Chapter 8

13 2 0
                                    

Dylan

Pambihira rin talaga ang babae na 'yon. Akala ko, okay na kami. Napapailing na lang ako rito at agad kong tinawagan si Kenzo.

"Pre, Nasaan ka?"

Nang malaman ko, na nasa tambayan siya ay agad na akong nagtungo roon. Tahimik at nakaka-relax kaya madalas kami roon. May isang lamesa at dalawang mahabang upuan sa magkabilaan nito. Napapaligiran ito ng mga magagandang bulaklak tulad ng bougainvillea at rose.

"Grabe! Kakaiba talaga 'yang si Gabi." Natatawang sabi niya sabay hawak sa balikat ko. "Pre, mukhang hindi tatalab ang powers mo."

"Tumigil ka nga! Mapapasagot ko rin siya."

"Pero bago 'yon. Ang tanong, paano mo makukuha ang loob niya? Mailap ang chic na ito, hindi effective ang pa-flowers mo."

"Hindi ko pa alam."

Maya-maya ay dumating si Nico.

"Bakit ka nag-text, Kenzo? Wala ba kayong klase?" Umupo siya sa harap ko sabay lapag ng bag niya. "Teka! Bakit mukha kayong problemado?" Dagdag niya habang nakatingin sa mukha namin.

"Ako? Hindi. Itong pinsan mo lang!" Sabay turo sa akin.

"Makaturo ka naman. Umupo ka na nga." Agad naman siyang umupo sa tabi ko.

"Ady, tungkol saan ba 'yang problema mo?"

"Babae." Tugon ni Kenzo.

"Ikaw talaga 'yang bibig mo rin, eh!"

"Bago ata ito?" Natawa siya. "Kailan pa naging problema sa iyo ang babae?"

"Isa ka pa! Alam n'yo kayong dalawa pagtutulungan n'yo na naman ako. Itong si Kenzo tinawagan ko para matulungan akong mag-isip, pero wala rin. Big help, guys!"

"Pre, ang seryoso mo. Pinapagaan lang namin ang loob mo."

"Hay nako! Kung nakinig sana kayo sa akin na itigil n'yo na ito. Eh 'di, sana wala kayong problema."

Tumingin sa akin si Kenzo sabay bulong. "Alam ko na kung ano'ng sagot sa problema mo. Trust me."

"Oh! Ano naman pinagbubulungan n'yo r'yan? Tinawag-tawag n'yo ako rito tapos kayo lang din naman pala ang mag-uusap. Aalis na nga ako." Akmang tatayo na siya at kukunin ang bag niya.

Agad naman siyang pinigil ni Kenzo. "Teka! Umupo ka muna. Ikaw naman."

"Ano? Papayag na kayong itigil 'yan?" Nagpalit-palit ang tingin niya sa amin.

Samantalang ako ay nakatingin lang kay Kenzo na kinukuskos ang magkabilaang palad niya sabay tayo at agad natungo sa kinauupuan ni Nico. Ano kaya ang pinaplano nito? Tinutulungan ba niya akong manalo sa pustahan namin?

Umupo siya sa tabi ni Nico sabay akbay, "Pre, ganito kasi 'yan. Gustuhin man naming itigil ito ay hindi na maaari. Nahihiya lang sabihin sa iyo ng pinsan mo na-" Tumingin silang dalawa sa akin. Ako naman ay clueless sa sasabihin nitong ni Kenzo. Nagpalit-palit ang tingin namin sa isa't-isa. Lokong Kenzo ito. Siguraduhin lang niya na magugustuhan ko ang lalabas sa bibig niya.

"Ayon nga, pre," wika niya at napatingin sa kan'ya si Nico. "Na-in love na siya sa babae na 'yon."

Inubo ako sa narinig ko.

"Oh! Pre, kalma lang. Ito, oh!" sabay abot sa akin ng bottled water.

Loko talaga itong si Kenzo. Humanda siya sa akin mamaya. Agad kong kinuha ang tubig at ininom ito.

"Ady, totoo ba 'yon?"

"Di ba, Dylan?" Tumingin sa akin si Kenzo sabay senyas na sumang-ayon ako.

"Oo! Nagdilang anghel ka." Tugon ko sabay pikit. Humanda ka talaga sa akin, Ken.

"Malaking problema nga 'yan!" Wika ni Nico.

"Malaking problema kung hindi mo siya tutulungan."

"Ano naman maitutulong ko? Eh, sa ating tatlo, kayo naman ang matinik sa mga babae."

"Pero ikaw, alam mo kung paano silang itrato ng tama," wika ni Kenzo na nakaakbay pa rin kay Nico.

"Wow! So, sinasabi mo na tayong dalawa, hindi? Isumbong kaya kita kay Bea," wika ko sabay inom ng tubig.

"Pre, hindi ganoon. Itong si Nico, alam ko kahit wala pa itong pinopormahan. Alam nito kung paano ang manligaw. Oh! Nanliligaw ba tayong dalawa?"

"Sira ka rin talaga. Sana naririnig ka ni Bea ngayon." Tumawa ako.

Tumawa rin si Nico. "Oo nga! Talaga ba? Hindi ka nanligaw?"

"Oo na! Nanligaw na. Like nanligaw ako sa bahay nila mismo at niligawan ko rin ang pamilya niya."

"Kaya ikaw! Magtino ka na!" Tukso ko.

"Oo nga! Tinanggap ka ng pamilya niya." Dagdag ni Nico.

"Grabe kayo! Si Bea lang ang babae sa buhay ko, 'no! Teka! Bakit nasa akin na ang topic. So, Nico, ano? Tutulungan mo ba si Dylan?"

Nag-iisip si Nico nang biglang tumunog ang bell.

"Time na! Malayo pa ang building ng klase ko rito. Update ko na lang kayo. Mauna na ako, Bye!" Sabay suot ng bag niya at kumaripas nang takbo.

Nang dalawa na lang kami ni Kenzo ay napalunok siya nang dahil sa tingin ko sa kan'ya.

"Magkaliwanagan nga tayo. Akala ko ba tutulungan mo ako? Bakit mo sinabi sa kan'ya 'yon? Sabi ko na nga ba! In the first place bakit mo nga naman ako tutulungan kung matatalo ka sa pustahan?" Sinusuntok ng kanang kamao ko ang kaliwang palad ko.

"Pre, chill!" Tinaas niya ang kan'yang kamay. "Matutulungan tayo ni Nico kung paano mo makukuha ang loob ni Gabi at tsaka para hindi na rin siya kumontra sa pustahan natin."

"Kung sa bagay! May point ka! Pero bakit mo ako tinutulungan? Gayong magkalaban tayo sa pustahan?" Tumingin ako diretso sa mga mata niya.

"Pre, pera lang 'yan. Tingin ko! Bagay kayo ni Gabi. Siyempre kaibigan mo ako, gusto kong maging masaya ka na rin. Hindi ka ba napapagod sa papalit-palit? Pre! Kailangan mo lang buksan 'yang puso mo. Hindi ka naniniwala sa pag-ibig? Look around you, madami kaming nagmamahal sa iyo. Deserve mo ring maging truly happy."

"Ewan ko sa iyo! Ang badoy mo! Gan'yan mga linyahan mo kay Bea, 'no?" Tumawa ako.

"Pre, seryoso ako. Malay mo si Gabi na pala."

Iyong puro siya kalokohan, pero may point din naman ang mga sinasabi niya. Pero kahit na! Ayoko pa ring magseryoso sa pag-ibig na 'yan. I am here to win our bet.

"Magtino ka na, pre!" Kinuha niya ang bottled water sa harap ko sabay inom. "Pahingi." Itinaas niya ito pagkatapos niyang uminom.

"Nainom mo na tsaka mo sasabihin." Nagtawanan kami.

Tinitigan niya ito."Teka! Akin pala ito, eh. So, technically ikaw ang humingi."

"Teka! Hindi ko 'yan hiningi. Ibinigay mo 'yan sa akin kanina." Patuloy kami sa tawanan.

Nakatingin lang ako sa kan'ya. Sa totoo lang kinakabahan ako sa planong naisip niya, pero sa tingin ko nga malaki ang maitutulong ni Nico sa akin upang makuha ko ang loob ni Gabi. 

I loved you first (gxg)Where stories live. Discover now