BO - Chapter 17

26.1K 354 73
                                    

[THIRD PERSON's P.O.V.]

"Boss, may balita na po kami tungkol sa queen niyo."

Saad niya sa boss niya na ngayon ay nakaharap sa glass window ng opisina nito habang nakaupo sa swivel chair.

"Spill it, now." Tugon nito sa napakalalim ngunit malamig na boses.

Huminga siya nang malalim at napalunok na lang para pakalmahin ang sarili.

"Nalaman po namin na nakatakda siyang ikasal sa nakilala niyang batang lalaki sa party na pinuntahan niya nung bata siya, sa nag-iisang anak ng kaibigan ng magulang niya. Nakatakda na siyang ikasal sa batang lalaking nagligtas sa kanya."

Kitang-kita niya ang pagtaas baba ng magkabilang balikat nito habang sinasabi 'yun. At alam niyang malapit na itong sumabog sa galit pero tinuloy na lang niya ang sinasabi at pagkatapos niyang ipahayag 'yun, pinaikot nito ang swivel chair paharap sa kinatatayuan niya.

Ngayon ay kitang-kita niya ang pagkakasalubong ng makakapal nitong kilay kasabay ng panlilisik ng mga asul nitong mata.

Kahit na ilang beses na niya itong makitang galit na galit, hindi pa rin niya maiwasang manginig ang kalamnan at pagtaasan ng mga balahibo sa katawan.

"Damn it! She is mine alone!" Galit na galit nitong saad sabay dampot ng itim na vase nito sa table at marahas na ibinato ito sa pader. Nag-igting ang panga nito at napakuyom na lang ng magkabilang kamao. "Find that son of a b!tch. I'll fcvking kill him right away!"

-

Dumiretso agad sa mansion ng mga Norville ang mag-asawang De Merced at ang mag-asawang Norville pagkalapag pa lang ng pribadong sasakyang panghimpapawid na pagmamay-ari ng pamilyang Norville.

Naabutan nilang walang katao-tao sa mansion ng mga Norville. Kahit si manang ay wala dito sa hindi nila malamang dahilan.

Sa ngayon, ang bawat isa sa kanila ay nagpunta sa living room at hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon na tawagan ang pinaka pinagkakatiwalaan nilang private investigator para hanapin ang tatlong nawawalang tao, ang kanilang mga anak.

Si Darko, si Dara at si Luke na sabay-sabay pang nawala.

Walang ideya ang bawat isa sa kanila kung nasaan na ang mga ito.

Hindi sila naniniwalang baka nagbonding lang ang tatlo gaya ng sinabi ng secretary nila sa states.

Ano bang nangyari sa tatlo? Sana naman, nasa maayos na kalagayan lang sila.

Napapaisip ang bawat isa sa kanila matapos kausapin ni Liam ang most trusted private investigator nila dito sa Pilipinas. Tiwala sila na wala pang isang buwan ay mahahanap agad nito ang tatlo.

-

Dapit-hapon sa isang kagubatan, habang naglalagay sa sako ng mga manggang hilaw ang isang matandang lalaki na nakasuot ng berdeng damit na ang manggas ay hanggang palapulsuhan at naka-balanggot din, may natanaw siya mula sa di kalayuan. Hindi pa niya maaninag kaya naman lumapit na siya patungo sa nakita niya.

Pagkalapit niya, natagpuan niya ang isang binatang lalaki na puno ng galos sa mga braso at may bahid pa ng dugo sa may noo nito.

Nagkuno't-noo ang matandang lalaki at lumapit pa siya sa binata. Agad niyang pinakiramdam kung tumitibok pa ba ang pulso nito. At doon niya napagtantong may buhay pa ito lalo na nang marinig niya na humihinga pa ito.

Hindi niya kilala ang lalaki pero hindi 'yun pwedeng maging hadlang para tulungan ang binata.

Nilapag muna niya sa may bandang puno ng mangga ang panungkit niya ng mangga at agad inalalayan ang binata sa balikat niya.

Brother's Obsession [EDITING]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora