Chapter 6

17 2 0
                                    

Gabi

Walang araw na hindi niya ako tinantanan. Ang aga-aga ay nang-aasar na naman siya.

"Good morning, Miss Snob." Ngumiti siya.

Agad namang kumunot ang noo ko. Kung maaari ko lang ihagis sa kan:ya itong librong hawak ko ay ginawa ko na. Naglakad na siya patungo sa upuan niya.

"H-hay! Ang ganda talaga niya." Napalingon ako kay Roan at mababatid sa mukha niya ang kilig.

"Ano'ng maganda roon? Nakakagigil na!"

Hinawakan niya ang kamay ko. "Kalma lang, girl. Feeling ko gusto ka niya kaya siya nagpapapansin."

"Tumigil ka nga sa sinasabi mo. Maghanap siya ng ibang pagti-tripan. Huwag ako!"

"Pansinin mo na kasi, girl. Mabait naman siya, eh."

Napalingon ako kay Dylan, ngumiti siya sabay kindat. Agad kong ibinalik ang tingin ko kay Roan. "No way! Napakahambog! Akala mo kung sino!"

"The more you hate, the more-." Hindi ko na pinatapos ang nais niyang sabihin.

"Ewan ko sa iyo! Please lang."

Maya-maya ay dumating na ang instructor namin.

Ayokong ma-involve sa kan'ya kasi alam kong wala siyang magandang maidudulot sa akin. Magpo-focus ako sa studies ko, hindi sa kan'ya.

Lumipas pa ang mga araw at patuloy pa rin siya sa pang-iinis sa akin. Nagtitimpi lang ako, pero lahat ay may hangganan.

"Hi, Miss Bugnot!"

Hindi ako tumingin sa kan'ya at patuloy ako sa pagbabasa.

"Ay! Grabe ang snob talaga, oh!"

Narinig ko naman ang ilan sa mga kaklase kong babae. "Grabe ka naman, Gabi!"

"Ang feeling." Parinig pa noong isa.

"Pansinin mo naman si Dylan. Akala mo kung sino ka! Ikaw na nga lang binabati."

"Oh! Pansinin mo naman daw ako." Tumawa siya.

Napansin ni Roan na nanginginig ang kamay ko. "Kalma lang, girl."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatayo ako. "Ano ba?! Hindi ka ba titigil?! Ako tuloy ngayon ang nakakarinig ng mga hindi magagandang salita na 'yan! Ano ba!? Hindi ka ba nakakaintindi!? Papansin ka ba talaga? Hobby mo ba ang inisin ako? Oh! Masaya ka na?" Nakatingin ako diretso sa mga mata niya. "At kayo? Ano!? Makapagsalita kayo." Tumingin ako sa mga kaklase ko na hindi rin makaimik at gulat na gulat.

Ibinalik ko ang tingin kay Dylan, halatang gulat siya at hindi makaimik. Nakatingin lang siya sa akin.

"Gabi, tama na." Tumayo si Roan at pinapaupo ako sabay hagod sa likod ko.

Hindi ko maiwasan na hindi maluha sa sobrang inis at agad ko naman itong pinunasan nang makaupo ako.

Nakatingin lang si Dylan sa akin at nagkatitigan kami. Biglang dumating ang instructor namin kaya nagtungo na siya sa upuan niya.

Pinunasan kong muli ang luha sa mata ko.

"Okay ka lang ba?" Bulong ni Roan.

Tumango lang ako at huminga nang malalim.

"Good morning, Class!" Masayang bati ni Ma'am sabay lapag ng librong hawak niya sa lamesa.

Hindi maalis sa isip ko ang itsura niya kanina. Sana naman sa narinig niya ay tumigil na siya.

Matapos ang klase namin ay agad na kaming nagtungo ni Roan sa susunod na class namin.

"Okay ka lang ba?"

"Oo naman! Sana naman tigilan na niya ako."

"Nagulat ako sa iyo kanina, girl."

"Ayoko naman sana, eh. Nakakapuno na kasi, tapos sumasali pa ang ilan sa mga kaklase natin. Parang ako pa ang masama na hindi ko pansinin 'yong crush nila. Sumusobra na rin kasi 'yang si Dylan, sa araw-araw ba naman ay walang ginawa kundi inisin ako. Parang hindi kumpleto ang araw niya na hindi niya ako iniinis."

"Nakakainis nga naman kasi ang mga sinasabi nila sa iyo. Feeling ko talaga gusto ka niya kasi hindi naman niya gagawin 'yon kung wala lang."

"Gusto lang no'n na may pagtripan at ako pa talaga ang nakita niya. Sinusubukan ko naman na hindi magpaapekto para tigilan niya ako, pero wala lang din."

"Pero, girl, sa itsura niya kanina. Halatang gulat na gulat siya. Sa tingin ko naman titigilan ka na niya lalo noong nakita niyang lumuha ka."

"Sana nga tumigil na siya. Ayokong maging target ng mga may gusto sa kan'ya."

"If ever man. Wala silang magagawa." Tumawa siya.

Tinignan ko siya nang masama.

"Joke lang naman, Gabi."

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at nakasabay namin si Ingrid, papasok sa pinto. Tinignan niya ako nang masama. "Excuse, me!" Naglakad na siya papasok kasunod ang mga kaibigan niya.

"Awatin mo ako, girl! Sumusobra na ang babaeng 'yan! Napipikon na rin talaga ako sa kan'ya. Inggitera." Gigil na wika ni Roan.

"Hayaan na lang natin sila." Mahinahon na wika ko.

Nagtungo na kami sa upuan namin. Focus, Gabi! Huwag kang magpapaapekto sa kanila.

Dylan

Pagkatapos ng klase namin ay nagkita kami ni Kenzo sa tambayan namin. Vacant ko, tapos ko na kasing i-take 'yong subject na 'yon.

"Pre, mukhang sumobra ka naman. Pinaluha mo na 'yong tao."

"Para nga akong naging estatuwa nang makita ko siyang lumuha."

Inakbayan niya ako. "Pre, mukhang tinatamaan ka na." Tumawa siya.

"Sira!" Agad kong inalis ang kamay niya sa balikat ko.

"Sus! Umamin ka na! Tayong dalawa lang naman ang nandito."

"Ewan ko sa iyo, Ken! Puro ka kalokohan."

"You should look at your face. Halatang apektado ka sa nangyari kanina. Aminin mo na kasi you care na rin for her." Ngumiti siya.

"H-hindi, ah! Nakonsensya lang ako na nasasaktan ko na pala siya sa pang-aasar ko."

"Doon nakokonsensya ka? Eh, sa pustahan natin hindi? Alam mo, Pre! Mukhang tama si Nico. Itigil na natin ito."

"Hindi! Hindi natin ititigil ito!"

"Pre, still ikaw pa rin si Dylan na kilabot sa chics kahit itigil natin ito."

"Hindi! Nagsisimula pa lang tayo."

"Okay! Sabi mo, eh." Sabay subo ng mani. "Sobrang competitive mo talaga, Pre. It's about your reputation ba? O nahuhulog ka na talaga? Kasi definitely, it's not about the money."

Napatingin ako sa kaniya. Tumingin lang siya sa akin sabay ngiti at taas ng dalawang balikat niya.

Hindi na ako maaaring tumigil dito. Wala akong sinisimulan na hindi ko tinatapos. Nagsisimula pa lang ako at alam kong mapapasagot ko rin siya.

"Alam mo, Pre! Sa tingin ko, hindi mo talaga siya makukuha sa pamamagitan nang pang-iinis sa kan'ya. Ang mga babae kung gusto mong mapasa'yo dapat inaamo mo."

"Ano'ng gusto mong gawin ko? Suyuin ko siya? No way!"

Tumawa siya. "Ano ba? Gusto mo bang mapasagot o ano? Pre, it's the only way." Nagtinginan kami. "Pre! Seryoso ako," wika niya sabay subo ulit ng mani.

Mukhang ayon nga ang dapat kong gawin.

I loved you first (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon