BO - Chapter 43

6.8K 154 12
                                    

CHAPTER 43

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

Narinig ko ang katok mula sa labas ng pintong sinasandalan ko.

"Dara, anak. Kakain na."

And for the nth time, I heaved out a deep sigh. Ngayon, paano ako kikilos sa harap mismo niya kasama ang ipinalit niya sa akin?

Napailing ako sa mga naiisip ko kasabay ng pagpahid ko sa mga luha na nasa pisngi ko.

I can't give him up. Not now. Not ever. Mahal na mahal ko na siya at hindi ko siya kayang isuko nang ganun ganun na lang.

Hinihiling ko na lang ang alam kong imposibleng mangyari. Na sana bumalik na ang pagmamahal niya sa akin.

Call me selfish. Dahil alam kong mukhang buntis ang ipinalit niya sa akin. Pero kailangan ko siya. Pinalalim niya ang pagmamahal ko sa kanya at isa pa, may anak din kami. Kailangan siya ng anak namin. Lalo na ngayon sa sitwasyon ni Daryl.

Nagtagumpay nga siya sa plano niya. Nung sinabi niya sa akin na paiibigin niya ako gaya ng pagmamahal niya sa akin. Pero pinagpalit naman niya ako.

Yes, k̶u̶y̶a̶ Darko. I'm sorry but I have to do what I should do. Heto ang dinulot mo kay Dara Shin Norville. You made me realize that I can't stand the thought and feeling of me without you.

Ibabalik kita sa akin.

-

Pagkabalik ko sa dining area, ay huminga muna ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko at saka ako nagsimula ulit humakbang habang nakayuko papalapit sa bakanteng upuan sa tabi ni Darko.

Pagkaupo ko ay hindi ko maiwasang mailang dahil ramdam ko ang tingin na pinupukol sa akin ng kung sinuman. Nagbuntong-hininga ako at hindi na lang 'yun pinansin.

Nag-angat ako ng tingin kay mom nang may maalala ako. "Mom, two days lang po ako dito. Babalik na rin po ako sa Singapore." Napatango-tango naman siya.

"Okay sige. Puntahan ka na lang din namin doon ng daddy mo." Nakangiti niyang pahayag na tinanguan ko lang. "Kamusta na nga pala si Daryl?" Maya-maya lang ay naitanong ni mommy.

"He's still in the hospital, mom. He badly needs the blood transfusion as soon as possible. Hindi na po pwedeng patagalin." Nalulungkot kong sagot sa kanya.

Sinubukan kong silipin ang reaksyon ni Darko pero hindi ko matantya dahil nakayuko lang siya habang kumakain.

Napabaling na lang ako sa pagkain ko. Hindi ko maiwasang malungkot lalo.

Hindi man lang ba niya ako pipigilan sa pagbalik ko agad-agad sa Singapore katulad ng pagpigil niya sa akin dati?

Hindi niya man lang ba itatanong ang tungkol sa anak niyang si Daryl?

Wala na ba talaga?

Maya-maya, pagkatapos namin kumain ay nagpresinta 'yung babae na siya na ang maghuhugas ng mga pinggan. Si mom naman ay umakyat na sa kwarto niya para kunin ang phone niya at tawagan si dad. Naiwan naman kaming dalawa dito ni Darko. Kinakalikot lang niya ang cellphone niya habang ako ay nakatingin lang sa kanya.

"Da–kuya," Nag-angat siya ng paningin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. "Can we talk? Privately?"

Hindi siya sumagot kaya bumaling ulit ako sa kanya. Napansin kong parang nag-iisip siya.

"Aalis pa kami ni Mackie eh. Bukas na lang paggising mo." At saka siya naman ang umiwas ng tingin. So, Mackie nga pala ang name nung babae.

Nagsalubong ang kilay ko at hindi ko rin maiwasang mapanguso.

Brother's Obsession [EDITING]Where stories live. Discover now