C-7 Her Beautiful Mistake

118 21 2
                                    

PAGKATAPOS ng check-up ni Sandra ay niyaya siya ni Elias sa hotel. Doon sila tumambay hanggang sa pagsapit ng gabi. Lahat ng gusto niyang kainin ay ibinigay nito. Sa tuwing kasama niya ang binata, nakalilimutan niya ang problema, kaya halos ayaw na niyang humiwalay rito.

Elias was a caring guy, sweet, at hindi iyon kayang palagpasin ni Sandra. Habang naghahapunan sila ay wala siyang ibang inatupag kundi titigan ang binata.

"Don't give me that look, please," sita sa kaniya ni Elias pero nakangiti.

Mahina siyang tumawa. "Sorry. Hindi kasi ako maka-get over na mas guwapo ka kumpara noong una nating pagkikita."

"Lasing ka kasi noon." Natawa rin si Elias. Banayad nitong pinisil ang tungki ng kaniyang ilong. "But thank you, and honestly, you're the simplest woman I ever met. Your beauty caught my attention instantly when I first saw you."

Natigilan siya at hindi makapaniwala sa sinabi ni Elias. He was the only guy she had ever met who appreciated her beauty. Karamihan kasi sa lalaking nakilala niya, nasusungitan sa kaniya. Kahit si Alfred, hindi pa niya narinig na pinuri nito ang beauty niya.

"Talaga? Baka ninubola mo lang ako."

"How can you say that? You're beautiful, Sandra. And I never flirt with a woman."

"Seryoso ka ba? Imposibleng hindi ka nagkaroon ng girlfriend sa guwapo mong 'yan."

Napailing si Elias. "Wala akong naging girlfriend. Naubos ang oras ko sa pag-aaral ng medisina, at maagang nawala ang parents ko kaya obligado rin akong tutukan ang business. So, dating a woman never comes into my mind."

"What about now? Are we dating?"

"Uh, no, I think it's not a date. It's my way to prioritize you no matter how busy I am. We're soon-to-be parents, so kailangan kong baguhin ang routine ko para maalagaan ka rin outside my job, and to prepare to settle down."

Napalis ang ngiti ni Sandra nang maalala na naman ang kaniyang problema. "Elias, hindi pa tayo puwedeng magpakasal."

"Why not? We're both single. Or maybe you didn't trust me, did you?" Inusig na siya ni Elias.

She sighed and prepared herself to confess, but her phone rang. Kaagad niyang dinukot ang cellphone mula sa kaniyang bag. Ang mama niya ang tumatawag kaya kaagad niyang sinagot.

"Nasaan ka ba, anak? Hindi ako makapasok sa bahay! Nawala ang susi ko!" eksaheradong sabi ng kaniyang ina mula sa kabilang linya.

"Pauwi na ako, Ma!"

"Sige, bilisan mo at ako'y nahihilo na!"

"Opo!" Naputol na ang linya.

Hindi na naubos ni Sandra ang kaniyang pagkain. Nagpaalam siya kay Elias, at tinanggihan na ang alok na ihatid siya. Hinatid lang siya nito sa labas ng hotel at pinasakay sa taxi.

Alas otso ng gabi nakarating sa bahay si Sandra dahil sa traffic, at tiyak na gutom na ang kaniyang ina. Bumili na lamang siya ng pagkain sa labas. Dahil sa pagod ay hindi na dumaldal si Lanie. Maaga itong nakatulog pagkatapos kumain.

Kinabukasan pagpasok ni Sandra sa trabaho ay may nadatnan siyang bouquet ng bulalak sa kaniyang mesa. May kasama pa itong isang basket ng prutas na matataas sa vitamin C.

"Kanino galing 'to?" tanong niya sa katrabaho?

"Sa secret lover mo malamang," kinilig pang sagot ni Marisa.

Inalipin siya ng kaba nang maisip na baka si Alfred ang nagpadala ng bulaklak. Pikit-mata niyang kinuha ang card na nakadikit sa basket. Nang imulat niya ang mga mata ay napatili siya sa kilig.

Si Elias ang nagpadala ng bulaklak!

"Uy! My jowa na si Sandra!" tili naman ni Marisa.

Wala pang nakaaalam ni isa sa katrabaho niya na buntis siya, maliban sa manager nila. Hindi siya maka-get over sa kilig, lalo nang mabasa niya ang mensahe sa likod ng card.

"When I first met you, my heart started to betray me. I can't control it from wanting you. Good morning, beautiful!"

Iyon ang nakasulat sa card na lalong nagpasikdo sa puso ni Sandra. She craves oranges and green apples, and she told Elias about that. Kaya siguro dinamihan nito ang pinadalang orange at berdeng mansanas. Solve ang kaniyang cravings.

Lalong kinilig si Sandra nang biglang tumawag si Elias. Kaagad niya itong sinagot.

"Hi! Did you get the flowers and fruit?" tanong ni Elias buhat sa kabilang linya.

"Yes! Salamat!"

"Eat more fruit, at huwag kang magpakapagod sa trabaho. Avoid stress."

"Yes, Doc. Busog na ako ng payo mo."

Mahinang tumawa si Elias. "Of course, your health is my priority now. Gusto ko malusog kayo pareho ni Baby."

"Miss ka na kaagad ni Baby."

"Miss ko na rin siya, and I miss you too."

Napakagat sa kaniyang ibabang labi si Sandra nang sumikdo ang kaniyang puso. "I missed you rin po."

Elias gently laughed, and it sounded sexy in Sandra's ear. Hindi na maalis ang ngiti sa kaniyang mga labi.

"So, nakapag-file ka na ba ng leave for our vacation?"

"Ah, ngayon pa lang ako magsa-submit ng leave form. Titiyakin ko naman na papayagan ako ng boss ko. Matagal din kasi akong hindi nakapag-leave."

"Okay. Update mo ako. Bye, babe."

Napatda si Sandra, tila sirang plakang paulit-ulit niyang naririnig ang huling sinabi ni Elias. May endearment na sa kaniya si Elias! Mamaya ay napapiksi siya sa hindi maawat na kilig. Naputol na ang linya pero nakapalapt pa rin ang cellphone sa kaniyang tainga.

"OMG! Tama ba ng narinig ko?"

Naabutan siya ng katrabaho na tumitili. "Anyare sa 'yo, te? Para kang bulate na binudburan ng asin diyan, ah," sita ni Karla sa kanya.

Tumahimik naman siya at sinimulan na lamang ang trabaho.

Pagsapit ng lunch break ay nag-file ng three days leave si Sandra at naaprobahan naman ito ng boss. Ang paalam naman niya sa ina ay mayroon siyang fashion event sa ibang lugar.

Tales Of Romance (A Short Story Romance Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon