Angel 5

17 4 0
                                    

Jasmine's Point of view

Isang buwan na akong nanatili sa bahay ni Ian. Sa tatlong buwan na nakasama ko sila Nanay Lori, Stella, si Ian at ang mga yaya at mga guards. Marami narin akong natutunan sa mundong ito kaya namangha ako at ginanahan na maging tao ulit.

"Jasmine, let's go!" Tawag ni Ian sa akin sa malamig na boses.

Cold agad?

Ganiyan siya kapag may mga taong nakapaligid sa amin pero kapag kami ni Nanay Lori, Stella at ako, ngumingiti siya at tumatawa na parang bata.

Ngayon, uuwi na daw kami sa Maynila. Hindi ko alam ang lugar na yun kaya sabik na sabik akong makita ang lugar na yun. Uuwi daw kami kasi may problema daw sa kompanya ng mommy niya kaya kailangan niyang umuwi. Hindi na sana ako sasama pero napagtanto ko na anghel pala ako ni Ian kaya hindi ako aalis sa tabi niya.

Kaninis naman!

Si Stella naunang umuwi nung isang linggo dahil may klase siya at nag-aaral.

Ilang oras na ang nakalipas, nagmamaneho si Ian at ako naman tahimik na umupo sa tabi niya.

Bigla kong naalala yung sinabi ni Nanay Lori.

Flashback

"Nanay Lori, ano po yung girlfriend?" Takang tanong ko.

"Bakit mo yan naitanong?" Tanong niya.

"Wala lang. Nagtataka lang kasi ako kasi palagi ko na lang naririnig kay Stella sana may girlfriend na si Ian para bumait naman siya tulad sa kaibigan niya na parehong ugali ni Ian." Paliwanang ko.

"Ang isang girlfriend siya ang taong kasama mo sa pagbabahagi ng iyong mga pangarap, mga takot, at iyong mga pinakamahigpit na mga iniisip. Siya ang iyong katiwalaan, iyong kasama sa mga pakikipagsapalaran, at iyong karamay sa mga oras ng pangangailangan. Ang isang girlfriend ay siyang nagpapabilis ng tibok ng iyong puso at nagpapaliwanag ng iyong mga araw sa kanyang presensya."

"Naintidihan ko na po, Nanay Lori." Sabi ko.

End of Flashback

Tinignan ko si Ian na nakatingin parin sa harap ng kalsada.

"Ian, may girlfriend ka naba?" Tanong ko.

"Why are you asking?" Sabi niya na hindi tumingin sa gawi ko.

Buti na lang marunong akong mag-english kahit kaunti.

Napanguso naman ako. "Nagtatanong lang yung angh–ay este tao. Kung meron kang girlfriend, pwede ko bang makilala." Sabi ko habang may ngiti sa labi.

Para naman hindi na ako mahihirapan sa misyon ko noh!

"She didn't know that she's my girlfriend. I'm just claiming her myself, before someone can." Mahabang english niya.

"Pwede bang mag-tagalog ka na lang! English ka ng English! Hello! Nasa Pilipinas tayo, wala pa sa America."

Tumawa naman siya.

"Ay! Oo nga pala pwede bang dumaan tayo sa Jollibee. Matagal na kasi akong hindi nakapunta doon simula ng namatay ako." Sabi ko at huli na ng napagtanto ko ang huling sinabi ko.

'Ang daldal mo talaga Jasmine kahit kailan! Sabi ni Tita Yanna sa isipan ko.

'Sorry po tita Yanna, peace na tayo.' Sabi ko sa kaniya sa isipan ko.

"Wait! What did you just say?" Takang tanong ni Ian sa akin.

"Huh? May sinabi ba ako? Wala naman ha!" Pagsisinungaling ko.

"Hey, I heard it all. Ang lakas lakas kaya ng boses mo." Iritang sabi niya.

"Huh?! Wala kaya akong sinabi! Siguro narinig mo sa multong kasama natin ngayon."

Tama, may kasama kaming multo dito sa kotse, nakaupo sa likod namin. Hindi naman ako takot dahil katulad ko rin siya, kaya lang iba ang estado namin. Multo siya, anghel ako kaya iba kami. Humingi siya ng permiso sa akin na sasama siya papuntang maynila dahil hahanapin niya ang kaniyang anak bago siya mapunta sa langit. Naawa naman ako sa kaniya kaya pumayag ako at sumakay naman siya sa kotse. Kanina pa siya tahimik, siguro iniisip niya ang anak niya.

"M-multo?" Nauutal niyang sabi.

Wait! Huwag mong sabihin na...

Malakas akong tumawa ng mapagtanto ko ang iniisip ko. "Takot ka pala sa multo."

"What did you just– I mean, anong sabi mo? Ako? Takot sa multo? Hindi noh." Sabi niya.

Tumawa ako ulit dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lang namalayan na huminto sa gilid ang kotseng sinakyan namin. Tinignan ko si Ian at nakita ko siyang nakatitig sa akin. Huminto ako sa kakatawa at tinitigan siya. Nagtama ang paningin namin sa isa't-isa, kita ko sa mga mata ni Ian ang kislap na hindi ko maipaliwanag.

Sa isang buwan na pananatili ko dito. Marami na akong nalalaman tungkol sa pamumuhay ng mga tao. Sa isang buwan na nakasama ko si Ian araw-araw kong nakikita ang mga ugali niya. May panahon na nahuli ko siyang umiiyak mag-isa kaya niyayakap ko ito at para namang mapagaan ko ang loob niya.

"Huwag kang mag-alala, Ian. Nandito lang ako sa tabi mo." Sambit ko.

Alam kong kailangan mo ng may masasandalan.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Bakit? Balak mo ba akong iwan?"

Kung alam mo lang...

"Siguro, alam kong darating din ang panahon na mawawala ako sa tabi mo. " Sabi ko.

Umigting ang panga niya sa sinabi ko. "So? Balak mo ngang iwan ako?" Inis niyang sabi.

Magsasalita na sana ako ng sinimulan niyang paandarin ang kotse. Hindi na siya umimik pa kaya tumahimik na lang ako.

Sana hindi ko na lang yun sinabi pero ewan ko kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. At tsaka totoo naman ang sinabi ko dahil balang araw mawawala na ako sa tabi niya. Dahil nandito ako para sa misyon ko, hindi mamuhay kasama siya.

Chapter End

Her Last MissionWhere stories live. Discover now