BO - Chapter 42

6.9K 139 7
                                    

CHAPTER 42

Warning: Ihanda niyo ang sarili niyo sa mga mababasa niyo sa chapter na 'to.

Breath in. Breath out.

-

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

Hindi ko maiwasang mapaluha sa galak nang dumating siya, dahilan para maputol ang sinimulan ni Dave.

"What the hell are you doing here?!" Rinig ko ang inis sa boses ni Dave pero binalewala ko lang ito dahil hindi ko maalis ang tingin ko sa bagong dating na ngayon ay binababa na ang baril pagkakita sa akin.

It's been years since I last saw him. His facial features became more mature. Nagkaroon na rin ng manipis na beard sa may bandang chin at jawline niya.

"Dara." Pagkasabi niya nun ay naglakad siya papalapit sa akin pero hindi pa man siya tuluyang nakakalapit ay humarang na sa harapan ko si Dave.

"Dont you dare come near her."

"Dave!" Narinig ko ang pagbuntong hininga niya pagtawag niya sa pangalan ni Dave. "Itigil mo na 'to. This obsession of yours will not bring any good to you. Trust me. Wala rin naidulot sa akin na maganda nung naging obsess ako."

"No! Stay away. You can't take her away from me!" Madiing utos ni Dave at mas lalo pa akong itinago sa likod niya. "She'll be my wife! Don't take her away!"

Napatingin naman sa gawi ko ang lalaki at bakas sa mga mata niya ang awa sa akin. "Alam na ng parents namin. That she's here in Zambales. Stop this now. She's still my sister. She suffered a lot with me. At huwag mo nang dagdagan pa." Rinig kong pakiusap niya nang malumanay.

Pero..

Anong ibig niyang sabihin sa mga sinasabi niya?

"No! I'll never give her to you!" Bakas ang galit sa boses ni Dave nang sabihin 'yun.

"Wait. Wait. Mr. Durkenson," Rinig kong singit ng judge sa isang tabi na hindi pa pala umaalis. "Do you still want to continue–"

"Of course!" At saka niya ako hinawakan nang mahigpit sa kamay. "Let's go, my queen. I can't wait to marry you."

Pero sa pagkakataong ito ay hindi na ako nag-aksaya pa ng pagkakataon. Pilit kong tinatanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Pero ayaw niya akong bitiwan.

"Let me go!" Patuloy pa rin ako sa pagpipilit na makawala sa pagkakahawak niya.

Bigla naman may humawak sa kabilang braso ko at hinila ako palayo kay Dave. Nang tingnan ko kung sino ay kitang-kita ko ang panlilisik ng mga mata niyang nakatingin sa gawi ni Dave. Pero hindi ko magawang lingunin si Dave. Hindi ko maiwasan na muli akong mapaluha. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa harap ko.

"D-Darko." Napatingin naman siya sa akin. Pero may iba sa mga tingin niya. Hindi ko mabasa.

"Ssh." Hinaplos niya ang pisngi ko para punasan ang luha ko. "Everything will be alright, baby sis. Don't worry."

Baby sis?

"Let go of her, Dave!" Baling niya kay Dave. Pero hindi ko na nagawa pang pansinin 'yun.

Iba ang iniisip ko ngayon. Ang daming tanong ang pumapasok sa isipan ko na nais kong itanong sa kanya.

Bakit niya tinawag na kuya si Dave kanina pagdating niya dito?

At.. At bakit baby sis ang t-tawag niya sa akin?

Anong ibig sabihin nito?

"I'm sorry to say this, judge. But my sister can't marry him. She was just forced by him. And he is mentally sick." He professionally apologized to the judge.

Brother's Obsession [EDITING]Where stories live. Discover now