Chapter 1

179 6 0
                                    

"Nagtiwala ako sa 'yo!" Humagulgol na ako habang pinaghahampas ko ang kan'yang braso. "Pero ano'ng ginawa mo?! Niloko at sinaktan mo lang ako. Ginag* mo ako! Ginag* mo ako, Dylan!"

"L-let me explain, Gabi, please. I'm sorry—" Niyakap niya ako.

"S-sorry? So, akala mo ganoon ganoon na lang 'yon?! Hindi mo ako madadaan sa pa-sorry sorry mo! Ang s-sakit, ang sakit sakit nang ginawa mo!" Patuloy ako sa paiyak at paghampas sa braso niya. "Hindi porket nasaktan ka, Dylan, may karapatan ka nang manakit ng iba!"

Paano nga ba kami humantong dito?

Flashback

"Gabi! There you are! Kanina pa kita hinahanap!" Si Roan, matalik kong kaibigan mula noong high school.

Ako nga pala si Gabrielle Villegas, eighteen years old, kasalukuyang nasa unang taon sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Information Technology.

Huminga siya nang malalim at napahawak siya sa kaniyang dibdib sabay tili na aking ikinagulat. "Hindi mo pa ba naririnig ang balita?" Kilig na kilig siya.

Napataas ang isang kilay ko at puno ako ng pagtataka, "Ha? Ano bang mayroon?"

"Si Dylan Alvarez! Classmate natin siya!" Excited na tili niya.

I stare blankly at her at ganoon din siya, "Girl? Hindi mo kilala si Dylan Alvarez? The Dylan Alvarez, na matinik sa chics? Well, kahit siya mismo ay isang hot chic." Sabay paypay gamit ang kaniyang kamay na tila init na init.

Umiling lang ako at napahawak naman siya sa kaniyang noo. "Hay! Ikaw lang ata ang kilala ko na hindi man lang nasabik na malamang classmate natin siya. Iyong mga classmate nga natin hindi na magkandaugaga sa classroom."

"Bakit naman ako masasabik? Tara na nga sa classroom! Mamaya dumating na 'yong instructor natin."

Nagulat ako nang bigla niya akong hilain. "Tara na! Baka andoon na siya!"

Sino ba kasi 'yong Dylan na tinutukoy niya? Bakit siya pinagkakaguluhan?

"Slow down! Baka madapa pa tayo, eh!"

"Paano ako mag-slow down? Gusto ko na siyang makita."

Napapailing na lang talaga ako rito.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa classroom.

"Ano? Dumating na ba?" Usisa niya sa mga classmate namin na nagkukumpulan at nakaharang sa pintuan.

"Sa tingin mo? Andito na 'yon? Edi! Sana nasa loob na sila."

Napalingon siya sa akin. "Alam mo, ikaw? Napakasungit mo! Mayroon ka ba?"

"Wala! Excuse, me." Agad na akong pumasok at umupo sa bakanteng upuan sabay buklat ng librong hawak ko.

Maya-maya ay nagsihiyawan sila, pero hindi ako tumingin at patuloy pa rin ako sa pagbabasa. Sabi nga ni Ate mas kinikilig pa raw ako sa mga fictional character dito sa libro ko, nakaka-in love naman kaya talaga.

"Miss, is this seat taken?"

"No." Umiling ako at hindi ko man lang inaalis ang tingin sa binabasa ko.

Naramdaman ko na lang na umupo na siya.

Maya-maya ay umupo naman si Roan sa right side ko at humawak siya sa braso ko sabay bulong, "Girl, si Dylan katabi mo." Kilig na wika niya.

Napalingon naman ako sa tinutukoy niya. Nakangiti siya at nakatingin din sa akin. "Hi!"

Patuloy naman sa hiyawan ang mga kaklase ko, mapa-lalaki o babae.

I loved you first (gxg)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora