BO - Chapter 41

7K 159 13
                                    

CHAPTER 41

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

Nakatingin sa kawalan kasabay ng mumunting luha na pumapatak mula sa mga mata ko, at walang kahit anong pumapasok sa isip. And the only things that I could see at the moment is the whole room which is full of my photos.

I never expected that this could happened to me. Gustuhin ko mang makawala at makatakas, hindi ko magawa. Sinubukan ko nang buksan ang pinto ng kwartong kinaroroonan ko pero naka-lock ito mula sa labas. Kaya wala akong nagawa kundi tumingin na lang sa kawalan habang nakaupo sa kama.

Biglang bumukas ang pinto at niluwa nun ang taong nagdala sa akin dito. May buhat siyang tray na naglalaman ng mga pagkain. Agad kong naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko.

"Good evening, my queen. Dinner in bed." Malambing nitong saad pero inirapan ko lang siya.

Pero mataas siguro ang pride ko dahil kahit nagugutom na ako ay ayaw kong kumain kung nandito siya.

"Pakawalan mo na ako." Walang emosyon kong saad na hindi nakatingin sa kanya.

"You should eat before we leave, my queen. We're going to a party later." Agad akong napatingin sa kanya pagkasabi niya nun. Talagang binalewala niya lang ang sinabi kong pakawalan na niya ako.

"Party?"

"Yes. You'll come with me. And I'll introduce you as my future wife. Besides, I don't want to leave you here." Malumanay niyang saad. Pero binalewala ko lang 'yun.

A party? Ito na siguro ang paraan para makatakas ako sa kanya.

"And don't you dare try to escape from me. Or I might punish you, my queen."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. I secretly smirked habang naglalaro sa isip ko ang plano kong pagtakas mula sa kanya.

"Okay. I'll go with you." I replied sweetly to him. Ayaw ko rin na makahalata siya sa plano ko. Kailangan ko munang magbait-baitan sa kanya.

"Now, eat."

At saka niya inilapag ang tray sa ibabaw ng bedside table. Sinimulan ko nang kumain at sinabayan naman niya ako. Kailangan kong magkaroon ng lakas para makatakas ako mula sa kanya.

-

Pagkapasok namin sa hall ng isang hotel kung saan gaganapin ang party na sinasabi niya ay dinala niya ako sa grupo ng tatlong lalaking nakasuot ng formal suit.

"Come on, my queen. I'll introduced you to my cousins." Malumanay niyang bulong sa tainga ko. Wala akong nagawa kundi ang magpatianod lang sa pag-akay niya sa akin.

"Guys, meet my queen and soon to be wife." Napalingon naman sa gawi namin ang tatlong lalaking may hawak ng kopitang naglalaman ng champagne. Hindi ko naman maiwasang mailang dahil sa klase ng titig nila.

"Are you serious?!" At bumaling ito ng tingin sa akin kaya napayuko ulit ako. "Miss, are you sure about this guy? He's—Woah! Take it easy, bro! I'm just kidding!" Nanginig ang kalamnan ko nang tinutukan ng baliw na lalaking ito ng baril ang lalaking nagtatanong lang naman sa akin.

"H-hey, put it d-down!" I stuttered. Napalingon ako sa mga taong nandito pero parang wala lang sa kanila ang nangyayari at patuloy pa rin sila sa kani-kanilang ginagawa.

Pero hindi 'yun ang umagaw ng pansin ko. Bagkus ay ang nararamdaman kong mga matang matalim na nakatitig sa direksyon namin.

Pilit kong hinahanap ang nagmamay-ari ng mga matang 'yun. Pero hindi ko makita. Kaya binalewala ko na lang 'yun.

"A-ah. Excuse me. I-I'll just go to the comfort room." Nauutal kong pahayag.

Naku. Sana naman hindi siya makahalata sa plano ko. Napatingin naman siya sa akin.

Brother's Obsession [EDITING]Where stories live. Discover now