C-1 Escaping The Arranged Marriage

119 12 0
                                    

HINDI alintana ang three inches na takong ng sandals ni Nicole sa bilis ng kaniyang takbo. Ilang minuto na lang kasi ay male-late na siya sa job interview. Nakaabot siya sa pasarang elevator ngunit naipit naman ng pinto ang laylayan ng kaniyang dress.

Nang mahila niya ang damit ay nawalan siya ng balanse. Tumili siya nang sumubsob sa lalaking naka-suit at nakatayo sa kaniyang harapan. Hindi siya nito napigil kaya dumausdos siya pababa. Aksidenteng nadakma pa niya ang bumubukol sa ibaba ng puson ng lalaki.

"Ano 'yong nahawakan ko?" tanong pa ng dalaga sa sarili. Napaluhod na siya sa sahig.

Akala niya'y magagalit ang lalaki ngunit inakay pa siya nito patayo. Tulalang napatitig siya sa seryoso at pinagpala sa kaguwapuhang mukha ng lalaki.

"Be careful," sabi ng lalaki sa baritonong tinig.

"Pasensiya na po, hindi ko sinasadya," aniya.

Animo nahipnotismo at hindi siya makakilos. Nabitawan na ng lalaki ang kaniyang mga braso ngunit hindi pa rin siya lumalayo rito. Pinulot pa nito ang nahulog niyang panyo at inipit sa kaniyang kamay.

"Please stop staring at me, lady," sita ng lalaki. Nasungitan na nga siya nito.

"S-Sorry. Nagulat lang po ako."

Umatras naman siya ngunit hindi maalisan ng tingin ang lalaki. Bukod kasi sa nakaaakit nitong mukha, may kahawig dito ito na kilala niya.

Pumihit siya paharap sa pintuan pero hindi matiis ang atraksiyong sa lalaki. Panay ang lingon niya rito ngunit tila robot itong walang pakiramdam, ni hindi siya magawang sipatin.

Nang bumukas ang pinto ng elevator ay nauna na siyang lumabas at muling . tumakbo patungong HR office. Pagdating sa opisina ay napawi ang kaniyang kaba nang maabutan doon si Richard.

"You're late," bungad sa kaniya ni Richard.

Kaagad naman siyang umupo sa silyang katapat ng lamesa ni Richard. Ito ang baklang kaibigan niya na hinikayat siya'ng mag-apply sa kumpanya ng mga ito.

"Nagmamadali pa ako, ikaw lang pala ang makakaharap ko!" singhal niya sa kaibigan.

Tinapik ni Richard ang kaniyang pisngi. Hindi halatang bakla si Richard dahil lalaking-lalaki itong manamit, magsalita sa harap ng ibang tao, maliban kay Nicole. Hindi kasi alam ng pamilya ni Richard na bakla ito, maliban na lang sa yumao nitong ina.

"Huwag ka na magreklamo. Simulan na natin ang interview," angil naman ni Richard.

"Kailangan pa ba ng interview? Ipasa mo na ako, please."

"Pasensiya ka na, bakla. Need kong sumunod sa rules ng company. Kaya sinabi ko na agahan mo ang punta rito kasi maraming aplikante para sa CEO's office staff. Once nahuli ka, wala ka ng chance."

Hindi na lamang siya nagreklamo. Naalala naman niya ang lalaking nakasabay sa elevator. Napagtanto niya na may hawig ang lalaki kay Richard.

Kinalabit niya sa braso ang kaibigan at nagkuwento. "May sasabihin pala ako, bakla. Kanina may nakasabay akong lalaki sa elevator. Kahawig mo siya pero mas pogi ng tatlong paligo sa 'yo. Matangkad siya, matikas, malaki ang katawan."

Napaisip din si Richard. "Ah, baka si Kuya Rendel 'yon."

"Kuya mo 'yon?" Napamulagat siya.

"Yes. Siya na ngayon ang CEO ng company since na-stroke si Daddy."

"Pero sabi mo noon ay magpapakasal na ang kuya kaya ayaw mong makilala ko."

Ngumisi si Richard. "Hindi natuloy 'yon. Arranged marriage lang naman 'yon. Maraming babaeng naipakilala si Daddy kay Kuya na dapat pakasalan kaso lahat ayaw niya. Iyong ibang planong arranged marriage, wala pang balita kung matutuloy. Choosy rin kasi sa babae si Kuya."

Tales Of Romance (A Short Story Romance Compilation)Where stories live. Discover now