Chapter 4

27 1 0
                                    

Gabi

Nasa sasakyan na kami ni Ate, nakadungaw ako sa bintana.

"Oh! May problema ka ba? Bakit magkasalubong ang kilay mo?"

Napalingon naman ako sa kan'ya at nakahalukipkip. "Paano ba naman, Ate. May isa kaming classmate. Napakaantipatika at napakapapansin!"

Natawa naman siya. "Sa tingin ko crush ka noon, kaya nagpapapansin." Patuloy pa rin siya sa pagtawa.

"Eh! Ayoko sa kan'ya, Ate! Pareho kaming babae, 'no? Nakakagigil siya!"

Napapailing naman siya. "Ang kapatid ko, dalaga na talaga. Maganda ba naman?"

"Ate! Stop it! Huwag mo akong tuksuhin sa antipatika na 'yon! Hmmm...maganda nga kung maganda, pero no! Malabong magkagusto ako sa babae."

Patuloy siya sa pagtawa at napatingin sa libro na nakapatong sa hita ko. "Iyong mga type mo kasi 'yong nababasa mo sa libro. Gabi, okay naman 'yan, pero huwag mong kalimutan na mabuhay sa realidad."

Agad kong kinuha ang libro ko at niyakap ito sabay tingin sa mga mata niya. "Opo, Ate. Basta ayoko sa babae na 'yon! Kumukulo ang dugo ko sa kan'ya. Alam mo ba, Ate? Muntik akong mapagalitan ng mga instructor nang dahil sa kan'ya."

"Hmmm...interesting! Ngayon ka lang kasi nagkuwento sa akin na hindi galing d'yan sa librong binabasa mo. Aabangan ko ang kuwento n'yo." Ngumiti siya.

"Ate, naman! Abangan mo ang araw-araw na bangayan namin. Change topic na nga. Naiirita na naman ako."

Inakbayan naman niya ako at isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. "Andito lang ang ate, ha? Handang makinig sa lahat ng kuwento mo. Gusto mo bang mag-ice cream muna tayo?"

Na-touch naman ako sa sinabi niya at sobrang saya ko nang marinig ko ang word na ice cream. "Thank you, Ate!" Niyakap ko siya.

Alam na alam niya talaga kung ano ang nagpapagaan sa loob ko.

"Kuya Aaron, daan po muna tayo sa Chimmy's."

"Thank you talaga, Ate!" Yakap-yakap ko pa rin siya.

"Walang anuman 'yon. Para naman lumamig ang ulo mo. Nakikita ko na ang usok na lumalabas sa ilong at tainga mo." Nagtawanan kami.

"Ate, talaga! Wala kaya."

Sobrang suwerte ko talaga na may ate akong kagaya niya. Para naman akong bata rito na sabik na sabik nang kumain ng ice cream.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami.

"Tara, Kuya!" Paanyaya ni Ate.

"Pass muna ako. Bawal sa akin ang matamis. Punta na lang muna ako sa grocery may bibilhin lang ako. Text n'yo na lang ako, ha?"

Magkahawak kamay kami ni ate at pa-sway sway pa habang naglalakad. Madalas kami rito, ito ang favorite place namin since noong mga bata pa kami.

Nang makaupo kami ay agad na kaming nag-order. Nagtinginan kami at ngumiti sa isa't-isa "Vanilla!" Sabay tawa. Pareho kami ng paborito.

"Dalawang vanilla ice cream. Thank you!" Wika ni Ate sa Crew.

Isa sa pinaka-bonding namin ay ang kumain.

"Ate! Uwian natin sina Mom at Dad." Nakangiti wika ko.

"Sige. Bibilhan natin sila mamaya."

"Ate, thank you, ha?" Hinawakan ko ang kamay niya. Nasa harap ko kasi siya.

"Ano ka ba? Wala 'yon! Minsan na nga lang tayo makapag-bonding, eh."

"Oo nga, Ate. Sobrang na-appreciate ko ito. Okay lang 'yon, alam ko naman na busy ka." Ngumiti kami sa isa't-isa.

Maya-maya ay dumating na ang order namin. Pinagsaluhan namin ang masayang kuwentuhan at ice cream.

"Naalala ko noon? Iyak ka nang iyak noong dinala tayo nina Mom at Dad rito. Paano nahulog 'yong ice cream mo na nasa cone."

"Naalala ko nga 'yan, Ate! Tapos shinare mo sa akin 'yong ice cream mo." Nagtawanan kami sabay subo ng ice cream.

Nagpatuloy kami sa kuwentuhan at tawanan. Ang saya talagang balikan ng mga masasayang alaala.

"Mantakin mo 'yon! Iyong batang iyakin noon ay dalaga na ngayon at matatag na." Nakangiting wika niya.

"Siyempre! Walang puwedeng umangas sa isang Villegas!" Nagtawanan kami.

"Alam mo, ikaw! Motto mo na ata 'yan?" Patuloy siya sa pagtawa.

"Hmmm...puwede rin." Ngumiti ako.

Napailing na lang siya sabay subo ng ice cream. "Oh! Basta, ha? Kapag inaway at sinaktan ka no'ng kwenekuwento mo kanina. Isumbong mo sa akin."

"Ate! Pinaalala mo pa. Subukan lang talaga ng antipatika na 'yon!"

"Subukan talaga no'n. Walang puwedeng manakit sa baby girl ko."

"Ate! Baka may makarinig sa iyo. Big girl na ako." Napayuko ako.

"Oh!" Tumingin siya sa paligid. "Nahihiya ka bang may makarinig? Hayaan mo sila. Basta! Kahit big girl ka na, you are still ate's baby girl. Tandaan mo 'yan. You always got my back." Ngumiti siya sabay subo ng ice cream.

"Ang sweet naman talaga ng ate ko!"

"Mauumay ka na n'yan!"

"Hinding-hindi! Kahit ano'ng mangyari. Andito lang din ako para sa iyo. Thank you for being a good ate to me."

"Ano ba? Maluluha na ako. Hindi ba puwedeng kumain lang ng ice cream walang iyakan?" Nagtawanan kami.

"Ikaw kaya nagsimula," wika ko.

Pinagmamasdan ko lang siya habang tumatawa. Ngayon ko na lang siya muling nakitang tumawa nang gan'yan. Kahit gaano kainis ng araw ko kanina. Ngayon, okay na nang dahil kay Ate. Sobrang blessed ko talaga sa kan'ya, lagi niyang iniisip ang kapakanan ko. Iyong tipong kakainin na lang niya, ibabahagi pa niya sa akin. Ramdam na ramdam ko 'yong pagmamahal niya para sa akin.

Mahal na mahal ko rin siya. Masaya ako sa lahat ng achievements niya, deserve niya 'yon. Lahat nang 'yon pinaghihirapan at pinagpapaguran niya. Kaya sobrang saya ko rin nang dumating sa buhay niya si Kuya Dwight kasi alam kong napapasaya niya si Ate.

"Oh! Bakit natutulala ka na r'yan?" Kinakaway niya ang kamay niya sa harap ng mukha ko.

"A-ah! Wala naman, Ate." Ngumiti ako.

"Oh! Ikaw na ang mamili ng flavor na bibilhin natin para kina Mom at Dad."

"Ate, ikaw na lang. Ikaw mas nakakaalam kung ano ang taste nila."

Nagtungo kami sa counter.

"One gallon of Pistachio." Masayang wika niya sa kahera sabay abot ng bayad. "Wala ka na bang ibang gusto, Gabi?" Lumingon siya sa akin.

"A-ah! Wala na po, Ate. I'm good. Thank you."

Nang maiabot na sa kan'ya ang order namin ay agad na kaming nagtungo sa parking. Sakto namang kakarating lang din ni kuya, binuksan niya ang pinto.

"Malamig na ba ang ulo ni Gabi?" Tumingin siya sa rear view mirror.

"Opo, Kuya! Alam na alam ni Ate ang sikreto."

"Ikaw talaga!" Isinandal ni ate ang ulo niya sa balikat ko.

Ate Gillian save my day, napapangiti na lang ako rito.

I loved you first (gxg)Where stories live. Discover now