C-3 Her Beautiful Mistake

138 24 2
                                    

PAGKALIPAS ng mahigit isang buwan. Naging busy sa trabaho si Sandra at madalas sumasama sa mga fashion event. Dahil doon ay minsan na lamang niya nakikita si Alfred. Pero lalo siyang na-stress dahil desidido na itong pakasalan siya, at willing maghintay kung kailan siya magiging handa.

Sabado ng umaga ay wala siyang ganang magtrabaho. Nanghihina siya, nahihilo. Nilapitan siya ni Abby, ang manager nila. Kinalabit siya nito sa braso.

"Sandra, ayos ka lang ba?" tanong nito.

Inayos niya ang kanyang pagkakaupo at pilit na ngumiti sa manager. "Medyo," malamya niyang sagot.

"Namumutla ka. Nag-almusal ka ba?"

Tumango siya at kinuha ang lapis upang ituloy ang pagguhit sa kaniyang sketch paper.

"Nahihilo ako, siguro dahil sa puyat."

"Magpahinga ka kaya muna. Hindi mo naman kailangang madaliin ang trabaho."

Binitawan niya ang kaniyang lapis saka tumayo. Pero nang maglakad siya'y lalo siyang nahilo. Tila babaliktad na ang kaniyang sikmura. Napatakbo siya sa banyo at hindi napigil ang pagsuka.

Bumilis ang tibok ng kaniyang puso na sinamahan ng kaba. Sinundan siya ni Abby sa banyo at binigyan ng panyo.

"Uwi ka muna kaya at magpahinga, Sandra. Ako na ang bahala sa unfinished designs mo," sabi nito.

"Sige, salamat."

Nahihilo pa rin siya kaya mahinhin siyang kumilos. Lumabas siya ng banyo at binalikan ang kaniyang gamit. At habang lulan siya ng taxi ay napagtanto niya na hindi pa siya dinadatnan ng dalaw. She ended up thinking about the possible reasons why she felt sick.

Para makasigurado, bumili siya ng pregnancy test kit sa botika bago dumiretso sa kanilang bahay. Wala sa bahay ang kaniyang ina pagdating niya kaya malaya siyang makapagpahinga.

Kinabukasan paggising ni Sandra ay ginupo siya ng matinding pagkahilo at muli siyang nagsuka. Nang kumalma ang kaniyang hilo ay ginawa na niya ang pregnancy test.

"Oh, my God!" bulalas niya nang makita ang resulta ng test. Unang subok ay positibo kaagad! "Hindi puwede 'to!"

Inulit niya ang test pero ganoon pa rin ang resulta. Bigla siyang nilamon ng kaba. Mabilis siyang naligo, pagkatapos ay nagbihis at gustong makausap si Magda. Hihingi siya ng payo sa kaibigan dahil natotolero na siya.

Habang wala pa ang kaniyang ina, umalis siya ng bahay upang puntahan si Magda sa opisina ng media at book publisher kung saan ito nagtatrabaho bilang sekretarya. Pagdating sa gusali ay sinalubong na siya nito sa lobby.

"Ano na naman ba ang problema, Sandra?" tanong ni Magda. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

Lumabas na sila ng gusali at naglakad patungong restaurant na malapit. Nag-order kaagad sila ng pagkain. Tanghali na rin kasi.

"Buntis ako, Magda," walang paliguy-ligoy na bunyag niya sa kaibigan.

Napanganga si Magda ngunit hindi kaagad nakapagsalita dahil sa sorpresa niya. Mamaya rin ay naging balisa ito.

"Sigurado ka ba, Sandra?"

Tumango si Sandra. Para maniwala ang kaibigan, pinakita niya rito ang PT kit niya na ginamit. Lalo itong nawindang.

"OMG! Positive nga!"

Napaluha na siya sa hindi malamang emosyon. Nilamon na ng takot ang kaniyang puso. Tiyak na makakalbo siya ng kaniyang ina sakaling malaman ang pagbubuntis niya.

"Ano na ang gagawin ko, Magda?"

Napabuga ng hangin si Magda. "Hindi ko rin alam, friend. Ikaw naman kasi hindi ka nag-iingat."

Tales Of Romance (A Short Story Romance Compilation)Where stories live. Discover now