C-6 Her Beautiful Mistake

126 26 3
                                    

SIX weeks ng pagbubuntis ni Sandra ay nagsisimula na ang cravings niya. Sinusunod naman niya ang payo ni Elias. Napadalas din ang pagkikita nila sa hotel. At Lunes ng umaga ay check-up niya ulit pero sa ospital siya pinapunta ni Elias.

"May appointment po ba kayo, ma'am?" tanong ng nurse sa kanya.

Lumapit siya sa information desk pero wala palang schedule si Elias para sa check-up. Nagbago ang schedule nito dahil may dalawang cesarean patient ito.

"Pinapunta kasi ako rito ni Dr. Andrada."

"Nasa operating room pa po si Doc. I'm not sure kung anong oras siya matatapos. At saka hindi po ata siya tatanggap ng check-up ngayon."

"Pero pinapunta niya ako at sinabing before lunch."

"Baka ho nagkamali lang si Doc. Pero kung gusto n'yo, hintayin n'yo siya para makausap n'yo."

Matabang siyang ngumiti sa nurse na halatang naiinis na sa kaniya. "Sige, hihintayin ko na lang siya." Naghanap na lamang siya ng puwestong matatambayan.

Umupo siya sa bench sa tapat ng information desk. Nag-text na rin siya kay Elias at sinabing naghihintay na siya.

Isang oras na ang lumipas at inaatok na siya. Wala pa rin si Elias. Nakaidlip na siya sa upuan nang may tumapik sa kaniyang balikat. Pumiksi siya at napatingala sa lalaking nakatayo sa kaniyang harapan. Si Elias pala ito.

"Are you okay?" tanong ni Elias.

Tumango siya.

Inalalayan siya nito patayo at bigla siyang inakbayan. Awtomatikong naghuramentado ang kaniyang puso. Uminit ang kaniyang mukha, lalo nang mapatingin sa kanila ang staff na nasa information desk.

Lumapit sila sa information at nagpalista.

"Magbubukas na po ba kayo for consultation, Doc?" tanong ng nurse kay Elias.

"Uh, no. Si Sandra lang ang aasikasuhin ko. Paki-inform na lang ang ibang pasyente na bukas na babalik," sabi naman ni Elias.

Naiilang naman si Sandra dahil iba na ang tingin sa kaniya ng mga nurse, lalo ng mga babae. May kasama nang pagdududa ang titig ng mga ito sa kaniya. Sa guwapo ba naman ni Elias, imposibleng walang nagkakagustong nurse rito.

Pagkatapos ng record, tumuloy na sila ni Elias sa clinic nito at hawak naman ang kaniyang kamay. Iyon pala ang ospital na pag-aari umano nito. Malaking ospital ito, marami ring empleyado at pasyente.

Pagdating sa clinic ay tiningnan kaagad ni Elias ang blood pressure niya. "Mababa ang BP mo. Mag-take ka ng iron supplement, and please iwasan mong magpuyat," sabi ng binata.

"Hindi ko maiwasang magpuyat. Minsan kasi ay inaatake ako ng insomia dahil sa stress."

"Ano naman ang dahilan ng stress mo?"

"Maraming problema sa bahay. At saka stresful na rin sa work ko dahil sa dami ng project namin."

Hinarap siya ni Elias. "Take a break, Sandra. Mag-leave ka at least three days. May pupuntahan tayo."

Hindi siya nakakibo pero na-excite siya sa ideya ni Elias. Kailangan nga niya ng pahinga.

"Sige, magpapaalam ako sa boss ko."

Nag-dial sa telepono si Elias. May kinausap itong staff at sinabing kailangan nito ng nurse. Pagkatapos ay muli siya nitong binalikan at hinawakan ang kaniyang kaliwang kamay. Tila ba may hinahanap ito.

"I need your urine sample for urinalysis." Binitawan din nito ang kamay niya.

"Kailangan pa ba 'yon?"

"Yes. I wanna make sure that you don't have infections."

May pumasok namang nurse na babae, bata pa. Nagbigay ito ng maliit na bote para lagyan ng ihi. Hindi nakaligtas kay Sandra ang umuusig na tingin ng nurse sa kaniya.

"Collect your urine, Sandra. Babalik ako," paalam ni Elias.

Nang makaalis si Elias, lumapit sa kaniya ang nurse. "Ma'am, kaano-ano n'yo po si Dr. Andrada?" tanong nito. Hindi na nito natiis ang curiosity.

Nag-iisip pa lamang siya ng isasagot ay bumalik na si Elias. Umatras ang nurse at naghintay ng kaniyang ihi.

"Are you done, Sandra?" tanong ni Elias.

"Sorry, hindi pa ako naiihi."

"Okay. We will wait. Maglakad-lakad ka muna." Pinaalis na muna nito ang nurse.

Bumaba naman siya ng kama at naglakad pabalik-balik sa tapat ng pintuan. Humilab na ang kaniyang sikmura.

"Elias, nagugutom ako," hindi natiis na reklamo niya.

Tumigil sa ginagawa nito ang binata at lumapit sa kaniya. "We will eat after this. You need to pee first."

"Sige. Baka meron nang lalabas." Kinuha na niya ang maliit na bote saka pumasok sa banyo.

May nakuha naman siyang ihi, kalahati ng bote.

Pagkatapos ay nagtawag ulit ng nurse si Elias at pinadala ang sample ng ihi sa laboratory. Pina-rush na nito ang result.

"May gusto ka bang kainin?" mamaya ay tanong ni Elias.

Nagbihis na ang dalaga at kinuha ang kaniyang bag. "Kahit konting snack lang para mawala ang hilab ng sikmura ko."

"We will go to the cafeteria. Let's go."

"Teka, kailangan bang lalabas pa tayo?" Hindi niya maiwasang kabahan baka kasi may kakilala siyang naroon sa ospital.

"Yes, para makapili ka ng food na gusto mo."

Hindi na siya nakatanggi.

Inalalayan pa siya nito palabas ng kuwarto. Pakiramdam niya ay inaapuyan ang kaniyang katawan habang naglalakad sila ni Elias sa pasilyo. Lahat ng nasasalubong at nadadaanan nilang staff ay nakatingin sa kanila. Hawak pa naman ni Elias ang kanang kamay niya, tila gustong ipakita na espesyal siya rito.

Pagdating sa cafeteria ng ospital ay pinagpili siya ni Elias ng snack. Natakam naman ang dalaga sa lumpiang gulay. Bumili ng apat na pirasong lumpia si Elias at humingi pa ng konting suka.

"Oily ba ang lumpia?" tanong pa ng binata sa food server.

"Hindi naman po, Doc. Sa air fyer po iyan nailuto," tugon naman ng babaeeng staff.

"Thank you." Kinuha na nito ang nabiling pagkain.

Naghihintay lamang sa inukupa niyang lamesa si Sandra. Feel na feel niya ang kalinga ni Elias, isang effort na pangarap ng lahat na babae. Nang ilapag ng binata ang pagkain sa harapan niya ay kaagad niya itong nilantakan.

"Konting suka lang ang ilagay mo, Sandra," sabi ni Elias.

Hindi siya nakinig. Mas maraming suka, mas gusto ng panlasa niya. Nagulat siya nang si Elias na mismo ang naglagay ng suka sa lumpia. Konti lang ang inilagay nito.

"Gusto ko ng mas maasim."

"No, that's enough. Hindi maganda ang acid ng suka, Sandra."

Dahil makulit ang dalaga, inalis na ni Elias ang suka at ibinalik sa counter. Pinatakan lang nito ng konting suka ang natitirang lumpia.

Walang choice ang dalaga kundi sundin ang payo ng doktor. At wala rin siyang pakialam sa mga matang nakatingin sa kanila. Nang maubos ang lumpia, naghanap naman siya ng sobrang lamig at matamis na inumin.

"Mamaya ka na uminom ng juice. Pababain mo muna ang kinain mo, baka umakyat ang asic sa dibdib mo," pigil ni Elias. Pero nakabili na ito ng apple juice na malamig.

"Balik na tayo sa clinic. Gusto kong humiga." Nauna na siyang naglakad pero mabilis siyang nahabol ni Elias.

Napangiti siya nang akbayan siya nito. Pagdating nila ng clinic ay nakabalik na ang nurse dala ang result ng urinalysis niya. Wala naman siyang infection.

Tales Of Romance (A Short Story Romance Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon