Chapter 16

1.2K 21 0
                                    

Umalis na sila Kim kasama ang mga anak ko kaya umalis nadin ako ng bahay para magpunta na sa job interview ko.

Nang papasok na sana ako sa elevator ay biglang nag ring yung cellphone ko kaya huminto ako sa paglalakad.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinignan ko kung sino ang tumatawag at si Niña ito kaya sinagot ko agad.

"Hello Niña!" tawag ko.

"A-Akemi si D-Drixon.May nangyari" nauutal na ani ni Niña sa kabilang linya kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"A-anong nangyari Niña!" sigaw ko pa dahil sa nerbyos.

"I te-text ko sayo ang adress ng hospital.Dalian mo" sabi nya at para akong nanghinang tumakbo palabas ng kompanya.

Nang makaabot na ako sa hospital ay nagtanong ako kung nasaan ang room ng anak ko.

Naabotan kong nakaupo si Niña at si Kim naman ay hindi mapakaling nag lalakad lakad sa harapan ng emergency room.

"Anong nangyari?" tanong ko kaya nabaling ang atensyon nilang dalawa sakin Nilapitan ako ni Kim at tsaka niyakap.

Hindi ko pa alam ang nangyari pero umiiyak na ako dahil nasa emergency room ang anak ko at sabi daw ng doctor ay critical ang kalagayan nya.

Kwinento sakin nina Kim ang nangyari at sabi nila ay nabundol daw ng isang kotse ang anak  ko ng bigla itong tumakbo.

Habang nababalik balik akong naglalakad sa harap ng pinto ay bigla itong bumukas at lumabas ang doctor.

"Who's the family of the patient?" tanong ng doctor.

"Ako po doc.Kumusta po ang anak ko?" tanong ko.

"I'm sorry to say this pero critical parin ang kondisyon ng pasyente and it's caused by blood loss.Kaya kailangan natin ng blood donor as soon as possible kase baka mas malagay pa sa peligro ang buhay ng bata kung hindi agad masalinan ng dugo"sabi naman ng doctor.

"And also your childs blood is a rare type of blood" sabi ng doctor.

Nag usap pa kami ng ilang minuto at nagtanong din ako about sa blood type things at nagpaalam na ang doctor.

Kahit hindi ko gustong gawin to ay kailangan kong gawin para sa buhay ng anak ko.

"Kemi gawin mo para sa anak mo" sabi sakin ni Niña.

Ngayon ay lalapit ako sakanya dahil buhay ng anak ko a ng pinaguusapan dito.Kahit yun man lang ay mabigay nya sa anak nya.

Nandito ako ngayon sa harapan ng kompanya nya.Sana ay nandito sya ngayon pero hindi ko alam ang sasabihin sakanya na may anak kami.Bahala na,ang importante ay masalinan ng dugo ang anak ko.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa opisina nya.

"Did'nt I tell you to not disturb me?" sigaw nya sa loob.It's been a two years since the day I last saw him kaya kahit nasa labas palang ako ng opisina nya ay nangangatog na ang tuhod ko.

Hindi ko pinansin ang sinabi nya at binuksan ang pintuan tsaka pumasok.Nakita ko syang nakaupo ng talikod sa mesa nya.

"The fuck" sigaw nya tsaka humarap.

Nakita ko kung paano sya natigilan ng makitang ako ang nasa harapan nya.

Para aking napako sa kinatatayuan ko ng mapagmasdan ang gwapo nyang mukha.Mas lalo syang naging gwapo at mas lalong lumalim ang boses nya.

"What are you doing here?" malamig na tanong nya sakin.

Lumapit ako sa mesa nya at tsaka tinignan sya ng diretsu sa mata.

"K-kailangan ko ng dugo mo Hendrix" diretsu kong sabi.

"What the fuck do you mean?" nakakunot nuo nyang tanong.

"I need it for Drixon.He needs blood" naiiyak na ako sa isiping naghihirap ang anak ko ngayon sa hospital.

"What the fuck do I have to do with that?" taas tono nyang tanong sakin.

"A-anak mo sya Hendrix at kailangan ka nya ngayon kaya please naman.Critical ang lagay nya ngayon" naluluhang sabi ko.

Hindi man lang nagbago ang expression nya. ngunit kitang kita ko sa mga mata niya ang gulat sa sinabi ko.

"And?" walang emosyong tanong nya.Wala na ba talaga syang pakialam pati sa anak nya? o baka akala niya nagsisinungaling ako.

Mas lumapit pa ako sakanya at lumuhod sa harapan nya habang umiiyak padin.

"Kahit ngayon lang naman please.Kahit yun lang ang maibibigay mo sa anak mo Hendrix.Nagmamakaawa ako sayo" sambit ko sakanya.

"Okay but after this please leave me alone" malamig nyang ani sakin.

Kahit masakit na wala man lang syang pakialam sa mga anak nya ay kakayanin ko dahil willing naman syang mag donate ng dugo kay Drixon.Kaya kahit yun lang ay okay na.

To be continued...
Thanks for reading.

Applying As His Maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now