Chapter 15

1.2K 23 0
                                    

A/n:open for dedication in the next chapter.Just comment down if you want a dedication

Nag r-ready na kami ngayon para sa party celebration ng kambal at one year old na sila.

Nagseselos ako konti kase wala silang ibang nakuha sakin kundi ang eye lashes ko lang at ang iba pa nilang features ay nakuha nila sa kanilang ama.Ako ang nag buntis at nagluwal pero kamukha nila ang ama nila.

Parang pinagbiyak na bunga!

Tama nga ako na maganda ang genes ni Hendrix kase gwapo si Drixon at maganda naman si Kemineah.My cute twins!

"Kukunin ko muna ang cake na binili ko ha at babalik ako mamaya" sabi ni Kim.

"Sige ingat ka" sabi ko naman at hinalikan sya sa pisnge.

Hindi ko naman talaga balak na mag throw ng party na ganito kase ang gusto ko ay simple lang pero ayun sabi nina Jason hindi daw pwede kase first birthday ng twins kaya dapat daw bongga.

Marami rami din ang ininvite nilang mga kaibigan at pamilya.

Sila Kim, Jason at Niña ang nagbayad sa gastos sa birthday party at mayaman naman sila kaya hindi ko na tinanggihan pa.

It's currently 5 PM at magsisimula ang party sa 6 PM para hapunan.Unti unti nang dumarating ang mga bisita kaya isa isa ko silang binati.

Nagsimula na ang games at maraming mga bata ang dumalo kaya naging mas excited pa si Kemineah.

Si Drixon naman ay parang wala lang pero alam ko na masaya sya kaya sya ganyan kase namana nya pati attitude ng daddy nya.

Ang cold!

Si Kemineah naman ay mana sakin ang attitude kase masayahin syang bata at smiley.

Pagkatapos ng games ay nagsikainan na ang mga bisita kaya kami nina Niña ay busy pang e-entertain sa mga bisita.

Yung iba ay nagsiuwian na kase lumalalim na ang gabi at ang kambal naman ay nakatulog na dahil sa pagod nadin sa paglalaro at pagpapakilala sa mga bisita nila.

Ngayon ay hatinggabi na at tuluyan nang umalis lahat ng bisita kaya kami nalang ang nandito at nagliligpit ng kaunti.Ang mga leftovers na pagkain naman ay nilagay ko sa ref para hindi mapanis.

"Uwi na kami ha kase may trabaho pa kami bukas"pagpapaalam ni Kim.

"Oh sige mag ingat kayo sa byahe ha at tsaka salamat pala sa pagtulong nyo dito at sa pag bayad lahat ng gastos sa party" nakangiting pagpapasalamat ko.

"Wala yun tsaka mahal namin kayo at ninang kami ng kambal" ani Niña.

"Sige bye ingat" sambit ko at hinalikan sila sa pisnge.Si Jason naman ay kanina pa nagpaalam na uuwi na kase may importante pa syang gagawin.

Ewan ko parang may something si Kim at si Jason eh.At kung may something man sila ay suportadong suportado ko sila tsaka isa pa ay bagay naman sila sa isa't isa.

KINABUKASAN ay maaga akong nagligpit at naglinis sa mga kalat sa party kagabi.

Pagkatapos ko maglinis ay nagluto ako ng pancake para sa breakfast ng kambal.

Umakyat ako sa kwarto nila para gisingin sila at mag breakfast na.Nang makapasok ako ay nakita kong mahimbing na natutulog ang dalawa.Si Kemineah ay hawak ang plushie na binigay ng tita Niña nya kagabi.

Marami silang natanggap na gift kagabi kase halos lahat ng bisita ay may dalang regalo para sa kambal.

"My lovies wake up na!" malambing na tugon ko at hinawakan ang pisnge nilang dalawa.

Kapag talaga nakikita ko sila ay naaalala ko ang ama nila.Mula nuong nangyari sa opisina nya at umalis ako ay hindi na kami nagkita ni Hendrix at hindi nadin ako nakatanggap ng impormasyon tungkol sa kanya.

Pero siguro ay kasal na sya ngayon pero wala naman akong pake sakanya at bahala na sya sa buhay nya.

"Momma" tawag ni Kemineah sakin habang kinukusot ang mata nya Ang cute talaga ng babies ko.

"Morning momma" bati naman ni Drixon.

"Let's eat na babies" tumango sila at inilahad ang kamay kaya binuhat ko silang dalawa pababa ng hagdan.

Nagsimula na silang kumain kaya pinagmasdan ko lang sila habang kumakain.

"Babies your going with your titas today kase may pupuntahan si momma ngayon.Okay lang ba?" tanong ko kaya nabaling ang atensyon nila sakin.

"Yeeyy" biglang sambit naman ni Kemineah.Kapag kasama kase nila ang tita Niña at tita Kim nila ay namamasyal sila kahit saan.

Pupunta mamaya sina Kim dito para kunin ang kambal.May job interview kase ako ngayon.Nag resign kase ako sa dati kong trabaho kaya naghahanap ako ng bagong trabaho.

To be continued...
Thanks for reading.

A/n: Pasensya na po sa typos and wrong grammars kase busy talaga ang schedule ko kaya wala pa akong time para i reread yung chapters.Maraming salamat sa pagbabasa my lovely readers.

Applying As His Maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now