Angel 7

14 4 0
                                    

Jasmine Point of View

Nagising ako nang masinagan ng araw ang mukha ko. Hihilahin ko sana ang kumot ng maramdaman kong may mabigat ng bagay na pumulupot sa tiyan ko. Tiningnan ko ito at kamay pala ito ni Ian.

Niyakap niya ako habang natutulog? Ewan ko parang kinilig ako. Teka lang! Paano ako napunta dito. Ibig sabihin nakarating na kami? Nakakahiya naman na binuhat niya ako papunta sa kwarto pero bakit magkatabi kaming natutulog?

"J-jasmine." Tawag niya sa akin na parang inaantok pa. "What time is it?" Tanong niya.

Tinignan ko ang lamesa na katabi sa kama at nakita ko ang orasan.

"10:30 am." Basa ko.

Nabigla ako ng bumangon siya agad at natarantang tumakbo papunta sa isang pinto.

Anong nangyari dun?

Humiga na ako sa kama. Ipipikit ko sana ang mga mata ko nang may kumatok sa pinto. Pinagbuksan ko ito at bumungad sa akin ang lalaking nakangiti.

Sino to? "H-hello?" Naiilang ako sa titig niya na para bang may ibang kahulugan yun.

"You must be Ian's girlfriend?" Tanong niya na hindi parin nawawala ang kaniyang ngiti.

Napakunot-noo  naman ako sa sinabi niya. Girlfriend?

"Huh? Girlfriend? Nagkakamali po kayo. Hindi po niya ako girlfriend pero kaibigan niya ako na babae." Pagtatama ko.

Napasipol naman siya. "I see. Gusto mong sumama sa akin may ipapakita lang ako sayo." Sabi niya at ngumiti.

"She won't come so back off!"

Napaigtad ako ng marinig ko ang malamig ng boses ni Ian sa likod ko. Hinarap ko siya at nakabihis na siya ng pang-opisina. Magsasalita na sana yung lalaki sa labas ng hinila ako ni Ian sa loob at isinarado ang pinto.

Sinuri naman niya ako kaagad.

"Are you okay? May ginawa ba siyang masama sayo? May sinabi ba siya?" Nag-alala niyang tanong.

Ngumiti naman ako dahil naramdaman ko na nag-alala siya para sa akin.

"Ayos lang ako, Ian. Bakit mo siya sinigawan? Kilala mo ba siya? At tsaka wala naman siyang ginawang masama sa akin. Sinabihan niya lang ako na sumama ako sa kaniya dahil may ipapakita raw siya sa akin." Paliwanag ko.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinagsiklop niya ito. "Promise me, Jasmine na hinding-hindi ka magtitiwala sa kaniya at lalong-lalo na huwag na huwag kang sumama sa kaniya. Maliwanag?"

Tumango ako kahit naguguluhan.

"Halika na, kumain na tayo. Alam kong gutom ka na." Sabi niya at hindi niya parin binitawan ang kamay ko.

Lumabas na kami sa kwarto at iginaya niya ako sa dining room nila. Pagdating namin bumungad sa akin si Stella na nakangiti sa amin, at ang kaedarang lalaki na umiinom ng kape na nagbabasa ng dyaryo at katabi niya yung kaedarang babae, at yung lalaki na nag-aya sa akin kanina.

"Jade, can you introduce her for us?" Sabi nung kaedarang babae.

"She's Jasmine, my girlfriend. Jasmine he's my Dad, my stepmother Claire, and Sean."

"Girlfriend? She said earlier that she's NOT your girlfriend." Sabi ni Sean kay Ian na nakangisi. "You know what? It's bad claiming someone that doesn't yours, right Jasmine?" Tanong ni Sean sa akin.

Hindi ako nakasagot dahil nararamdaman ko ang galit sa katabi ko, Si Ian. Nakakuyom ang mga kamao niya kaya hinawakan ko yun. Tiningnan naman niya ako kaya ngumiti ako sa kaniya para hindi na siya magalit.

"We should eat now." Sabi ng ama ni Ian.

Natakam naman ako sa mga pagkain na nakahilera sa lamesa namin. Parang gusto ko yatang ubusin lahat pero nakakahiya dahil nandito ako sa harap ng pamilya niya. Nagulat ako ng kinuha ni Ian ang plato ko at ipinagpalit sa plato niya na may maraming pagkain.

"Anak, baka hindi niya yan mauubos." Sabi nung mama ni Ian.

Tahimik lang si Ian sa paglagay ng tubig sa baso ko. Ngayon ko lang napagtanto na masyado yata siyang tahimik ngayon.

"Ubusin mo yan." Bulong ni Ian sa akin.

Tumango naman ako at inubos ang mga pagkain na inihain niya. Buti alam niya ang mga paborito ko.


Chapter End

Her Last MissionWhere stories live. Discover now