Chapter 17

1.2K 23 4
                                    

Binalot kami ng katahimikan habang papunta sa hospital.Sa kotse nya na ako sumabay para sabay din kaming makaabot sa hospital.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Kim at kumustahin sila doon at sabihin sa doctor na may blood donor na ang anak ko.

Naka dalawang tawag ako bago sagotin ni Kim ang tawag.

"Hello" saad ko.

"Oh Akemi pumayag ba?" tanong nya.

"Oo papunta kami ngayon dyan tapos sabihan mo si doc na may donor na ako" ani ko.

"Sige sasabihin ko kay doc" aniya at narinig ko ang iyak ni Kemineah sa kabilang linya.

"Kim ibigay mo kay Kemineah ang phone" utos ko kay Kim at ibinigay naman nya.

"Baby momma will be there ha and your brother will be fine don't worry.I love you" malambing na tugon ko kay Kemineah.

Nakita ko naman na nabaling ang atensyon ni Hendrix sakin habang nag d-drive ito pero hindi ko pinansin.

"Love you momma" sabi ni Kemineah at klaro sa boses nya na umiyak sya.

"Bye bye baby" pagpapaalam ko tsaka pinatay ang tawag.Sinandal ko ang ulo sa seat at pumikit.

"You know you don't have to lie" biglang sambit ni Hendrix.

Sus sarap talaga tadyakan ng lalaking to.

"Edi sige wala ka ngang anak kase joke lang yung sinabi ko at tsaka ayaw kong ipilit ang mga anak ko sayo kung ayaw mo kase masasaktan lang sila pag nagkataon" sabi ko.

"Nabuhay sila sa mundo ng walang ama kaya okay lang yun" sambit ko.

Hindi ko naman talaga ipipilit ang mga anak ko sakanya kung labag man sa loob nya.Hindi ako lalapit sakanya kung may ibang choice lang talaga ako.

"Why did you left?" mahinang tanong nya pero sapat na para marinig ko.

"Wala ka namang pake kung umalis ako eh at isa pa baka naging kabit pa ako pag nagkataon" pahinang sagot ko.

Bigla nalang syang tumawa kaya tinignan ko sya ng nakakunot nuo.Aba gago din pala to!.

"Anong nakakatawa?" inis kong tanong.

"It's just that after we fucke-" pinutol ko ang sasabihin nya.Wala ring filter ang bibig nito.

"Hoi yang bibig mo" turo ko sa bibig nya.

Napalunok naman ako ng makita ang labi nya.Ang sarap namang halikan.Joke.

"Why do you want to kiss me?" tanong nya sakin.

"Kiss mo mukha mo gagi" sagot ko naman.

Ngayon ay isinasagawa na ang pagsalin ng dugo kay Drixon.Hindi talaga ako mapakali hanggat hindi sya ligtas at hindi na critical.

Kung pwede lang ako ang papalit sa lugar nya ay tatanggapin ko kase ang sakit makitang naghihirap ang anak ko.

Pinalipat na ng kwarto si Drixon at inilipat sya sa private room ni Hendrix.

"Anak gising ka na kase nag aalala na si momma sayo" naiiyak na sabi ko habang hinahawakan ang kamay ni Drixon.

Biglang bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Hendrix.

"Let's talk outside" aniya at napalunok naman ako.Naniniwala na ba syang anak nya si Drixon?.

Una syang lumabas at sinunod ko naman syang lumabas.Tumigil kami sa gilid ng kwarto na may upuan.

"Why did you hide him from me?" lumaki ng mata ko sa tanong nya.

"Teka akala ko ba hindi ka naniniwala?" tanong ko pabalik.

"Goddamn I just discovered that I have a son who looked like me and you're asking me that question?" galit na tanong nya.

"Masaya ka naman na sa buhay mo eh at tsaka ikakasal ka na nuon kaya hindi na kita ginulo pa" nagbaba ako ng tingin.

Nanigas ako ng bigla nya akong higitin sa bewang at niyakap ng mahigpit na mahigpit.

Pero mas na shock pa ako ng humikbi sya Umiiyak sya!.Bat parang ang sakit naman marinig syang umiiyak.

"I longed for you for damn two years tapos malalaman ko pa na may anak ako sayo" matigas na ani nya.

"S-sorry Hendrix.Natatakot kase ako na baka ayawan mo ako dahil wala naman tayong relasyon noon tapos sinabi mo pang fling mo lang ako" pahina ng pahina na sambit ko.

"You did'nt know but I tried to forget you that I drink every night and day just to get you out of my mind" sabi nya.

"I'm so sorry" yun lang ang lumabas sa bibig ko.

"Now that I'm here, I'll try my best to be a good father to him and I'll property ask for your hands" sabi nya.

"Teka may kamay ka naman.Yan nalang gamitin mo kase kailangan ko ang kamay ko eh" natatawang sabi ko para naman ma lift up yung mood dito.

"That's not what I mea-" pinutol ko sya.

"May aaminin pa pala ako" nagbaba ako ng tingin.

"What is i-" pinutol ko na naman sya.

"Baka magalit ka eh" sabi ko.

"Just tell m-" ikatlong putol ko na naman.Kita ko ang pagkairita sa mukha niya.

"Ahh may kambal si Drixon!" pag amin ko pa.

"What!!" sigaw nya.

"Si Kemineah ang k-kambal nya" utal na sabi ko.

"Sana naman hindi mo sila tinag-" aniya.

"Kasalanan ko na sige na" sarap patirin nito eh.

"Can you let me finish my sentence fir-" aniya.

"Nagugutom na ako" sabi ko at hinawakan ang tiyan ko at nagmamakaawa ng tingin sakanya.Hindi pa pala ako nakakain kanina.

"What the fuck?" malutong nyang mura.Wow mahal naman ng mura nito.

"Okay wag nalang"at naglakad paalis sakanya pero bigla nya nalang akong hinila palapit sakanya.

"Let's go buy some food.It's not healthy kung magpapalipas ka ng gutom" aniya at hinila ako palabas ng hospital.

Si Hendrix na ang nag order ng pagkain.Dito nalang kami bumili sa Jollibee drive thru kase malapit lang.

"Let's go" ani Hendrix habang dala dala ang order namin.Tumango lang ako at lumabas.

Nang nakalabas na kami ay nakita ko ang bruhang Scarlet.Nagkatinginan kami ni Hendrix at inirapan ko sya.

Kapag talaga inunahan ako ng babaeng to ngayon ay papatulan ko na talaga to.Sakit kaya ng ulo ko noong sabunutan nya ako.

To be continued...
Thanks for reading.

Applying As His Maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now