Angel 14

15 3 0
                                    

Jasmine's Point of View

Nagising ako nang may tumapik sa pisngi ko. Pagbukas ng mga mata ko. Bumungad sa akin ang pinaka-cute at makulit na kaibigan kong anghel.

"Ate!!" Mikaella cheered.

"Anong ginagawa mo dito?" Takang-tanong ko.

"Gusto ko lang malaman ang kalagayan mo. Ate tignan mo ang likod mo." Sabi niya at tinuro ang nasa likod ko.

Pagtingin ko sa likod at bumungad sa akin ang hindi ko inaasahan.

May pakpak na ako! Ibig sabihin tapos na ang misyon ko! Ibig sabihin babalik na ako sa langit?

"Jasmine, tapos na ang misyon mo, kailangan na nating bumalik." Sabi ni Tita Yanna na nasa likod ni Mikaella.

Tumayo ako na parang wala sa akin ang bakal na nakagapos sa pulsuhan ko. Tinanggal ko ang bakal at nahulog ito sa sahig. Bumuntong-hininga muna ako at hinarap si Tita Yanna.

"Tita, pwede po bang manatili dito kahit sandali lang. Gusto ko lang magpaalam sa kaniya. " Pagpapaalam ko.

"Sige, ngunit kailangan mong bumalik hanggang hindi pa bumaba ang araw." Sabi niya at naglaho kasama si Mikaella.

Ngumiti ako at naglaho rin katulad nila. Inisip ko ang lugar kung saan siya nakatira. Pagdilat ko bumungad sa akin si Ian, Tito at pati narin ang mga tauhan nila.

"Ian!" Tawag ko.

Lumingon siya sa gawi ko at nagulat siya sa nakita niya sa likod ko pati narin sila tito at ang mga tauhan niya.

Siyempre! May pakpak na ako!

"Jasmine!" Sigaw niya at tumakbo sa gawi ko.

Si Tito naman ay nagtataka at naguguluhan dahil hindi kumurap ang mga tauhan nila.

"Jasmine? How?"

"Pasensiya ka na kung hindi ko sinabi ang tungkol sa akin." Paghingi ko ng tawad.

Ngumiti siya. "It's okay, sinabi na rin ni Daddy tungkol sayo. Well, you look good on a white dress and beautiful wings." Puri niya.

Tinignan ko si Tito sa likod ni Ian. Tumango siya na senyales na totoo ang sinabi ni Ian. Tinignan ko si Ian na nakatitig parin sa mga pakpak ko.

"Ian, gustuhin ko mang manatili pero hindi pwede kailangan ko ng umuw–"

"No! You can't! You should stay here, please... Stay with me Jasmine, please." Pagmamakaawa niya.

Tumulo ang luha niya na dumaloy mula sa mga mata niya. Pinunasan ko yun at ngumiti.

"Ian, kailangan ko talagang umuwi. Ito na ang huling misyon ko at pagkatapos nito ay maipapanganak na ako ulit sa mundong ito." Paliwanag ko.

"T-talaga?" Tanong niya.

Bakas sa mukha niya na may pag-asa ba na makita niya ako ulit.

"Ngunit matagal pa, bago ako maipanganak sa mundong ito. Hindi ko alam kung saan o kailan pa mangyayari yun."

Bumagsak ang balikat niya at niyakap na lang niya ako ng mahigpit.

"I'll wait for you." Pinal niyang sabi. "I don't care if it takes days, months, or years. I'll wait for you even in my next life, I promise."

"Ian–"

"Thank you. Thank you for coming into my life. I will never ever forget you." He said.

"Hindi yan mangyayari, Ian. Pag-uwi ko sa langit, hindi mo na ako maalala. Hindi lang ikaw, pati narin ang mga taong kilala ako bilang Jasmine." Sabi ko.

"Ang unfair naman! Jasmine!"

Napasigaw siya ng hindi niya ako mayakap.

"Paalam na, Ian."

Bago pa ako mawala sa harapan niya. Isinambit ko ang tatlong salita na nakatago sa puso ko.

"Mahal kita, Ian."



Chapter End


Her Last MissionWhere stories live. Discover now