Chapter 14

14 1 0
                                    

Dylan

Naglalakad na ako papunta sa parking lot kung saan ko pinarada ang motor ko. Na-miss ko rin kasing mag-motor, kaya hindi ako sumabay kay Nico. Wala nang masyado student ngayon kasi konti lang ang may night class. It's already six in the evening.

Nag-iisip-isip ako habang hinahagis ko ang susi tsaka ko ito sasaluhin. Nang bigla akong mapalingon sa di kalayuan, nakita ko si Gabi na tumatakbo.

"Ano naman kaya ang trip noon at nagtatatakbo?" Napapailing at natatawa ako.

Nabaling naman ang atensyon ko nang marinig ko ang kalansing ng susing hindi ko nasalo, agad akong napayuko at pinulot ito. Nang hawak ko na ito ay napalingon akong muli sa gawi kung saan ko siya nakitang tumatakbo. Napansin kong may dalawang lalaki na tumatakbo rin patungo sa parehong direksyon.

"Hindi ako nagkakamali na siya 'yon." Napakamot ako sa ulo. "Bakit naman siya hahabul-" Hindi ko na natapos ang nais kong sabihin at agad akong kumaripas nang takbo patungo sa gawing 'yon.

Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo. Nang makarating ako sa lugar kung saan ko sila huling nakita ay napahinto ako.

"Sh*t!" Napatingin ako sa kanan at kaliwa. Saan banda naman kaya sila nagtungo? Napahawak ang magkabilaang kamay ko sa ulo ko. Hindi na ako puwede manatili pa rito nang mas matagal. Kailangan kong mag-isip kung hindi baka mapaano na siya.

"Bahala na!" Tumakbo na ako patungo sa right side at pumasok sa building. Sana tama ang instinct ko. Konti lang ang tao sa building na ito. Bakit naman nga rito tatakbo si Gabi kung hihingi siya ng tulong? Sa bagay, kakaiba mag-isip ang babae na 'yon. Baka rito siya tumakbo para magtago at siyempre ang iisipin nila tatakbo siya sa matao. Napailing na lang ako, kung anu-ano pa ang iniisip ko. Ang mahalaga dapat mahanap ko siya. Inisa-isa kong tignan ang bawat silid. Wala ngang night class sa building na ito.

"Gabi, n-nasaan ka na ba?" Bulong ko.

Hingal na hingal na ako, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya natatagpuan.

Nang may kung ano-ano akong narinig mula sa silid na 'di kalayuan sa kinaroroonan ko. Agad akong kumaripas nang takbo.

Nang papalapit na ako ay may narinig akong tawanan at nang silipin ko ay bumungad sa akin si Gabi na kahit nasa panganib ay hindi mo makikitaan ng takot at pangamba.

"Pare, matapang ang isang ito. Batuhin ba naman ako ng eraser?"

Matapang talaga ang babaeng 'yan. Naglakad na ako papalapit at nakita na niya ako.

"Hoy! Kayong dalawa! Bakit hindi kayo humanap ng kapareho n'yo! Hindi 'yong walang kalaban-laban!" Nakita kong kumunot ang noo ni Gabi.

Bigla naman silang lumingon.

"Whoa! Tignan mo nga naman kung sino ang andito." Nakangiting wika noong isang lalaki. Pamilyar ang mukha niya. Saan ko na nga ba siya nakita?

"Pre! Mas exciting na ngayon," wika ng kasama niya na pinapatunog pa ang mga daliri niya sa kamay.

"Kung ako sa iyo, Dylan, sana hindi ka na nakialam. Baka pagsisihan mong mabasag namin ang mukha mo." Tumawa siya. "Hindi na sila magkakandarap sa iyo!" Iniisip ko kung saan ko talaga nakita itong lalaki na ito. Nasa five feet, five inches ang height niya, mapungay ang kan'yang mga mata, matipuno siya at kayumanggi. Mapapansin din ang sugat sa kan'yang kamao. Halatang sanay sa basagan ng bungo.

"Pre! Mukhang wala namang binatbat ito. Hindi na ata makagalaw sa takot!" Tumawa rin ang kasama niya.

Dumura ako sa sahig. "Tama na ang satsat! Bakit hindi pa natin simulan?"

Napatingin akong muli kay Gabi. "Okay ka lang ba?"

Tumango naman siya at tila shock pa rin.

Maya-maya ay bigla nang sumugod ang isa at buti na lang nakailag ako.

I loved you first (gxg)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ