Chapter 3

1.6K 24 2
                                    

Hinatid ako ni Kim dito sa bahay este mansyon ng amo ko.Grabe ang laki ng bahay nato or matatawag paba tong bahay.

Ang ganda ng disenyo kahit sa labas palang mga teh halatang pang mayaman ang peg.

"Good luck sa first day mo dito bessie" aniya at hinalikan ako sa pisnge.

"Salamat sa paghatid bessie ha!" ngumiti lang sya at sumakay na sa kotse nya.Kinawayan ko sya hanggang sa mawala sya sa paningin ko.

Huminga ako ng malalim at nag doorbell.

Ilang segundo ang nakalipas at bumukas ang gate.Ngumiti ako sa babaeng naka maid ang suot na nasa 40's na ata.

Gumanti sya ng ngiti at pinapasok ako.

"Ikaw ba si Akemi Dame Sewell?" tanong ng ginang.Wow sana all alam buong pangalan.

"Opo ako nga po" nakangiti kong sambit sakanya.

"Ay ang gandang bata mo naman iha" papuri nya sakin.

"Salamat po" tanging sagot ko.

"Tawagin mo nalang akong nanay Minda" ani nya at tumango ako.

"Halika pasok muna tayo" aniya at pumasok kami Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda at laki ng bahay.Parang palasyo.

Umupo kami sa malaki at malambot na couch at nag usap muna.

"Matanong lang iha, May lahi kabang foreigner?" tanong ng ginang.

"Pure japanese po yung papa ko at pure pilipino naman ang nanay ko." sabi ko sakanya.

"Ay kaya pala ang puti mo at singkit ang mga mata mo at ang ganda ng kulay iha" aniya at namula naman ako.

Biglang nagsilapitan ang tatlong babaeng naka maid dress din.Not to mention, ang gaganda ng maid costume nila ah.

"Hi ang ganda mo naman.Ako pala si Annie "pagpapakilala ng babaeng taga balikat ang buhok.

"Ako naman si Rhea" ani ng babaeng may morena na skin.

"Ako naman si Andy by the way, half ka?" taning nya.

"Oo Half Japanese at ikinagagalak ko kayong makilala.Ang gaganda nyo din ako pala si Akemi" ani ko sa kanila.

Totoo naman ang gaganda din nila.

"Kaya pala ang ganda mo.Half Japanese ka pala!" ani Rhea.

"Mamaya na kayo mag usap-usap kase marami pang trabaho" biglang sabat naman ni
nanay Minda.

Tumango sila at umalis na papuntang kusina at ako naman ay tinulungan ni nanay Minda sa pagdala ng mga gamit ko papuntang maids room.Nasa second floor ito at ang kwarto naman daw ng amo namin ay nasa third floor.

Grabe kahit ang maids room ay maganda at modern din ang design.

"Sige magbihis ka iha at ito pala ang susuotin mo at tama lang yan sa size mo kase ang liit mo.Pagkatapos mo ay bumaba kana at tuturuan kita sa anong dapat mong gawin" aniya at tumawa.napangiti din ako.

"Sige po salamat" tumango sya.

"Nga pala wala pa dito ang amo natin at marahil bukas mo pa sya makikita o makakausap" sabi pa ni nanay Minda.

Tumango lang ako at lumabas na sya at sinara ang pinto.Nagbihis ako sa binigay na uniform sa akin ni nanay Minda.

Ang ikli ng saya tapos hapit na hapit sa maliit kong katawan ko ang puting pang itaas na blouse nito.

Ganda naman ng maid costume dito pang pang korean school uniform hehe.

Pagkatapos ko ay bumaba na ako at pinuntahan sila sa kusina.

"Ay wow bagay na bagay sayo yung uniform.Anong fit secret mo Akemi?" tanong ni Annie ng makita nila ako.

"Wala naman akong fitness secret" natatawa kong sagot.

"Ay talaga? Pano sa face, dika nag m-makeup?" tanong ni Andy bang nagpupunas ng lamesa.

"Wala akong panahon para dyan" sagot ko.

"Grabe naman ka naman ka natural pero ganda mo padin teh" taray tarayan na sabi ni Andy.

"Asan pala si nanay Minda?"vtinignan silang tatlo.

"Nasa labas puntahan mo doon" ani Rhea.Nagpasalamat ako at lumabas para hanapin si nanay Minda sa garden.

Tinuruan nya ako ng mga bagay na ginagawa at mga patakaran nila dito sa bahay ng amo namin.Pati din ang mga bagay na gusto ng amo namin para may idea daw ako kase grabe daw yun magalit kapag palpak ka sa pinapa trabaho nya sayo.

Pero kahit ganoon daw yon ay mabait yun at tinuturing silang pamilya.

Ganoon lang ang nagyari buong araw at tinuturuan nila ako at pinapakita sakin ang buong parte ng bahay.

To be continued...
Thanks for reading.

Applying As His Maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now