C-4 Her Beautiful Mistake

144 24 3
                                    

DAHIL wari natuklaw ng ahas si Sandra at hindi na makakilos, maingat na lamang itong binuhat ni Elias at pinahiga sa kama. She didn't even talk, at nag-aalala na rito ang binata. Na-shock si Sandra nang makita siya, ganoon din naman siya. Hindi niya akalaing magkikita sila nito ulit.

"Calm down, Sandra. Hindi ka naman siguro nagkamali ng kuwartong pinasok," ani Elias. Inalis niya ang sandals sa mga paa ng dalaga.

Hindi nagsalita si Sandra at nakatitig lamang sa kisame. Nagduda na tuloy si Elias baka nga hindi niya pasyente ang dalaga at nagkamali lang ng kuwartong pinasok. Pero may number naman ang bawat kuwarto upang hindi maligaw ang pasyente. Imposibleng nakalimutan itong sabihin ng staff kay Sandra.

Iniwan ni Elias sandali si Sandra saka lumabas ng kuwarto. Lumapit siya sa information desk at inabala ang sekretarya.

"Karen, pasyete ko ba si Sandra Lazaro?" tanong niya sa secretary.

"Yes, Doc. She filled out the obstetrician and gynecologist forms. May problema po ba?"

"Uh, nothing. Thanks."

Habang pabalik sa kaniyang tanggapan ay napapaisip si Elias. Mahigit isang buwan na ang nakalipas simula noong nakilala niya si Sandra sa kaniyang hotel, which was the night when they had unexpected sexual intercourse. Hindi niya akalaing mabibigyan siya ng chance na makitang muli si Sandra. Aminado siya na hindi ito naalis sa kaniyang isipan.

Nang balikan niya si Sandra ay tahimik lang itong nakahiga at mariing nakapikit.

"Are you okay now, Sandra?"

Sandra was still in shock. Maaring dahil iyon sa biglaang pagkikita nilang muli. At dahil sa kaniya ito napunta, dalawa lang ang posibleng ipapakonsulta nito. Maaring buntis ito o may problema sa matris. And that thought made him feet anxious, yet excited as well.

He manually examined Sandra's body. At physical signs pa lang ay alam na niya kung ano ang problema sa dalaga. She's pregnant!

"Can we start now?" muli'y tanong niya sa dalaga.

Nagmulat ito ng mga mata at matiim na tumitig sa kaniya. Nginitian niya ito para kumalma.

"Elias...." sambit nito.

"Yes, it's me. Nice seeing you again."

Hindi niya maipaliwanag ang galak na nadarama niya nang marinig ang kaniyang pangalan mula sa bibig ni Sandra. She still recognized him, and that was an honor to him.

ILANG sandaling tulala si Sandra bago nahimasmasan. Nakahiga pa rin siya sa makitid na kama. Hirap siyang kumilos dahil sa pag-atake ng matinding kaba sa buong sistema niya.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" malumanay na tanong muli ni Elias. Nakatayo ito sa kaniyang tabi.

Tumitig siya sa guwapo nitong mukha. "W-We met again," paos niyang wika.

"Yeah, and you're pregnant." Lumapad ang ngiti ni Elias.

Wala pa man itong ginagawa sa kaniya ay alam na nitong buntis siya. Dahandahan siyang kumilos at umupo. Magsisinungaling pa sana si Sandra pero na-realize niya na doktor ang kaniyang kaharap.

"Oo, pero...." Hindi niya masabi-sabi ang laman ng kaniyang isip.

"And the baby was mine. Tama ba, Sandra?"

Napamulagat siya rito. "P-Paano mo nasabing sa 'yo?"

"Aakuin ko ang baby kung aamin ka sa akin. Unless sasabihin mo na may ibang lalaking gumalaw sa 'yo after me. Then, we will undergo the long process to prove if the baby was mine."

"Ano kasi...." Hindi naman niya alam ang sasabihin.

"Isuot mo muna ito." Inabot nito sa kaniya ang bughaw na hospital gown.

Sinunod naman ni Sandra ang doktor. Hindi pa rin siya makapaniwala na isang OB/GYN pala ang lalaking naka-one-night stand niya noon sa hotel. What a coincidence!

Nang makapagpalit ng gown, sinimulan na ni Elias ang proseso kay Sandra. Kabadong nakahiga ang dalaga at naiilang sa ginagawa ni Elias. Kinalikot nito ang kaniyang puwerta, may ipinasok na matigas na bagay.

"Relax ka lang, Sandra," ani Elias. Ramdam nito ang tensiyon sa pagkababae niya dahil sa kaba.

Nasisilip sa ultrasound machine ang loob ng kaniyang sinapupunan. At nalaman kaagad ni Elias kung ilang weeks na ang baby niya. Nag-assume ito na anak nga nito ang dinadala niya.

Wala nang choice si Sandra kundi umamin. "Oo, ikaw ang ama."

Marahang tinapik ni Elias ang kaniyang balikat. "Hindi ko tatakasan ang responsibilidad ko, Sandra. Don't worry."

Nagbihis na si Sandra. "Pero paano ang pamilya mo? Ayaw kong makasira ng relasyon." Iniisip kasi niya na baka pamilyado na si Elias.

"I'm single."

Nawindang siya, at the same time ay na-excite. "S-Sigurado ka ba?"

Tumango si Elias. Mamaya ay binigyan siya nito ng calling card at sinabi ang schedule ng susunod niyang check-up. Ibinigay rin niya rito ang contact number niya.

"I'll call you, and please keep your line active."

Tumango siya at sana'y aalis na pero pinigil siya ni Elias.

Tinawag din nito ang sekretarya. "Pakibalik ang ibinayad ni Ms. Sandra," kausap nito sa babae.

"Yes, Doc," sabi naman ng sekretarya at tumalima.

"Bakit mo ipapabalik ang bayad ko?" manghang tanong ni Sandra kay Elias.

"You are carrying my child, Sandra. Bakit ko sisingilin ang serbisyo ko sa sarili kong anak?"

"Pero...." Namilog ang kaniyang mga mata.

"Please stop protesting. Sa akin ka lang magpapakonsulta, okay?"

Napangiti na lamang siya at tumango. "Salamat."

Marami pa sana siyang sasabihin kay Elias pero may nakapilang pasyente. Nagpaalam na lamang siya rito.

Pagkatapos ng check-up ay dumiretso sila ni Magda sa restaurant at kumain. Naikuwento ni Sandra sa kaibigan ang nangyari sa clinic at tuwang-tuwa ito.

"Talaga? Doktor pala ang Elias na 'yon?" kinikilig na komento ni Magda.

"Nagulat nga rin ako nang makita siya. Hindi na ako nakapagsinungaling kasi malalaman din naman niya ang totoo."

Naparami ang kain niya ng kanin dahil masarap ang ulam. Pandesal lang kasi ang kaniyang almusal at gatas.

"So, ano ang sabi ni Elias? Pananagutan ka ba niya?"

"Sabi niya pananagutan niya ako, pero may problema pa ako."

"Ano naman? Ang nanay mo? Si Alfred?"

"Hindi ko pa kayang magtapat kay Mama, Magda. At saka nakausap na siya ni Alfred na gusto akong pakasalan. Namanhikan na siya at pinag-uusapan kung kailan ang kasal."

"Nako!" Napailing si Magda. "Your mother was just exaggerating. Isama na iyong mga amega niya na walang ginawa kundi kulitin ka na mag-asawa na. At saka si Alfred, may edad na rin kasi kaya atat mag-asawa."

"Iyon na nga, eh. Inaalala ko lang kasi si Mama. Ayaw ko siyang madismaya at magalit sa akin. May sumusulsol din kasing mga tsismosa sa kaniya kaya napi-pressure."

"Iyon lang. May mga tao talagang kilos mo lang ang babantayan pero sarili nilang buhay hindi maasikaso. They put pressure on your shoulder, but they can't help you carry your baggage."

Sang-ayon siya sa kaibigan pero wala pa rin siyang lakas ng loob na suwayin ang kaniyang ina. Kung sana'y hindi siya nabuntis, mas madali ang lahat. At saka hindi siya tumutol noong napag-usapan ang kasal. Ang pinagliban lamang niya ay ang petsa.

Pagkatapos nilang kumain ay hinatid pa siya ni Magda sa kanilang bahay. Nadatnan nila sa bahay ang nanay niya na may minamasaheng matabang babae. Mabuti na lang busy ito. Nakapagpahinga siya sa kuwarto.

Tales Of Romance (A Short Story Romance Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon