C-4 Escaping The Arranged Marriage

47 9 0
                                    

DALAWANG oras ang pinalipas ni Nicole bago bumalik sa CEO office. Tiniyak muna niya na nakaalis na ang kaniyang kuya.

Nasermunan pa siya ni Sena. "Bakit ang tagal mo? Nagalit tuloy si Sir Rendel."

"Ayaw kasi mawala ng sakit ng tiyan ko," aniya.

"Baka nalipasan ka na ng gutom. Kumain ka na ba?"

"Opo."

"Oh, siya, puntahan mo na si Sir!"

Pumasok naman siya sa opisina ng CEO. Hindi pa naliligpit ang pinagkainan nito at ng bisita.

"Saan ka nagpunta?" tanong ni Rendel.

"Nagbanyo po ako. Bigla kasing sumakit ang tiyan ko nanina."

"Kumain ka na ba at uminom ng gamot?"

"Opo. Kumain na rin ako."

"Next time, don't skip your meal. Kumain ka muna bago magtrabaho para hindi ka naaabala."

"Opo. Pasensiya na."

"Pakiligpit itong mga plato. Pagkatapos ay balik ka rito at may ipapagawa ako."

"Yes, sir!"

Kinuha naman niya ang tray at mga kubyertos. Dinala niya ito sa canteen.

Bumalik din naman siya kaagad sa opisina ni Rendel. Pinaupo siya nito sa kabilang lamesa sa gawing kaliwa nito. Nagtambak ito ng maraming papeles at pinahanap sa kaniya ang record noong nakaraang taon.

Pinasadahan niya ng basa ang ibang papeles. Record ito ng mga second-hand na kotse, trucks, at construction equipment na nabili sa Japan. Natuklasan niya na isa ang shiping line ng daddy niya sa nagsi-ship ng mga nabiling sasakyan nila Rendel mula Japan. Nire-repair ng mga ito ang sasakyan at binibenta ulit.

"Hanapin mo ang record ng shiping under Galvez International Shiping Line," utos sa kaniya ni Rendel.

Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Curious naman siya sa koneksiyon ni Rendel sa business ng kaniyang pamilya.

"Business partner n'yo po ba ang Galvez Shiping Line?" usisa niya.

"I'm not sure. Si Daddy ang unang may transaction sa Galvez company. Nakipag-deal lang ako sa CEO nila para sa madaling pagbiyahe ng mga sasakyang nabibili namin sa Japan. May sarili silang cargo ship at seaport sa Japan at mas mura ang shiping fee kaya priority ko sila."

Ginupo naman siya ng lungkot nang maisip ang malaking utang ng daddy niya sa Japanese business partner nito. Once hindi nabayaran ang utang, kukunin ng Japanese businessman ang kumpanya nila. Marami pang kasosyo ang daddy niya at hindi niya alam kung alin doon ang may anak na ipakakasal sa kaniya.

Makalipas ang halos dalawang oras ay natapos din ni Nicole ang pinapagawa ni Rendel. Nagpapahinga na ang binata. Nakaupo lang ito sa swivel chair at nakataas ang dalawang paa sa lamesa. May pinapanood itong movie sa laptop.

Inilapag niya sa lamesa nito ang naipong papeles. "Narito na po lahat ng record last year, magkasunod na ang petsa," sabi niya.

"Thank you! Magpahinga ka na." Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.

Lumabas na lamang siya.

LINGGO ng hapon ay nagsimba ni Nicole kasama si Richard. Pagkatapos ng misa ay sumama siya kay Richard sa bahay ng mga ito sa isang subdivision sa Subic Bay. Tutulungan niya itong mahanap ang kaniyang gintong kuwintas na naisanla sa binata. Hindi umano nito maalala kung saan nailagay.

"Baka makita ka ni Kuya, bakla," kabadong sabi ni Richard.

Papasok na sila sa malaking gate ng bahay. Malapit sa dagat ang property at malawak.

Tales Of Romance (A Short Story Romance Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon