Chapter 13

15 1 0
                                    

Gabi

Ilang araw na ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakausap. Madalas kong makita na kasama niya si Ingrid. Madalas din akong asarin ni Roan kasi nahuhuli niya ako napapasulyap sa kanila.

"Ang sakit makita siyang masaya sa iba, 'no?" Tukso niya na may kasamang nakakalokong tingin.

"Ano'ng pinagsasabi mo r'yan?" Napayuko ako.

"Umamin ka na kasi sa akin. Panay ang tingin mo sa kanila, eh!"

"A-ah! Ayon ba? Napapatingin lang ako dahil sa lakas ng boses ni Ingrid."

"Talaga ba? Eh! Bakit iba ang nakikita ko?"

"Kung ayaw mong maniwala hindi naman kita pipilitin."

"Pikon na 'yan?" Tumawa siya.

Tumingin lang ako sa kan'ya.

"Okay! Sige na, I will stop." Itinaas niya ang magkabilaang kamay niya sabay ngiti.

Napabuntonghininga na lang ako.

Kakatapos lang nang klase namin. Nilalagay ko ang mga gamit ko sa bag ko nang marinig ko si Ingrid.

"Bye, Dylan!"

"Ang arte talaga ng boses niya." Narinig kong bulong ni Roan.

"Bye. Ingat ka!" Narinig kong tugon niya.

Maya-maya ay narinig kong papalapit si Ingrid.

"Hey! Akala mo hindi kita narinig!"

Napalingon ako sa kan'ya tapos bigla niya akong itinuro.

"At ikaw! Akala mo ba hindi ko nakikita na lagi mo kaming tinitignan, freak!"

Nagpintig ang tainga ko sa narinig ko. "Huwag mo nga akong dinuduro at tawaging freak!"

"Aba! Matapang ka talaga, freak!"

"Bawiin mo 'yang sinabi mo!" Wika ni Roan.

"At bakit? Ano'ng gagawin n'yo sa akin?" Tumawa siya.

"Inaano ba kita, ha? Paano ako hindi mapapatingin sa iyo! Napakalakas ng boses mo!"

"Kunwari pa kayo. Akala n'yo hindi ko alam? Kapag inggit, pikit!" Itinaas niya ang isang kilay niya.

"Kaya nga! Inggit lang 'yan, Ingrid," Wika ni Charlotte, best friend niya.

"Totoo naman, ah! Ang arte ng boses mo. Pabebe ka lang kay Dylan!" Wika ni Roan.

"Inggit lang kayo! Kasi ako na ang kinakausap niya! Ako? Maarte?" Tumawa siya. "Hindi ba 'yang kaibigan mo? Na akala mo kung sino kay Dylan? Tapos ngayong ako na ang kinakausap, gan'yan ang reaction n'yo?"

"Tama!" Pagsang-ayon ni Charlotte sabay tawa.

Itiniklop ko ang kamao ko, nanginginig ito sa galit. Sumusobra na ang babaeng ito.

Napatingin siya rito at patuloy sa pagtawa. "Ano? Susuntukin mo ako? Go! D'yan ka magaling, di ba? Ilabas mo ang tapang mo! "

"Kalma, Girl. Pino-provoke ka lang n'yan." Bulong ni Roan.

"Suntukin mo na ako! Nang makita lalo ni Dylan kung gaano ka ka-war freak, na tama ang desisyon niya na lumayo sa kagaya mo. Oh!? Ano!? Natatakot ka?"

Pinipigilan ko ang panginginig ng kamao ko at tumawa ako nang malakas. "At ano sa akala mo? Papatulan kita? Hindi ako ganoong klase ng tao. Pag-aaksayahan ko pa kayo ng oras. Puwede ba? Tigilan mo ako? Wala akong pakialam sa inyo ni Dylan. Isaksak mo sa baga mo!" Unti-unti akong lumapit sa kan'ya. "At puwede ba? Pakihinaan ang boses mo nang hindi ka nakaka-destruct at para hindi na rin ako mapatingin sa iyo. Kasi sa totoo lang nakakairita ka." Bulong ko sabay ngiti nang tumingin ako diretso sa mga mata niya.

I loved you first (gxg)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant