BO - Chapter 1

42.1K 666 79
                                    

CHAPTER 1

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

Kasalukuyan akong inaayusan ng make up artist na kinuha ni mommy. Nandito kami ngayon sa kwarto ko.

Makalipas ang ilang sandali, natapos na akong ayusan.

"Ayan. Ang ganda ganda mo talaga. Lalong maiinlove sa'yo ang boyfriend mo." Napangiti na lang ako sa tinuran ng make up artist.

"Naku, wala po akong boyfriend."

Ngayon na ang 18th birthday ko, at masaya ako dahil doon. Gabi ito gaganapin. At ngayon ay 6pm na.

Maya-maya lang, pumasok na ang mommy sa kwarto ko pagkalabas ng make up artist.

"Dara, anak, you're so gorgeous." Hinaplos ni mommy ang buhok ko habang nakangiti.

"Thanks, mom." I smiled too.

"Are you ready, princess?" I nodded.

Lumabas na kami ng kwarto ko. At dumiretso na sa garden ng bahay namin.

Pagdating namin doon, naabutan namin ang mga kasosyo ni daddy sa business kasama ng kani-kanilang anak.

Lahat sila ay hindi ko naman kilala. Dahil never, as in never akong nagkaroon ng kaibigan dahil sa kanya.

Pero hindi 'yun ang kinabahala ko. Bigla akong nakaramdam na parang may pares ng mata na mataman na nakatitig sa akin. Kinikilabutan ako. Pero hindi ko na lang ito pinansin. Baka nagha-hallucinate lang ako.

Pagkakita sa amin ni daddy, lumapit siya sa amin at pumunta na kami sa backstage.

Nagpalinga linga sila sa paligid na para bang may hinahanap.

"Dad. Mom." Agad akong kinabahan nang marinig ko ang baritonong boses mula sa likod ko. Ang boses na sobrang pamilyar sa akin. Ang boses na matagal ko nang hindi naririnig.

Hindi ako makagalaw. Parang naestatwa ako sa kinatatayuan. Ramdam ko ang titig niya mula sa likod ko kasabay ng mabilis na pagkabog ng dibdib ko.

"Darko, bakit ngayon ka lang? Come here."

Naramdaman ko ang paglapit niya pero hindi ko pa rin siya nililingon.

"Dara, what are you doing there? Come here. Your kuya is here."

I gulped.

I know. And I can feel his intense stare.

Wala akong nagawa kundi lumapit sa kanila habang nakayuko.

"We will just leave the both of you for awhile, hahanapin lang namin ang organizer."

At umalis na nga si mommy kasama ni daddy bago pa man ako makapagsalita para sana pigilan sila. I sighed.

"K-kuya."

Inangat ko ang paningin ko sa kanya at sinalubong niya ako ng mga mata niyang walang emosyon.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Naiipit na rin ang maliit kong katawan sa malaki niyang pangangatawan. Hanggang sa pahigpit nang pahigpit ang yakap niya sa akin na para bang natatakot siyang mawala ako. At hindi ko alam kung bakit 'yun ang pumasok sa isip ko.

"K-kuya, I-I can't breath."

I heard him sighed. Bahagya niyang niluwagan ang pagkakayakap sa akin ngunit hindi pa rin ako pinapakawalan.

"Happy birthday, my Dara."

Pinadala ito ni daddy sa states para pansamantalang pamahalaan ang kompanya doon. Mahigit isang taon din nawala si kuya. Kaya isang taon din akong naging malaya.

Brother's Obsession [EDITING]Where stories live. Discover now