BO - Chapter 36

7.8K 165 15
                                    

CHAPTER 36


[THIRD PERSON's P.O.V.]

"Halika dito, hija. Para macheck na kita." Pagkasabi nun ay siya namang tayo niya at lapit sa doctor.

Lumipas ang halos isang oras na pagcheck sa kanya, at saka dumating ang kuya niya dala ang pagkain nila.

"How was your check up, love?" Tanong sa kanya nito matapos siya dampian ng halik sa noo.

"Ewan. Wala pa naman sinasabi si doc, nasa loob pa siya ng pintong 'yun." Saad niya sabay turo sa pintong pinasukan ng doctor. "Bakit pala natagalan bago ka bumalik?" Taas kilay niyang tanong. "Nambabae ka siguro, 'noh?!" Pinaningkitan niya ito ng mga mata.

"Love naman. Why would you think that? Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko eh." Seryoso ang boses ang expression nito kaya wala siyang nagawa kundi ang mapaiwas na lang ng tingin at mapayuko.

"Sorry. Hindi dapat kita pinagdudahan."

Naramdaman na lang niya ang paglapit at pagtabi nito sa kanya. At saka siya nito niyakap sa may baywang.

"Ssh. Enough na." Hindi niya maiwasang mapangiti nang maramdaman na naman ang madiin na pagdampi ng labi nito sa pisngi niya. "I'm so glad that you're feeling jealous." Natatawa nitong saad kapagkuwan.

Tiningnan niya ito nang masama sa kabila ng pagiging magkalapit ng kanilang mga mukha.

"Anong nakakatuwa doon?!"

"Wala naman. It's just that, if you're jealous, ibig sabihin lang nun, mahal mo talaga ako."

Napangiti naman siya sa sinabi nito at hindi na siya sumagot ulit.

"Mr. and Mrs. Norville." Sabay silang napalingon sa doctor nang marinig ang tinig nito.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ayon sa test na kinuha ni Mrs., lumabas sa resulta na maselan ang pagbubuntis niya, mahina ang kapit ng bata na may tendency na malaglag ito. Kaya Sir Norville, payo ko lang po na ingatan mo ang asawa mo. Huwag siyang pakakainin ng mga pagkaing lamang-dagat, high fat diet, fatty food, sobrang cholesterol na mga pagkain. Ang pwede lang ipakain sa kanya ay gulay at prutas na mayaman sa bitamina. Sa tubig naman ay mineral na tubig ang kailangan inumin. Iwasan mo rin na ma-stress ang asawa mo. Hangga't maari, huwag kang lalayo sa tabi niya." Saad ng doctor habang sinusulat ang mga bawal at pwede niyang kainin at inumin. "Isusulat ko na rin dito ang mga vitamins na kailangan inumin." Dagdag pa nito. "Huwag rin kakalimutan ang mag exercise. I recommend you to watch videos about exercises for pregnant women." At saka ito nag-angat ng tingin sa kanila.

Nalungkot naman siya sa narinig na sinabi ng doctor. At napahaplos na lang siya sa baby bump niya.

Maging si Darko man ay nalungkot din. Sa mga narinig na sinabi ng OB-Gyne, nabuo ang isang desisyon sa isip niya. Titigil muna siya sa pakikipag-komunikasyon sa mga tauhan niya. Kailangan muna niyang mag-focus kay Dara at sa magiging anak nila. Ayaw niyang dumating 'yung time na mawala ang baby nila, ang bunga ng pagmamahalan nila. Dahil baka 'pag nawala ang baby nila ay mawala na rin ang pagmamahal ni Dara sa kanya, ayaw naman niyang mangyari 'yun.

Nagbuntong-hininga siya bago bumaling ulit kay Dara. "Let's go?" Tumango naman ito, kaya naman tumayo na siya para maalalayan niya ito sa pagtayo. Pero napalingon ulit sila sa doctor nang magsalita ito.

"Ang next check up mo nga pala ay next month, Mrs. Norville."

"Sige po, salamat po."

-

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

Hindi ako makapaniwala. Ganoon pala ang lagay ng pagbubuntis ko ngayon. Parang ayaw ko na ulit mabuntis. Nakakapanghina ang nalaman kong sitwasyon ng anak namin ni kuya. Ni hindi ko nga sigurado kung magiging normal ba ang anak namin eh. Wala rin kasing nabanggit ang doctor kanina. Pero nung marinig ko ang mga sinabi niya kanina, naalala kong bigla kung anong sitwasyon ang meron ako ngayon.

Brother's Obsession [EDITING]Where stories live. Discover now