BO - Chapter 47

6.2K 112 0
                                    

CHAPTER 47

[MACKIE HENSMITH's P.O.V.]

Kasama ko na rin siya sa wakas na kaming dalawa lang. Buti na lang talaga at umalis na ang kapatid niya. Wala nang manggugulo sa aming dalawa.

Pero oo nga, kasama ko siya, but he only looks for this girl named Dara. Wala akong idea kung sino ang Dara na tinutukoy niya.

Nakilala ko si Darko dahil minsan nang nakwento sila sa akin ni Fein, 'yung pinsan niya. At pinakita sa akin nun ni Fein ang picture nung magkapatid, ang pangalan daw ay Darko at Shin. 'Yun ang tawag niya sa nasa picture.

But what made me shock is to find out that the Darko she was talking about is none other than my Engineer N. Ang lalaking nakita ko sa new york. Ang lalaking naging reason why I came back here in the Philippines. I was so happy back then na muntik ko nang mayakap si Fein nun. Siya lang pala ang magiging way para makilala ko ang Engineer N. ko. So, Darko pala ang name niya. I never told Fein about it. Na nakilala ko na si Darko sa New York.

Pero nang mapatingin ako sa picture niya kasama ang kapatid niyang Shin daw ang pangalan, nawala ang ngiti ko. Nung una, hindi ako makapaniwala na magkapatid 'yung nasa picture kasi kung titingnan, nakangiti at naka-back hug si Darko kay Shin habang nakapatong ang baba sa balikat ng babae, habang 'yung Shin naman ay nakatingin lang sa camera na hindi ngumingiti.

Pinaliwanag naman ni Fein na ganon lang daw talaga ka-clingy si Darko kay Shin. At nakwento din niya sa akin nun 'yung achievements ng magkapatid sa acads.

Until one time, may nameet akong isang stranger sa party na kung saan sinama ako ni Fein.

"Mackie Hensmith, right?" Malamig ang boses niya at parang na-hypnotized ako ng mga mata niya.

That was the first time na makaramdam ako na parang gusto ko siyang makilala.

"Y-yeah." Tanging tugon ko. Hindi ko na inisip kung paano niya ako nakilala.

He just smirked. "I know everything. Everything including your feelings for Darko Sean Norville. And I can help you to get him."

Napatuwid ako sa pagkakaupo nang marinig ang full name ni Darko. But wait, how did he know about that? And how can he help me? May alam ba siya about Darko?

Napansin kong nagpalingon-lingon siya sa paligid niya. "You want Darko, and I want Dara. But they are inlove with each other. So, I suggest, let's conspire to get who we want." And again, he smirked.

"W-What are you talking about?" Pagmamaang-maangan ko. Gusto ko munang malaman kung may alam ba talaga siya kung paano ko makukuha si Darko.

Nilapit niya ang bibig niya sa ears ko at doon bumulong. "Let's talk somewhere private." He huskily said, and I gulped dahil ramdam ko ang init ng hininga niya sa tainga ko. Wala akong nagawa nun kundi sumama sa kanya, at hindi na ako nakapagpaalam kay Fein.

After that night, wala akong makapang pagsisisi sa nangyari nung gabing 'yun. Lumipas pa ang three days at nalaman ko kay Fein na pinababantayan sa kanya si Darko. At nung malaman ko rin nun na hindi siya pwedeng umalis dahil may usapan sila ni Aizekiel na boyfriend niya na maglilive in na sila, ay nagprisinta ako na ako na lang ang bahala kay Darko.

At mula nung mapunta ako sa isla nun. Nakasama ko na si Darko sa iisang bubong sa loob ng 6 months. Ilang beses niya akong pinagtabuyan nun pero hindi ako umaalis sa tabi niya. Wala siyang ibang ginawa kundi ang magpakalasing sa anim na buwan na 'yun. Hanggang sa naisip niyang umalis ng bansa para hanapin si Dara kahit na hindi niya alam kung saan ito hahanapin. Doon ko nakita kung gaano niya kamahal ang Dara na 'yun.

Brother's Obsession [EDITING]Where stories live. Discover now