ay Kemineah tapos ang baby boy naman ay Drixon.

Ilang days pa daw bago kami pwedeng umuwi ng bahay sabi ng doctor.

Sana kamukha ko ang mga anak ko pero pwede din sa daddy nila kase ang ganda kaya ng genes ng daddy nila.Pero mas maganda ako char.

To be continued...
Thanks for reading.

A/n:Pasensya na po if hindi ako makaka update palagi ngayon it's because pressure sa school tapos nasa class 1 pa kami so mas ma p-pressure ka talaga pero I'll try to update padin at night so I can finish this story sooner at ma publish ng bago kong story.

Applying As His Maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now