BO - Chapter 22

19.8K 292 69
                                    

[THIRD PERSON's P.O.V.]

Hating-gabi at kasalukuyan siyang nasa isang pribadong lugar kasama ang kanyang mga tauhan habang hinihintay ang ka-transaction niya.

Nakasuot siya ng formal na light blue na long sleeves at itim na slacks. May dala siyang dalawang kwarenta'y singko na baril, para sa oras na kailanganin niya.

Kasama niya ang limang tauhan niya na nakamatyag lang sa paligid at may kanya-kanyang hawak na baril. Ang dalawa sa mga ito ay may hawak na attache case na naglalaman ng pinagbabawal na shabu at droga.

Delikado ang taong kahaharapin niya ngayon kaya mabuti nang nag-iingat siya.

Ilang minuto na siyang naghihintay pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang hinihintay niya. Naiinip na siya.

Sa nakalipas na dalawang buwan, ito ang pinagkaka-abalahan niya, kasabay ng lihim na pagbabantay niya sa minamahal niya. Hindi nito alam na natunton na niya kung nasaan ito nagtatago.

Hinayaan muna niya ito sa puder ng mga kumupkop dito, sa kadahilanang delikado pa ang sitwasyon ngayon na kailangan muna niyang tapusin. Naisip niya na kung ipagpipilitan niya na kunin ang dalaga ay baka mapahamak lang ito sa kasalukuyang sitwasyon niya. Hindi niya mapapayagan 'yun.

Napilitan siyang bumalik sa ganitong gawain dahil may paggagamitan siya ng perang makukuha niya dito. Hindi naman siya pwedeng kumuha ng pera sa kumpanya nila dahil baka matunton siya ng mga magulang nila at hindi niya hahayaang mangyari 'yun. Ginagawa niya ang lahat ng ito para sa babaeng pinakamamahal niya.

Pero nang malaman niya kung sino ang binatang madalas nitong kasama, hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding pagseselos. Naisip niyang kunin na lang ulit ito. Pero sa tuwing maaalala niya ang kasalukuyang sitwasyon niya ay tila ba nagtatalo ang sarili niya at ang utak niya.

"Boss, nandito na si Mr. Durkenson." Pagkasabi nito nun, ay siya namang pasok ng isang binatang may pagka-meztizo na binagayan ng hanggang sa ilalim na tenga nitong kulay kapeng buhok.

May hawak itong electric cigarette na nakaipit sa dalawang daliri nito. At dalawang baril na nakaipit sa magkabilang tagiliran nito. Nakasuot ito ng pang opisina na tila ba kagagaling lang sa kompanya nito. Naka-kurbatang itim na bumagay sa suot nitong puting long sleeves na nakatupi ang mga manggas hanggang siko, at sa suot nitong itim na slacks at sapatos. Isang taon din ang tanda niya dito.

Kasunod nito sa pagpasok ang apat na tauhan nito na may tig-iisang baril na nakaipit din sa mga tagiliran ng mga ito. Ang dalawa sa nauuna ay hawak ang dalawang itim na attache case na naglalaman ng milyon-milyong salapi.

"Long time no see, Sean." Sambit nito sa mapang-uyam na tinig, kasabay ng pagngisi nito.

Ito ang matalik na kaibigan na tinalikuran na niya matapos ang ginawa nitong pagpatay sa sarili nitong ina. Mas nagalit siya dito nang mapagtanto ang dahilan kung bakit nito 'yun ginawa.

Nalaman na niya. Nalaman na niya ang lahat.

Ngunit hindi niya pinapaalam dito na alam na niya ang lahat. Wala siyang sinabihan tungkol sa sarili niya. Tanging siya lang ang nakakaalam.

Lihim siyang ngumisi sa tinuran nito. Ayaw na niyang pahabain pa ang oras na kasama niya ito.

"Let's end this. Give me the money, and I'll give you what you want." Matigas ang tinig niyang pahayag dito.

"You sure, you'll give me what I want? Even Dara?"

Napahigpit ang hawak niya sa isa nyang baril na nasa tagiliran niya.

Oo. Si Dara. Si Dara na asawa niya. Alam niya rin ang lihim nitong pagtingin sa dalaga. Alam niya kung gaano ito kabaliw sa pagmamay-ari niya.

Dahil inamin nito 'yun nung lagi pa silang magkasama.

Brother's Obsession [EDITING]Where stories live. Discover now