BO - Chapter 23

18K 297 40
                                    

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

"Grabe ka! Ang sabi mo, maeenjoy ko 'yun? Hays. Mukha ba akong nag-enjoy?" Inis kong saad sa kanya na kinatawa niya lalo.

"Ano ba?! Para kang baliw dyan. Tawa ka nang tawa." Hindi pa rin siya tumigil sa pagtawa, kaya sa inis ko, binato ko siya ng fries na kinakain namin.

"Uy, ano ba? Sayang 'yung pagkain." Pigil niya.

"Tch." Inirapan ko siya.

Nandito kami ngayon sa may malilim na bahagi ng park na malapit lang din sa peryahan. Kasalukuyan kaming nagmemeryenda ngayon ng dalawang cheese flavored fries, dalawang cheeseburger, at may binili rin siyang juice na nasa 1.5L na bottle.

Ewan ko ba, pero nagke-crave kasi ako ngayon sa cheese kaya cheese flavor ang nirequest kong food sa kanya.

"Bakit mo ba naisipan na doon ako dalhin? Tch." Inis kong tanong at saka kumagat sa cheeseburger ko.

"Ikaw rin naman kasi ang nagsabi, diba? Sinabi mo nun sa akin na ayaw mo sa horror house at never ka pang pumasok sa ganun. Haha! Kaya ayun. Pinaalam ko lang naman sa'yo kung anong meron doon. Hindi ko naman akalain na wala kang ibang ginawa kundi tumili at hila-hilain ang damit ko." Natatawa niya pa ring saad, at saka siya uminom ng juice sa basong plastic na hawak niya.

Sinimangutan ko siya.

"Ayun nga eh. Pinilit pilit mo pa akong pumasok sa ganun! Naku! Sa susunod, hindi na talaga ako sasama sa'yo!" Pagsusungit ko pa sa kanya.

Nakaka-trauma din pala ang horror house. At nakakainis din palang kasama si Paolo sa mga ganito.

"Bakit ka ba kasi natatakot doon? Eh hindi naman totoong mga aswang 'yung mga 'yun. Mga tao lang din sila."

Inirapan ko ulit siya.

"Ah basta. Huwag mo na akong dadalhin ulit sa ganun. Baka mapaanak pa ako nang 'di oras." Saad ko at saka kumuha ng dalawang piraso ng fries.

"Sige next time, iba naman ang pupuntahan natin. Aish. Hindi rin naman kasi tayo pwede sa viking na rides na gusto mo. Buntis ka eh. Baka mapaano pa ang bata." Napangiti naman ako nang mabatid kong may pag-aalala sa boses niya.

Kinain ko muna ang dalawang fries na hawak ko at saka ako napahawak sa tiyan ko at hinaplos-haplos ito.

"Kung hindi mo mamasamain. Dara, nasaan nga pala ang ama ng anak mo?" Sumeryoso na ang boses niya.

Napalunok ako, at napayuko.

Ewan ko ba, kahit na alam ko kung sino ang ama ng batang 'to? Hindi ko alam kung bakit para bang hindi ko magawang magalit. Para bang tanggap lang siya ng sistema ko, na okay lang sa akin na siya ang ama nito.

"Ah. Ayaw ko muna siyang pag-usapan." Saad ko.

Sa ngayon, ang dapat kong isipin ay ang magiging kalagayan ng anak ko. Kung paano ko ba siya bubuhayin.

"Tara na nga at umuwi na tayo. Huwag mo na ulit ako dadalhin dito at sa horror house na 'yun. Naku!" Tumayo na ako at nagmartsa na palayo sa kanya.

"Sandali lang, ccr muna ako. Hintayin mo ako dito."

Sinimangutan ko naman ito.

"Tch! Bilisan mo ah." Nagcross-arms ako at saka bumalik ulit sa pagkakaupo.

Pagod na pagod na ako sa araw na ito. Gusto ko na talagang magpahinga. Buti na lang at malilim dito sa pwesto namin. May kalayuan din kasi ang CR dito eh.

Nagpalinga linga ako sa paligid. May mga batang naglalaro, mga nanay at tatay na nakabantay lang sa kanila, may mga nagtitinda rin ng dirty icecream, cotton candies, balloons, etc.

Brother's Obsession [EDITING]Where stories live. Discover now