Angel 9

13 4 0
                                    

Jasmine's Point of View

"Do you want to see your parents?"

Natigilan ako sa tanong niya. Gusto ko silang makita pero hindi pwede nandito ako sa misyon ko hindi makipagkita sa mga magulang ko.

Umiling ako. "Alam kong masaya sila ngayon. Sana maipangako niyo po sa akin na huwag niyong sasabihin sa kahit sino tungkol sa akin. Sekreto lang natin po yun." Sabi ko.

"Secret?"

Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Ian mula sa likod ni Tito.

"Jade." Tawag ni tito sa anak niya.

"Jasmine, let's go. Matulog ka na." Sabi ni Jade sa akin at hindi man lang pinansin si Tito.

Tumango ako at sumunod sa utos niya. Nagpaalam ako kay Tito at lumapit kay Jade at umalis mula sa balcony.

"Why are you still awake?" Tanong niya habang naglalakad kami papunta sa kwarto niya.

Siguro nagising siya dahil wala ako sa tabi niya kaya naisipan niyang bumaba rito.

"Ano kasi...hindi ako dinalaw ng antok kaya naisipan kong magpahangin dito at dumating si tito na nagpapahangin rin kaya nag-usap-usap kami." Sagot ko sa tanong niya.

Napatigil siya sa paglalakad at taka niya akong tiningnan.

"Tito?"

"Sabi niya na tito na ang tawag ko sa kaniya simula ngayon."

Tumango naman siya at naglakad ulit at hindi na umimik. Nakarating rin kami sa kuwarto niya. Pumasok na kami at humiga sa kama. Siyempre, nilagyan niya ng unan sa pagitan namin. Ewan, kung bakit niya yan ginagawa eh paggising ko yakap niya na ako sa bisig. Siguro ganiyan talaga ang mga tao.


(⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)⁠✧⁠*⁠。

Nagising ako ng marinig ko ang mahihinang yapak papasok sa kuwarto. Lumingon ako sa gilid at wala si Ian sa tabi ko. Sinulyapan ko ang taong papalapit sa akin at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siyang may dalang kutsilyo at nakamaskara ang buong mukha niya.

Akmang sasaksakin niya ako nang hinawakan ko ang braso niya na may hawak sa kutsilyo. Nakaramdam ako ng takot na para bang pamilyar ito sa akin, na para bang naramdaman ko na ito noon.

"S-sino ka?! A-a-anong k-kailangan mo sa akin?!" Buong tapang kong sigaw kahit nauutal na ng dahil sa takot.

"You should die." Sabiq niya sa malamig na boses.

Nagulat ako ng sinakal niya ako. Hindi ako makahinga. Hindi ko alam parang ayaw ko pang mamatay kahit na matagal na talaga akong patay.

"Ikaw ang kahinaan niya kaya dapat mamatay kana. Ang ganda mo sana kaya lang nanggigil akong patayin ka" Giit niyang sabi. "I need to kill you right now! Just like his mother and my girl he stole from me!" He yelled and choke me hard.

Habang sinakal niya ako itinaas niya ang isang kamay at itinutok sa akin ang kutsilyo.

"Jasmine!" Someone yelled.

Napatigil naman ang lalaki at tumakbo kaagad papunta sa balcony at tumalon doon. Nakahinga ako ng maluwag ngunit nakaramdam ako ng hilo. Bago pa ako mawalan ng malay ng may isang kamay na tumapik sa pisngi ko.

"Jasmine!"




Chapter End

Her Last MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon