BO - Chapter 24

17.8K 284 52
                                    

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]


Pagkalabas nung pamangkin ng don Miguel sa kitchen, hindi na rin ako nagtagal pa sa loob ng CR.


Lumabas na rin ako sa CR, at pagkalabas ko, doon ay napabuga ako ng hangin. Ngayon ko lang napansin na kanina ko pa pala hino-hold ang breath ko.


Kinabahan kasi ako bigla sa mga narinig ko. At hindi ko alam kung bakit.


Sa mga narinig ko, napagtanto ko kung gaano kamapanganib ang taong 'yun. Hindi ko gugustuhing mapalapit sa kanya, kahit pa siya ay pamangkin ng taong ginagalang ng bayang 'to.


Kailangan kong idistansya ang sarili ko sa kanya pamula ngayon.


Nagpatuloy na ako na maglakad palabas ng kitchen, pero hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay may humablot na agad sa braso ko. Naramdaman ko na lang na nakakulong na ako sa matitipunong bisig ng humablot sa akin.


Dumagsa ang kaba sa dibdib ko lalo na ng takpan ng palad niya ang bibig ko.


At ngayon, pakiramdam ko ay nanghihina ako lalo na ng ilapit niya ang bibig niya sa may punong tainga ko.


"Hmm. You smell so good, babe." Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pamilyar niyang boses.


Ang boses ng lalaking itinatak ko sa isip ko na kinakailangan kong iwasan.


Ang boses ng pamangkin ng don Miguel.


Si Dave Durkenson.


Pinipilit kong kumawala sa kanya pero hindi ko makaya.


"Remember this.." Nanindig ang mga balahibo ko nang ilapat niya ang labi niya sa may leeg ko. "..you are mine.." At mariin na lang akong napapikit nang maramdaman kong sipsipin niya ang parteng 'yun ng leeg ko. Sht. Is he a vampire? "..and I'll take you away from them.." Halos wala na akong maintindihan sa mga sinasabi niya dahil natutuliro na ako dahil sa mga ginagawa niya. Ewan! "..soon, babe. Soon."


At pagkatapos nun ay binitiwan na niya ako. Hindi ko namalayan na wala na pala siya sa paligid ko.


Sht. Ano 'yung sinabi niya? Wala akong naintindihan! At saka, sino ba siya? Anong kailangan niya sa akin?


Napadausdos na lang ako ng upo dahil sa panghihina, at wala sa sariling napahawak ako sa parte ng leeg kong sinipsip niya kanina.


Gosh! I'm clueless.



-


Nandito ako sa likod-bahay ngayon at tinutulungan si Paolo na ihiwalay ang mga okay na isda sa hindi okay na isda.


Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari kagabi sa pagitan namin nung Dave na 'yon.


Brother's Obsession [EDITING]Where stories live. Discover now