C-8 Escaping The Arranged Marriage

80 10 0
                                    

PAGDATING sa tinutuluyang apartment ni Nicole, may napansin siyang itim na kotse na nakaparada sa labas.

"See you tomorrow!" sabi ni Rendel.

Nasorpresa ang dalaga nang bigla siyang halikan ni Rendel sa pisngi. Napangiti siya at nagpaalam na lamang. "Salamat sa dinner!"

Umalis naman kaagad ang binata nang makababa siya ng kotse.

Lalagpasan sana ng dalaga ang itim na kotse ngunit bumaba ang sakay nito at nilapitan siya. Natunton na siya roon ni Alex.

"Stop hiding, Nicole!" ani Alex.

Hinarap naman niya ang kapatid. "Hindi ako uuwi kung matutuloy pa rin ang arranged marriage na plano ni Daddy," aniya.

"Huwag ka na magmatigas, Nicole. Wala kang alam sa nangyayari sa kumpanya. Nagkakasakit na si Daddy dahil sa stress."

"Bakit kasi kailangang ipakasal ako sa kung sinong lalaki na hindi ko naman kilala?"

"Dahil iyon lang ang solusyon sa ngayon, Nicole. Wala na kaming ibang malapitang business partner ni Daddy na sasalba sa sampung bilyong utang. Nakipag-deal na si Daddy sa kaibigan niyang negosyante at pumayag sa arranged marriage ang kabilang panig. Isang buwan na lang ang palugit sa utang. Once hindi tayo nakabayad, pare-pareho tayong magdidildil sa asin. Hindi papayag si Daddy na mangyari 'yon at baka lumala pa ang sakit niya."

Nilamon naman siya ng konsensiya at hindi napigil ang pagluha bugso ng mabigat na emosyon. Wala na siyang choice.

"Ano ba ang nangyari kay Daddy?" humihikbing tanong niya.

"Inatake siya sa puso kaninang tanghali. Mabuti naisugod kaagad namin siya sa ospital. Pero warning sign na ito, Nicole. Kung hindi ka makikipagtulungan sa amin, mababalewala lahat ng pinaghirapan ng angkan natin."

"Hindi pa ako puwedeng umuwi ngayon. May trabaho ako."

"Then, mag-resign ka na. Naghihintay sa 'yo si Daddy. Let me know kung kailan ka uuwi. Susunduin kita rito." Lumulan sa kotse nito si Alex at lumisan.

KINABUKSAN pagpasok ni Nicole sa trabaho ay umiwas siya na makausap si Rendel. Mugto pa ang kaniyang mga mata kaya nagsuot siya ng eyeglasses na wala namang grado. Busy rin ang binata kaya hindi siya masyadong napapansin.

Ngunit pagsapit ng tanghali ay pinuntahan siya ni Rendel sa lounge. Kumakain siya mag-isa roon.

"Hey! Are you okay?" tanong nito.

Hindi siya makatingin diretso sa mga mata nito. "Ayos lang ako. Medyo masama ang pakiramdam ko."

"Hindi ka sana muna pumasok. Wala naman tayong lakad ngayon."

"Kaya ko pa naman ang trabaho. Lalo akong magkakasakit kung sa bahay lang ako."

"Okay. Huwag ka na lang magtrabaho nang mabigat." Kinapa pa nito ang kaniyang noo. "See you later." Umalis din ito.

Hinabol niya ng tingin si Rendel at lalo lamang nanikip ang kaniyang dibdib. Kung kailan nagkakamabutihan na sila ng binata ay saka siya malalagay sa alanganin. Gusto na niyang makausap si Richard upang hihingi ng tulong ngunit ilang araw na itong wala. Sinamahan umano nito ang ama sa Maynila para sa medical check-up.

Hindi pa rin siya makapagdesisyon kung magre-resign na sa trabaho. Panay ang iwas niya kay Rendel upang huwag magatungan ang kaniyang stress. Ilang beses siya nitong niyayang kumain sa labas pero tumanggi siya. Idinahilan na naman niya ang masamang pakiramdam.

Biyernes na nakabalik ng trabaho si Richard kaya pinuntahan kaagad ito ni Nicole sa opisina nito. Katatapos lang niyang mananghalian sa canteen. Doon siya kumain upang makaiwas kay Rendel.

"Anong problema, bakla?" bungad sa kaniya ni Richard.

Wala pa mang sinasabi ay naunahan na siya ng emosyon at napaluha. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Richard." Nanlulumo siyang umupo sa couch sa gilid ng bintana.

Nilapitan naman siya ni Richard at tinabihan. "Pinapauwi ka na ba ng daddy mo?"

"May sakit si Daddy, nasa ospital. Kinukulit na ako ni Kuya Alex na umuwi."

"Kung ano ang makabubuti, iyon na lang ang sundin mo."

"Paano si Rendel? Kung uuwi ako, hindi ko na mababalikan si Rendel. Magpapakasal na ako sa ibang lalaki."

"Kausapin mo na lang si Kuya. Hindi pa naman opisyal ang relasyon ninyo. Makapag-move on din kayo pareho."

Lalo lamang nanikip ang kaniyang dibdib. "Hindi gano'n kadali 'yon, bakla." Humagulhol na siya at napayakap sa kaibigan.

Banayad namang hinagod ng kamay nito ang kaniyang likod.

TATLONG dinner invitation ni Rendel ang tinanggihan ni Nicole. Nagdududa na rito ang binata pero nangingibabaw pa rin ang pag-alala niya sa dalaga. Naninibago rin siya sa kilos nito, matamlay pero ayaw namang magsabi ng problema sa kaniya. Kung kailan sigurado na siya sa nararamdaman kay Nicole ay saka naman ito lumalamig sa kaniya.

Nagbukas siya ng laptop at na-access ang CCTV footage ng gusali. Hinanap niya ang area kung saan madalas pumupunta si Nicole. Nag-replay siya ng mga naunang video. Napansin niya na pabalik-balik si Nicole sa opisina ni Richard.

Minsan na siyang nagduda sa dalawa simula noong nakita niya si Richard na pinasakay sa kotse nito si Nicole. At sa nagdaang minuto lang ay pumasok na naman si Nicole sa opisina ni Richard. Wala pang record na lumabas na ito.

Hindi siya mapakali at lumabas ng opisina. Nilapitan niya sa lamesa nito si Sena.

"Ate Sena, may inutos ka ba kay Nicole?" tanong niya sa ginang.

"Wala naman po. Hindi pa siya bumabalik simula lunch break nang umalis siya."

"Hindi mo ba siya inutusan magpunta sa opisina ni Richard?"

"Hindi po."

Tumindi pa ang kaniyang hinala. Binalewala niya noon ang pagdududa kay Nicole dahil mas matimbang ang damdamin niya rito. Hindi siya nakatiis at nagtungo na sa opisina ni Richard. Nang malamang hindi naka-lock ang pinto ay pumasok siya.

Hindi naman siya nakausad nang maaktuhan si Nicole na yakap ng kaniyang kapatid. Awtomatikong nilukob ng galit ang kaniyang puso at hindi nakontrol ang emosyon.

"Anong business n'yong dalawa, ha?" walang abog niyang tanong, na ikinagulat naman nina Nicole at Richard.

Mabilis lumayo si Nicole kay Richard at inayos ang magulong buhok. Bakas sa mga mata nito ang luha ngunit hindi niya tinuunan ng pansin.

"Rendel, mali ang iniisip mo. Kaibigan ko si Richard at nag-usap lang kami," paliwanag ni Nicole.

"Paano ako maniniwala, Nicole? Ano'ng klaseng pag-uusap ang ginagawa n'yo habang magkayakap?"

"Si Richard kasi ay--"

"Stop fooling around, Nicole!" asik niya. Nilamon na siya ng galit. "Huwag mo kaming paglaruan ng kapatid ko!" Nilakihan niya ang awang ng pinto. "Get out and pack your things!"

Umapela naman si Richard at pilit nagpapaliwanag. "May pinagdadaan si Nicole, Kuya. Please huwag mo naman siyang itaboy."

Nawalan na siya ng kontrol sa kaniyang emosyon at naitulak sa dibdib ang kapatid. Lalo siyang nainis nang makitang nilapitan pa ni Nicole si Richard at inalalayang makaupo sa couch.

"I can't believe this," sumusukong usal niya. Siya na lamang ang lumabas at bumalik sa kaniyang opisina.

Hindi niya akalaing magiging bayolente siya. He never felt jealous, kaya bago sa kaniya ang pakiramdam na 'yon. Hindi na niya maibalik ang focus sa trabaho kaya umalis siya ng opisina at tumambay sa rooftop.

Tales Of Romance (A Short Story Romance Compilation)Where stories live. Discover now