Angel 3

20 5 0
                                    

Jasmine Point of View

Nagising ako dahil nasinagan ang mga mata ko sa sinag ng araw. Hinablot ko ang bagay na tumakip sa katawan ko at tinakpan ang buong mukha ko.

Inaantok na ako... Pero bakit ganun? Eh, hindi naman inaantok ang mga anghel at natutulog. Ang weird naman pero okay lang. Masarap pala matulog noh. Nakalimutan ko na kasi yung pamumuhay ko bilang tao nung nabubuhay pa ako.

"Hoy, Kuya Jade! Gumising ka dyan!" Rinig kong sigaw ng boses babae.

Hindi ko na lang siya pinansin. Hindi naman ako ang tinawag niya. Kuya daw hindi naman Jasmine.

Wait! Parang pamilyar yung Jade?

________________

Angel Jasmine,

Ang huling misyon mo ay tungkol sa nagngangalang Ian Jade Claveria. Pinapahalagahan ko ang iyong dedikasyon na patnubayan siya tungo sa mas mabuting landas at tulungan siyang makaahon mula sa kanyang madilim na nakaraan. Mahalaga ang iyong papel bilang kanyang tagapangalaga, at naniniwala ako sa iyong kakayahan na magdulot ng positibong pagbabago sa kanyang buhay.

Archangel Rafael

___________________

Yan lang ang sinabi niya pero ni isa wala man lang akong maintindihan. Ang lalim kasi eh. Bahala na! May tiwala naman ako sa ating Panginoon.

"Wait! Kilala mo si Ian Jade Claveria!" Sigaw ko sa babaeng inakala niyang ako si Ian.

Nakita kong nagulat ang babae nang makita ako. Hindi siya nakapagsalita at hindi man lang hindi siya makagalaw. Nakanganga parin siyang nakatingin sa akin kaya bumangon ako mula sa kama at nilapitan siya.

"Alam mo ba kung nasaan siya?" Tanong ko sa kaniya.

Napakurap kurap naman siya at bigla siyang tumili dahilan ng pagkabasag ng pandinig ko.

"Oh my gosh! So totoo nga ang sinabi nila na may dinalang babae si Kuya! Hindi lang basta babae! Oh my gosh! You're so pretty like an angel!"

Bumukas ang pinto at iniluwal ang isang matangkad at gwapong lalaki sa balat ng lupa. Ito yung lalaki kagabi. Humahangos siya at tila hinahabol siya ng kung ano.

Teka! Tumakbo ba to?!

"Stella! What happened?!" Tanong nung lalaki sa babaeng nasa harapan ko.

"Ang ganda niya! Kuya! Grabe! Wait?! What's your name? Are you single? If you are, my brother is single too and he's ready to mingle." Natatawang sabi ng babae ang pangalan ay Stella.

Napakamot ako sa batok ko. "Ako nga pala si Jasmine at hindi po ako single."  Nahihiyang sabi ko.

Totoo naman hindi ako single. Angel ako.

"Ay! Sayang naman! Ishiship ko sana kayo! Gwapo ba ang boyfriend mo? Hot ba? May abs? Aagawin ko para kayo na ni kuya?" Sabi niya.

"Boyfriend?" Nagtataka kong tanong. "Wala akong boyfriend."

"Huh? Sabi mo hindi ka single! Ano ba talaga." Masungit na sabi nung lalaki.

Sungit agad!

"Hindi naman ako single eh angel ako. Angel ako ni Ian Jade Claveria. Kilala niyo ba siya?"

"Nagpapatawa ka ba o baliw ka talaga!" Sabi nung lalakimg masungit.

"Kuya! Don't do that!" Sita ni Stella.

"So?" Sabi nung lalaki sa malamig na boses.

"Totoong angel ako ni Ian Jade Claveria. Nandito ako para sa misyon ko at utos yun sa nakakataas na anghel. Kailangan ko siya baguhin. Yun lang." Paliwanag ko sakanila

Nagulat na lang ako ng mawalan sila ng malay at bumagsak sa sahig.

"Hala!"

"Jasmine!" Sita sa akin ni Tita Yanna.

"Hello! Tita Yanna!" Kaway ko.

"Diba sabi ni pinuno na huwag sasabihin sa kahit sinong mortal tungkol sa atin." Sabi niya.

"Patawad pinuno!" Ngumuso ako.

"O sige na babalik na ako sa langit! Ayusin mo ang misyon mo!" Sabi niya at umalis na.

"Bye! Tita Yanna!" Paalam ko.

Nagising naman sila Stella at Kuya niya.

"What just happened?" Tanong nung Kuya ni Stella.

"Ewan ko bigla na lang kayo nawalan ng malay." Pagsisinungaling ko.

Tumunog naman ang tiyan ko.

"You must be hungry?" Sabi ni Stella.

Tumawa na lang ako at tumango.

"Let's go we'll talk after dinner." Sabi naman nung Kuya ni Stella.


Chapter End

Her Last MissionWhere stories live. Discover now