C-9 (Finale): Escaping The Arranged Marriage

96 11 0
                                    

HINDI pa umalis si Nicole at gusto pa ring kausapin si Rendel. Pinuntahan niya sa opisina nito ang binata ngunit wala ito roon. Natataranta na siya dahil sumabay pa ang mensahe ni Alex at atat na siyang sunduin. Nagligpit na lamang siyang gamit at umalis.

Umaasa siya na makakausap ni Richard si Rendel at maipaliwanag ang totoong relasyon nila. Ibubunyag na umano ni Richard ang sikreto sa pamilya upang maalis ang maling akusasyon ni Rendel sa relasyon nila ni Nicole.

Pagdating ni Nicole sa apartment ay naghihintay na roon si Alex kasama ang Kuya Alonzo niya, pangalawa sa panganay.

"Huwag mo na paghintayin pa si Daddy, Nicole. Lumalala ang sakit niya," ani Alonzo. Pumasok na ito sa apartment at sinimulang hakutin ang gamit niya.

Ginatungan pa ni Alex ang litanya ni Lorenzo. "Paano mo natiis mabuhay nang ganito, Nicole? Halos ayaw kang padapuan ni Mommy ng lamok, 'tapos tumira ka sa mainit na lugar na ito na maraming lamok at ipis?"

Hindi niya pinansin ang mga kapatid na mas maarte pa sa kaniya. Noon ay katulad din siya ng mga ito, mata-pobre. Pero nagbago ang lahat nang malagay siya sa posisyon ng mahihirap.

Kinausap na niya ang may-ari ng apartment at binayaran ang natitirang upa at bill ng kuryente. Sumama siya sa mga kapatid na walang imik pero walang awat sa pagluha.

Pagdating ng bahay ay kaagad siyang nagtungo sa kaniyang kuwarto at doon humagulhol.

Dalawang linggo ang lumipas pero wala pa ring balita si Nicole tungkol kay Rendel. Wala pang update sa kaniya si Richard.

Nakalabas na ng ospital ang daddy niya at katulad ng inaasahan niya, itinuloy nito ang deal sa kaibigang negosyante. Sa gabing iyon ng Lingo darating ang pamilya ng lalaking pakakasalan niya. Nakabihis na siya ng pulang dress at inayos ang kaniyang buhok pero naroon pa rin siya sa kuwarto.

Mayamaya ay may kumatok sa pinto kasunod ng tinig ni Alex. "Nicole, lumabas ka na riyan!"

Lumapit naman siya sa pintuan at binuksan. "Bakit ba kayo nagmamadali?" maktol niya.

"Parating na ang mga bisita. Ayusin mo ang sarili mo."

Nakasimangot siyang sumunod kay Alex at inalalayan pa siya pababa ng hagdanan. Dumiretso na sila sa dining room kung saan nakahain ang maraming pagkain. Naroon na rin ang kaniyang ama at dalawa pang kuya.

"Maupo ka na, hija," nakangiting wika ng kaniyang ama. Pinaghila pa siya nito ng silya sa tabi nito.

Lumabas naman si Alex upang salubungin ang mga bisita.

Pinagpapawisan nang malamig si Nicole at hindi mapakali sa kaniyang upuan. Pumayag na siya sa desisyon ng daddy niya at wala na siyang pagkakataong tumakas. Wala pa ring sagot sa mensahe niya si Richard. Iyon na lang ang pag-asa niya upang malaman kung ano ang nangyari kay Rendel. Maaring galit pa rin ito sa kaniya.

Hawak niya ang kaniyang cellphone at nagtipa ng mensahe para kay Rendel. Dumating na ang mga bisita pero hindi niya magawang tingnan.

"Good evening, Guevarra family!" bati ng kaniyang ama sa mga bisita. Napatayo pa ito.

Natigilan si Nicole nang umugong sa kaniyang pandinig ang apelyido na binanggit ng daddy niya. Nag-angat siya ng mukha at napatingin sa dalawang lalaki na kapapasok, kasama ng ginoong nakaupo sa wheelchair. Kamuntik na niyang mabitawan ang hawak na cellphone dahil sa pagkagimbal.

"R-Rendel, Richard?" gilalas niyang sambit.

Hindi nga siya nagmalikmata, naroon sina Rendel at Richard, parehong nakasuot ng black suit. Kumaway pa sa kaniya si Richard na nakangiti, ngiting bakla.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tales Of Romance (A Short Story Romance Compilation)Where stories live. Discover now