BO - Chapter 13

20.6K 312 36
                                    

[THIRD PERSON's P.O.V.]

Alas-diyes nang gabi, wala ng mga empleyado, isang binatang lalaki na ngayon ay nakasuot ng itim na tuxedo habang nakalugay ang medyo mahaba nitong kulay-kapeng buhok na hanggang sa ilalim ng tainga niya. Nakaharap siya sa glass window ng opisina niya sa sariling kompanya at may nakaipit na electric cigarette sa dalawang daliri niya.

"Have you found her?" Malamig niyang tanong nang maramdaman niya mula sa likod niya ang presensya ng isang binata na kanyang inutusan para hanapin ang babaeng matagal na niyang hinahanap.

Pagkatapos ay humithit siya sa sigarilyo niya gamit ang mapula at manipis niyang labi bago pinatay ang sindi nito at pagkatapos ay tinapon ito sa trashbin na malapit sa kinatatayuan niya.

Agad ay hinarap niya ang binata at tinitigan ito ng malamig niyang mga mata nang hindi agad ito nakasagot.

"I'm asking you."

Napalunok ang binata sa lamig ng boses niya.

"I'm sorry, sir but she's still nowhere to be found. But I'm try--"

"Damn it! You're useless!"

Pagkasabi niya nun gamit ang mapanganib niyang tinig ay mabilis na hinugot niya ang nakatagong baril sa may tuxedo niya at walang pagdadalawang-isip na pinaputok ito diretso sa puso ng binata.

Humandusay ang duguang binata sa sahig ng opisina niya.

Napailing na lang siya at agad na dinukot niya ang telepono sa bulsa ng slacks niya at nagtap dito ng numerong tatawagan niya.

"Hello, sir?" Sagot ng isang binata sa kabilang linya.

"Come here in my office and fcvking clean this damn mess!"

Hindi na niya hinintay na sumagot ang binata sa kabilang linya at agad na pinatay ang tawag.

Ilang sandali ang nakalipas, dumating na ang binatang tinawagan at inutusan niya kasama ng dalawa pang tauhan niya.

Walang sali-salita na dinampot agad ng mga 'to ang bangkay sa sahig.

Sanay na sila sa boss nila. Halos linggo-linggo na lang ay may pinapadampot itong bangkay sa opisina nito.

"Wait. You, mr. Come back here after you throw that away." Malamig niyang saad habang nakatingin ng diretso sa binatang tinawagan niya.

"Yes, sir."

Pagharap niya muli sa bintana, narinig na lang niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng opisina niya.

Kinuha niya ang telepono niya at tinitigan niyang mabuti ang larawan sa wallpaper niya at pagkatapos ng ilang segundo, nilapit niya ang labi niya dito at dinampian ng halik ang larawan ng babae.

Ng babaeng matagal na niyang hinahanap.

"You will be mine, soon." Saad niya kasabay ng pagngisi niya.

Makalipas ang ilang sandali, narinig niya ang muling pagbukas at pagsara ng pinto ng opisina niya.

"Sir." Boses ng binatang pinabalik niya.

"Find me another private investigator as soon as possible. I want the best P.I. in the world."

"Yes, sir."

-

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

"..You just have to choose now. We will make love or I will kill Luke?"

Anong gagawin ko? Papayag ba ako sa gusto niya?

Ayaw ko. Hindi pepwede dahil magkapatid kami.

Pero paano kung totohanin niya ang sinabi niyang papatayin niya si Luke? Anong gagawin ko?

Brother's Obsession [EDITING]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant