Chapter 26

1K 17 0
                                    

Kinakabahan ako dahil ngayon ako ipapakilala ng pormal ni Hendrix sa mga magulang nya.

Maraming mga posibilidad na mangyari ang lumalanas sa utak ko ngayon.In other words, I'm overthinking.

Paano kapag hindi nila ako tanggap?
Paano kapag ayaw nila sakin kase mahirap lang ako?.

Hindi ko na sana isasama si Kemineah at si Drixon pero nagpumilit si Hendrix.Hindi pa alam ng pamilya ni Hendrix ang tungkol samin or tungkol sa mga anak namin.

Pagkatapos kong magbihis ng simpleng white dress ay isinunod ko naman si Kemineah.Ang suot ni Kemineah ay matching sa suot ko.

Binili ko ito sa mall noong nakaraang linggo kase ang cute tignan.Mini version ko si Kemineah.

Nang matapos na kami ay pumasok si Hendrix karga si Drixon.Napa awang ang bibig ni Hendrix at pinasadahan ng tingin ang suot namin ni Kemineah.

"What?" tanong ko tsaka ito tumingin sa mata ko.

"When did you buy that?" aniya.

"Last week" sagot ko naman.

Napakunot nuo ako ng bigla syang nagpadyak na para bang bata na inaaway at iiyak na kahit anong oras.

"Bakit ba?" tanong ko.

"Bakit kayo lang? hindi kami kasama ni Drixon.You don't love us anymore" aniya at niyakap si Drixon.

"Juicecolored.Akala ko naman ano.Yan lang pala" sagot ko at napahilamos sa mukha gamit ang palad.

"Anong yan lang pala.No! We need to buy the same matching pair like that" matigas na sabi nya.

Napabuntong hininga nalang ako sa narinig.Nakita ko namang kinuha nya ang phone nya sa pocket ng trousers na suot nya at may dinial na number.

Hindi ko narinig ang sinabi nya sa telepono dahil lumabas ito ng kwarto at isinarado ito.

Parang bata naman to.Parang iyon lang eh!.

Lumabas na ako ng kwarto habang karga si Kemineah.Ang cute talaga ng baby ko sa suot nyang white dress.

Nanlaki ang mata ko ng makalabas ay nakita ko si Hendrix at si Drixon na ang matching white trousers and white t-shirt na ang disenyo ay katulad sa disenyo ng damit namin ni Kemineah.

Ang bilis naman nyang bumili!.

"Saan galing yan?" tanong ko.

"I asked Eric to buy it for me" proud na sagot nya.

Napabuntong hininga nalang ako at hindi na nagtanong pa.Pero unfairness, ang gwapo nya padin sa suot nya!

Hinawakan ni Hendrix ang nanginginig kong kamay habang ang isa namang kamay ay nag d-drive.

"Don't be scared because even though they won't like you, that won't stop me from loving you" aniya na nagpa kalma sakin kahit papaano.

"Salamat" sabi ko.

Bumuntong hininga ako ng tumigil ang kotse sa harap ng malaking mansyon.Ang yaman nga naman.

Hinawakan ni Hendrix ang kamay ko at binigyan ng ngiti habang karga nya si Drixon at karga ko naman si Kemineah.

Alam ko naman na hindi masama ang parents nya dahil sa nakilala ko na ito noong nag t-trabaho pa ako bilang maid nya.

Ngunit kahit sa gayon ay hindi ko padin mawawala sa sarili ko ang takot na baka ayawan nila ako para sa anak nila.

Pumasok kami at tumambad saamin ang mga magulang ni Hendrix na naka upo sa couch habang ang nakababatang kapatid naman ay nakatutok sa cellphone.

To be continued...
Thanks for reading.

Applying As His Maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now