C-9 Her Beautiful Mistake

122 25 2
                                    

SULIT ang bakasyon kahit maiksi. Halos ayaw nang humiwalay ni Sandra kay Elias pero kailangan na nilang balikan ang reyalidad. Kauuwi pa lamang niya ng bahay nang hapon ay bumungad na sa kaniya si Alfred.

Kinausap nito ang mama niya na gusto nitong ipa-renovate ang kanilang munting bahay.

"Hindi puwede!" mariing tutol niya.

"Why?" 'takang tanong naman ni Alfred.

"This house was my father's memories. Kahit luma na ito, ayaw kong baguhin ang hitsura!"

"Fine! Pero once kasal na tayo, doon ka titira sa bahay ko."

Inatake siya ng stress nang maisip ang kasal na inuungot ni Alfred. At hindi niya napigil ang sarili na maglabas ng saloobin.

"Wala munang kasal na magagnap, Alfred. I'm sorry. I need more time to think about it."

"Hey! What's wrong with you? I thought you agreed to marry me."

"Naguguluhan pa ako, Alfred, at feeling ko ay hindi ko pa kakayanin ang responsibilidad."

"Okay, I didn't force you to marry me. Kaya nga ako gumagawa ng paraan na mas mapalapit sa 'yo, para ma-appreciate mo rin ang effort ko."

Lalo lamang siyang nababalisa. Naisip niyang magtapat na kay Alfred at sabihing hindi niya ito kayang pakasalan. Gusto na niyang makipaghiwalay. Pero biglang dumating ang mama niya.

"Ano ba ang problema mo, Sandra? Kararating mo lang, nagsusungit ka kay Alfred!" galit na usisa ni Lanie.

Nang makita naman ang ina ay naduwag si Sandra. Naunahan na siya ng takot. Pinigil niya ang emosyon at umiwas na lamang bago makapagsalita ng hindi maganda. Pumasok siya sa kaniyang kuwarto at nagkulong.

KINABUKSAN ng tanghali, break time ay nakipagkita si Sandra kay Magda sa restaurant.

"Ano'ng problema, Sandra? May nangyari ba sa bahay n'yo?" usisa ni Magda.

Napabuga siya ng hangin. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Magda. Gusto ko nang magtapat kay mama kaso nauunahan ako ng nerbiyos. Ayaw kong mapahamak ang baby ko dahil sa stress," mangiyak-ngiyak niyang sumbong.

"Lalo kang mahihirapan kung patatagalin mo pa ito, Sandra. At saka nasabi mo na ba kay Elias ang problema mo?"

"Hindi pa nga, eh. Pero tatapatin ko na si Elias once nagkita kami ulit. Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula. Nauunahan ako ng takot."

"Ayan, ang takot mo ang nagpapahirap sa 'yo. Alisin mo 'yan puso mo. Hindi magtatagal, lulubo na ang tiyan mo. Alalahanin mo, walang usok na nakikimkim. Lahat ng sikreto, may panahon para mabunyag. At huwag mong hintayin na sa maling panahon ito mangyari."

Magda was right, and Sandra need to be strong for her baby's future. Ayaw niyang madamay ito sa stress niya. Kailangan muna niyang pakalmahin ang kaniyang sistema nang makapag-isip nang maayos. Hanggang sa makahugot siya ng lakas ng loob.

Matapos makausap si Magda, napagpasyahan niya na sabihin una kay Elias ang kaniyang problema. Umaasa siya na matutulungan siya nito. Buo na ang loob niya na magtapat na rin sa kaniyang ina.

SABADO ng gabi ay inimbita ni Elias si Sandra sa anniversary party ng kaniyang hotel. At iyon ang tamang panahon na napili niya upang mag-propose ng kasal sa dalaga.

Pinasundo niya sa driver si Sandra at tiniyak na suot nito ang binili niyang pulang dress. And she did it. Excited siyang mahawakan ang kamay nito kaya sinalubong na niya sa entrance ng ballroom ng hotel.

"You're such a gorgeous woman, Sandra," buong paghangang sabi niya sa dalaga.

"Thank you! Ang pogi mo lalo sa gray tuxedo mo."

Tales Of Romance (A Short Story Romance Compilation)Where stories live. Discover now