Angel 11

15 4 0
                                    

Jasmine's Point of View

Ilang araw na ang nakakalipas simula nang mangyari ang gabing yun. Hindi ko akalain na mayroong taong gustong patayin ako.

I'm dead already... oh english na yan ha...

Simula nang gabing yun palaging nakabantay si Ian sa akin. Ang ibig kong sabihin bantay-sarado ako. Nasa tabi ko siya palagi maliban na lang sa mag-C-CR Ako pero nasa labas naman siya nagbabantay. Hindi naman ako nasasakal sa ginagawa niya pero wala naman akong magagawa.

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Ian nanonood ng tv. Si Ian naman nasa balcony at may ginagawa sa laptop niya. Habang nanonood ako ng tv na-curious ako sa sinabi ng babae na malaki ang tiyan.

Napaisip ako. Masarap ba ang ice cream with ketchup? Ma try ko nga.

Akmang lalabas ako nang marinig ko ang seryosong boses na nagpahinto sa akin.

"Where do you think you're going?" Tanong ni Ian.

Humarap ako sa kaniya at alanganing ngumiti.

"Kakain." Ikling sagot ko na may ngiti sa labi.

"What food do you like? I'll call someone to deliver us for your food." Sabi niya at kinuha ang cellphone niya na nasa lamesa niya.

Lumapit ako sa kaniya at sinagot ang tanong niya. "Gusto ko ng ice cream with ketchup." I smiled.

Napatigil naman siya sa pagtitipa at napatingin sa akin.

"Is that a... normal food?" He asked.

Tumango ako. Magsasalita na sana siya nang may kumatok sa pinto. Bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Tito.

Tumakbo ako sa kaniya at niyakap siya sa kaniyang braso. Ganito kasi ang napanood ko sa tv kapag may gusto kang pagkain.

"Tito, gusto ko ng ice cream with ketchup. Gutom na kasi ako eh." Pagpapa-cute ko.

Napatigil naman siya at palipat-lipat ang tingin sa amin ni Ian.

May problema ba?

"You know what? I remember something... Yan kasi ang hinihingi sa akin ni Aryanna nung pinagbubuntis niya si Ian." Sabi niya sa akin at napalingon siya sa gawi ni Ian na madilim na ang mukha. "Jade... Did you impregnate her?" Tanong ni tito.

Huh? Ano raw?

Napatulala naman si Ian at tumayo bigla.

"What the f-ck! Anong pinagsasabi mo dyan?! Hindi ko pa yan inaano!" Sigaw ni Ian at kita ko sa mukha at tenga niya na namumula na.

Ba't siya sumigaw?

"Defensive." Sabi ni Tito na may mapanuksong ngiti. "What do you mean, hindi pa? So may balak ka nga."

"I'm outta here." Sabi niya at biglang umalis.

Naiwan kami ni Tito sa kwarto habang nakayakap ako sa kaniya. Biglang bumukas ang pinto at bumalik si Ian at hinila ako.

"She's mine." Maawtoridad niyang sabi kay Tito at kinaladkad ako.

Narinig ko ang tawa ni Tito habang naglalakad kami papunta sa baba. Naguguluhan ako sa kanilang usapan nilang mag-ama na sila lang ang nagkakaintindihan.

"Kailangan mong mag-aral but, I decided that you will learn here and I'll make sure na babae ang teacher mo, maliwanag?" Sabi niya na ikinatango ko na lang.

(⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)⁠✧⁠*⁠。

"Kailan kaya dadating ang magiging teacher ko?" Tanong ko kay Nanay Lori na nasa tabi ko.

Nakaupo kami sa sofa at hinihintay ang magiging teacher ko. Ilang minuto na ang nakakalipas ay sa wakas dumating na rin ang teacher ko kasama si... Sean?

"Hello po Miss Jasmine. I'm your Teacher Dani." Sabi ng babae.

"Hello." Masayang bati ko.

Tinignan ko si Sean na blangko ang tingin sa akin. Nagtataka ko siyang tinignan pero umiwas siya ng tingin at napakunot ang noo ko ng itaas niya ang kaliwang kamay niya. Nagulat ako nang marinig ko ang malakas na ingay na yun parang putok ng baril.

Narinig ko ang sigaw ni Nanay Lori at napatingin ako sa gawi niya at nagulat ako ng makita ko si Teacher Dani na may hawak na baril na nakatutok kay Nanay Lori.

"Diyos ko! Anong kailangan niyo sa amin?!" Tanong ni Nanay Lori.

"Sumama kayo sa amin kung ayaw niyong masaktan." Sabi ni Teacher Dani.

Napasigaw ako nang may marahas na humablot sa buhok ko.

"T-teka! Kuya Sean! Bitawan niyo po ako." Pagmamakaawa ko.

Ikinaladkad niya ako papunta sa itim na kotse. Pilit kong tanggalin ang kamay niya na nakahawak sa buhok ko pero hindi ko kaya dahil malakas siya kaysa sa akin.




Chapter End

Her Last MissionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant