Chapter 27

996 18 0
                                    

Nabaling ang atensyon nila samin ng magsalita si Hendrix at binati sila.

Parang hindi ako makagalaw ng lumapat ang tingin sakin ng mga magulang ni Hendrix ngunit napawi ito ng matamis nila akong nginitian.

Lumapit naman sakin ang kapatid nyang si Andrea at yumakap sakin tsaka ako binati.

"Hi again pretty" aniya.

"Hello din" tanging nasabi ko.

Binalingan nya ng tingin so Kemineah at tsaka so Drixon at bahagyang lumaki ang mga mata ng mapagtantong magkakamukha sila kay Hendrix.

Lumapit naman ako sa mga magulang nya at nerbyos itong binati tsaka nagmano din.Kita ko ang gulat sa mga mata nila sa nakikita.

Bigla akong hinapit ni ni Hendrix sa bewang na nakangiti bago nagsalita at tinignan ang mga magulang nya.

"Ma, Pa, and Andrea.This is Akemi, my wife and our kids" tinignan nya ang mga anak namin bago nagtuloy sa pagsasalita.

"Kemineah and Drixon" aniya.

"Oh my god" biglang hiyaw ng mama nya at tsaka lumapit sakin at nagulat ako ng bigla nya akong niyakap.

"Thank you for making my dream come true.Akala ko talaga ay hindi na ako magkaka apo bago mamatay" aniya at kumalas sa pagkakayakap sakin.

"H-hindi po kayo galit?" nag aalangang tanong ko.

"Bakit naman ako magagalit?" aniya at nabaling naman ang paningin ko sa daddy ni Hendrix na nakangiti habang nakatingin sa mga bata.

Ngimiti naman ako.Salamat talaga at hindi nila ako inayawan dahil hindi ako mayaman.Ang babait nga naman nila.

"I'm thankful na ikaw ang naging asawa ni kuya kesa sa bruhang Scarlet nayun" biglang saad naman ni Andrea.

Nag usap kami at nagkwentuhan.Ang saya pala ng pamilya nila.Sana na experience ko din to.

Sinabi din ni Hendrix ang tungkol sa pagbubuntis ko ngayon at grabeng tuwa naman ng mga magulang nya sa balita.

Sinabi ko naman ang totoo na hindi pa kami kasal kaya sabi nila ay kailangan daw naming ikasal ngayong buwan.

Excited lang haha.

Sana talaga palagi kaming ganito.Yung masaya at walang problema.

Nagising ako ng may naramdaman akong halik sa leeg ko kaya inimulat ko ang mata ko at nakita si Hendrix na hinahalikan ang leeg ko.

"Good morning wifey" bati nya.

"Good morning din.Nagugutom ako" sambit ko at narinig ko ang mahina nyang tawa.

Akmang babangon sana ako ng naramdaman ko ang sakit sa buong katawan ko especially sa gitna ng hita ko dahilan para mapadaing ako.

"Are you okay?" tanong nya at sinamaan ko naman ito ng tingin.

"Sa tingin mo okay ba ako? halos hindi mo ako tantanan kagabi eh!" singhal ko.

Hindi ko alam kung ilang beses nya akong inangkin kagabi pero gentle naman sya sakin kase daw baka mapaano yung baby.

"I'm sorry na wife" aniya.

Tumalikod ako sakanya ng higa at humiga naman sya sa likod ko at ipinulupot ang malalaking mga bisig sa maliit kong bewang na inialis ko naman.

"Sorry na.What should I do to make it up to you?" tanong nya.

Bigla tuloy akong nag crave ng mangga na isasawsaw sa suka at asin tsaka burger na isasawsaw naman sa suka.Sa isip ko palang ay para na akong naglalaway.

Hinarap ko naman sya at nakita kong nag aantay sya ng sagot ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga kamay nya.

"Gusto ko ng mangga na isasawsaw sa suka at asin tsaka burger din na isasawsaw sa suka"sabi ko.

Nakita ko ang pagka disgusto sa mukha nya sa sinabi ko pero ngumiti naman ito sakin.

"Okay I'll go get it but first you need to eat rice because eating mango early is not good for you and for the baby" aniya at tumango naman ako.

Sana all understanding kase ako hindi eh.Mas lalong naging mainitin ang ulo ko dahil sa pagbubuntis ko.

Who would've thought that APPLYING AS HIS MAID would turn out like this.Hindi ko ini-expect na sya ang magiging ama ng mga anak ko at mas lalong hindi ko ini-expect na mamahalin ko sya at mamahalin nya ako.

To be continued...
Thanks for reading.

Applying As His Maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now