Chapter 16

7 1 0
                                    

Dylan

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang tanggalin ko ang helmet na suot ko.

"Hep! Hep! Ano'ng ibig sabihin ng ngiti na 'yan?"

Nagulat ako at agad na napatingin sa kan'ya. "Oh! Ano'ng ginawa mo rito?"

Nakatingin lang sila sa akin at mababakas ang pagkakataka sa kanilang mukha.

"Sagutin mo muna ang tanong ko. Tsaka! T-teka! Ano 'yang nasa mukha mo? May pasa ka!?" Ano'ng nangyari, Pre?"

"Oo nga, Ady! Bakit may pasa ka?"

"Ang dami n'yong tanong." Tumawa ako at isinabit ko na ang helmet sa handle bar. "Pumasok na kaya muna tayo? T-teka! Bakit ka nga ba narito, Kenzo?"

Naglakad na kami papasok sa bahay.

"Sabi na nga ba! Nakalimutan mo! Hindi ba? May game tayo nina Benjo ngayon? Buti na lang! Malakas itong si Nico. Nako! Kung hindi malamang aalaskahin ako noon at ikukuwento sa ate niya na, natalo niya ako.

Si Benjo ay nakababatang kapatid ni Bea. Kung hindi ako nagkakamali fifteen years old na siya.

"A-ah! Oo nga pala."

"Saan ka ba galing, Ady? Tsaka napaaway ka ba?" Hinawakan ni Nico ang baba ko at tsaka tiningnan ang magkabilaang pisngi ko.

Umupo na kami at nasa gitna nila ako.

"Huwag nga kayong maingay! Mamaya marinig tayo ni Nay Violy."

"As if maitatago mo naman 'yang pasa mo, Pre."

"So, ano nga ba ang nangyari? Okay ka lang ba?" Usisa ni Nico.

"Huwag kayong mag-alala okay lang ako." Ngumiti ako.

"Teka, ikaw lang ata ang nasapak na nagagawa pang ngumiti. Dahil ba sa babae 'yan?" Ngumiti siya nang nakakaloko sabay tusok sa pasa sa pisngi ko.

"Sira ulo ka talaga! Pinisil mo pa!" Marahan ko namang hinawakan ito.

"Sorry na, Pre. Kuwento mo naman kasi.

"Ang masasabi ko lang, okay na kami!"

"W-Whoa! Si Miss Snob?" Hindi makapaniwala si Kenzo.

"Ha? Naguguluhan ako," wika ni Nico.

"Kanina kasi sa school may dalawang lalaking humabol sa kan'ya."

"Tapos niligtas mo siya? Naks! Knight in shining armor ka pala, eh! Mahal mo na talaga, 'no?" Tumingin siya nang nakakaloko. "Pero dapat hindi mo hinayaang nasapak ka. Nakilala mo ba sila? Mga loko 'yon walang sinasanto kahit babae pinatulan!" Gigil na wika ni Kenzo.

"Sira! Kahit sino naman siguro gagawin 'yon , di ba? Alangan pabayaan ko. Hindi ko sila kilala, pero familiar 'yong isang lalaki. Hindi ko lamg alam kung saan ko sita nakita."

Sumenyas siya na kasama namin si Nico kaya dapat ipakita ko na I'm into her.

"Siyempre, di ba, Nico? Kapag importante sa iyo ang isang tao poprotektahan mo?" Tumingin ako sa kan'ya.

"Ady, mukhang in love ka na talaga sa kan'ya! Huwag mo nang i-deny kasi halata naman. Teka! Na-report n'yo na ba sa school?"

"Oo, may guard na nakakita. Sana mahanap na ang mga 'yon kundi nasa peligro pa rin siya. Baka anytime balikan nila siya."

Ang tahimik, wala akong narinig na tugon mula sa kanila, kaya napalingon ako. Bumungad ang ngiti mula sa mga labi nila at nag-apir pa sila.

"Oh? Bakit?"

"In love ka na nga!" Sabay na tugon nila.

"Ewan ko sa inyo!" Napapailing na lang ako.

Maya-maya, dumating si Nay Violy.

I loved you first (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon