C-7 Escaping The Arrange Marriage

73 10 0
                                    

HINDI maka-move on si Nicole sa nangyari sa kanila ni Rendel noong gabi sa kotse. Tatlong araw na ang nakalipas pero tila sariwa pa ang halik sa kaniya ng binata. Pagkatapos ng gabing iyon ay nasundan pa ang pagyaya sa kaniya ni Rendel na kumain sa labas at hinatid siya sa apartment. Unti-unti rin itong naging open sa kaniya, nagkukuwento.

"Good morning, pogi!" bati niya sa binatang CEO. Rumampa siya papasok sa opisina ni Rendel dala ang tasa ng kape nito.

Hinintay niya itong ngumiti at hindi muna binigay ang kape nito. Seryoso itong nakatitig sa kaniya habang hawak ang makapal na papeles.

"Go ahead," sabi nito.

Huminto pa kasi siya may isang dipa ang pagitan dito. "Smile ka muna."

"Nicole, huwag mo akong umpisahan."

Ilang beses na niyang nakita ang ngiti ni Rendel noong isang gabi na kumain ulit sila sa restaurant. Pero mukhang hindi na maganda ang mood nito.

"Ayaw mong ngumiti, walang kape!" hamon niya.

Ibinaba ni Rendel ang hawak na papeles at tumayo. Humakbang ito palapit sa kaniya.

Inalipin naman siya ng kaba nang hawakan siya nito sa kanang braso at kinuha ang tasa ng kape sa kaniyang kamay. Mahinhin itong humigop ng kape pero nakatitig sa kaniyang mga mata.

Tila bumaliktad ang mundo, siya naman itong inaakit ni Rendel. Titig pa lang nito ay nangatog na ang kaniyang mga tuhod.

"Hindi na masyadong mainit ang kape ko. Ano'ng orasyon pa ba ang ginawa mo bago ito dinala sa akin?" saad ng binata.

Paulit-ulit na napalunok si Nicole nang tila may bumara sa kaniyang lalamunan.

"Wala 'yang orasyon. Tinimpla ko ang kape mo with passion and love kaya masarap. Malamig kasi rito kaya mabilis mawala ang init," taas-noong sabi niya.

"Magaling ka talagang magpalusot." Binitawan nito ang kaniyang braso at sandaling pinisil ang kaniyang kaliwang pisngi. "Maghanda ka dahil may pupuntahan tayong meeting ulit." Umupo na itong muli.

Napangiwi siya. "Bakit isasama mo na naman ako? Baka may makita na naman akong kakilala."

"Foreign investors ang ka-meeting ko. Siguro naman ay wala kang kilala sa mga 'yon."

"Anong wala? Marami ring foreign investors si Daddy."

"Mag-disguise ka na lang."

"Sige na nga! Basta ba libre mo ulit ako ng food sa restaurant." Humirit pa siya.

"You're demanding." Napailing ang binata pero nanilay ang ngiti sa mga labi.

Napatili sa kilig si Nicole at lumapit sa binata. Pinisil niya ang magkabilang pisngi nito.

"Ang pogi mo talaga, boss! Ang sarap mong titigan habang nakangiti."

"Stop it!" Nagsungit naman ang binata.

Umatras naman siya at napasimangot. "Ang sungit nito."

"Magtrabaho ka na, Nicole. Hindi kasama sa duty mo ang harutin ako."

"Ano? Pinapasaya lang naman kita, ah."

"Huwag ka na sumagot. Hindi por que kinakausap kita in private ay puwede pati sa oras ng trabaho. Hintayin mong maging libre tayo pareho."

Kumurap-kurap siya nang mapagtanto na magtuloy-tuloy na ang bonding nila ni Rendel sa labas. Titili na sana siya ngunit pinagdilatan siya ng mga mata ng binata.

"Sorry. Mamaya na nga lang kita harutin sa labas." Tumalikod siya at bumungisngis.

Dahil sa excitement ni Nicole ay nag-chat siya kay Richard at naibalita na nagkakamabutihan na sila ng kuya nito.

Tales Of Romance (A Short Story Romance Compilation)Where stories live. Discover now