Chapter 12

10 1 0
                                    

Gabi

Huminga ako nang malalim. "Ito ang tamang gawin, Gabi!"

Natatanaw ko na sa di kalayuan ang classroom namin. Pagtingin ko sa upuan ni Dylan ay nakita kong nakikipag-usap siya kay Ingrid at mukhang nagkakatuwaan sila. Agad na akong nagtungo sa upuan ko.

"Oh! Ang aga-aga nakakunot noo ka na naman," wika ni Roan na napatingin sa gawi nina Dylan. "Hmmm...don't tell me, nagseselos ka?" Tumingin siya sa akin nang nakakaloko.

"H-ha?! Hindi, ah!"

"Sus! Kitang-kita ko ang reaksyon mo noong nakatayo ka sa pinto."

"A-ahm, magso-sorry na sana ako sa kan'ya kaso mukhang busy siya." Napayuko ako.

"Dahil lang ba talaga roon? Oh! Nang makita mong kausap niya si Ingrid higad?"

"Oo! Dahil lang doon. Bakit naman ako maaapektuhan kung magkausap sila? Good for them."

"Labas sa ilong!" Tumawa siya.

"Puwede ba, Roan? Huwag mo nang dagdagan pa ang inis ko."

"Okay. Sorry naman daw." Patuloy pa rin siya sa pagtawa. "Kanina pa nga and'yan 'yang si Ingrid. Sus! If I know, Dylan is just being nice to her. Huwag nga siyang assumera."

Napasulyap ako sa kanila. Being nice? Eh? Mukhang tuwang-tuwa nga siya.

"Uy! Pasulyap-sulyap!" Tukso ni Roan.

Napatingin ako sa kan'ya. "H-hindi, ah! Tumigil ka nga r'yan!"

Buti na lang at dumating na ang instructor namin, natigil na siya sa panunukso. Napatingin ako kay Ingrid at napatingin din siya sa akin. Ngumiti siya sabay sinamaan ako ng tingin. Pakialam ko sa kanila. Napailing na lang ako at nag-focus na lang sa lesson namin for today.

Matapos ang klase namin ay nagtungo kami sa canteen.

"Alam mo? Nakakairita na rin talaga 'yang si Ingrid. Feelingera at assumera. Feel na feel niya na kinausap siya ni Dylan kanina."

"Roan, huwag na lang natin silang pag-usapan."

"Teka! Bakit?" Tumingin siya diretso sa mga mata ko. "Huwag mong sabihing apektado ka?"

"Hindi. Wala naman kasi silang maidudulot na maganda sa atin. Inis lang ang ibibigay nila."

Agad na kaming umupo sa bakanteng upuan sabay lapag ng tray sa lamesa.

"Okay. I get it. Oh! Bakit pala hindi mo na in-approach si Dylan after class? Akala ko ba magso-sorry ka na?" Sabay subo ng sandwich na hawak niya.

"Feeling ko it's not the right time. Baka mas lumaki pa ang ulo no'n. Sabihin pa na dahil nakita ko sila ni Ingrid kanina kaya ako lalapit sa kan'ya ngayon."

"Hmmm...kung sa bagay, may point ka! Pero bakit you look so exhausted?"

"Ah! Wala. Napuyat lang ako kagabi." Sabay subo ng burger na hawak ko.

"Hulaan ko? Sa pagbabasa na naman ba 'yan?"

Tumango ako.

"Uy! Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa binabasa mo."

"Hmmm...maybe some other time na lang, Roan."

"Are you sure, you are okay?" Tumingin siya sa magkabilaang pisngi ko.

"Yes. Kumain ka na. Baka ma-late pa tayo sa next class natin."

Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong nanghihina. Hindi ko rin maintindihan at maipaliwanag.

Dylan

"Pre! I think! She is jealous noong nakita niya kaming magkausap ni Ingrid."

"Sino itong Ingrid na ito? Tsaka paano mo nasabi, Pre?"

Nasa tambayan kami ngayon.

"Nakita ko 'yong itsura niya kanina noong makita niya kami at nakikita ko rin na pasulyap-sulyap siya." Ngumiti ako.

"Mukhang effective nga kung ano man 'yang ginagawa mo."

"Ganoon ata talaga? Kapag hinahabol-habol mo pakipot, pero once na iwasan mo, siya naman ang lalapit."

"Ano'ng plano mo?"

"Wala! Aantayin ko na siya ang lumapit sa akin."

"Iba ka rin talaga, Pre!" Ngumiti kami sa isa't-isa. "Ikasa mo, Pre!" Sabay bro fist.

"Bilib ka na naman sa akin." Tumawa ako.

"How to be you po?" Inilalapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

"Sira! Tumigil ka nga!" Nagtawanan kami.

"Handa ka na bang matalo?"

"Sino'ng nagsabing matatalo ako? Hindi mahuhulog si Gabi sa plano mo."

"Ikaw! Hindi ko na rin maintindihan minsan kung saan ang loyalty mo."

"Depende 'yan, Pre!" Tumawa siya. " Si Gabi ang mananalo rito kasi mabibihag niya 'yang puso mo!" Sabay turo rito.

Napatingin ako sa left side ng chest ko. "Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!"

Ngumiti lang siya habang nakatingin sa akin.

Alam kong hindi ang tulad ni Gabi ang bibihag sa puso ko. Malinaw sa akin kung bakit ko ito ginagawa. Hindi ko hahayaan na masira lahat ng plano ko nang dahil sa pag-ibig na 'yan!

"Oh! Natahimik ka? Kinakabahan ka na ba, Pre?" Patuloy siya sa pagtawa.

"Alam mo! Magsama kayo ni Nico! Puro kayo gan'yan! Sinasabi ko sa iyo! Ihanda mo na ang pera mo!"

"Ihanda mo na rin ang puso mo, Pre!"

"Ito!" Sabay taas ng kamao ko. "Baka gusto mo? Kung hindi ka pa titigil."

"Ito naman, hindi na mabiro. Masyado kang pikon. Kalma lang, Pre! Sabi mo nga, hindi ba? Kilala mo ang sarili mo." Minasahe niya ang magkabilaang balikat ko.

Kailangan sumang-ayon sa plano ko ang lahat sa lalong madaling panahon. Hindi maaari na tumagal pa ito. Hindi sa natatakot ako sa sinasabi niya, kung hindi dahil sa gusto ko nang matapos ito nang makabalik na ako sa dati kong gawi. Aaminin ko, this girl is giving me a hard time and so much pressure. Gusto ko na ulit maramdaman 'yong nagagawa ko lahat ng gusto ko, na wala akong kailangan gawin pa. Sa totoo lang, hindi ko inakala na ganito ko siya kahirap makukuha. It's easier than I thought it was.

Andito na ako. Huli na para sumuko at umatras pa. Ako si Dylan Alvarez at wala akong inaatrasan. Kailangan mas ipakita ko pa sa kan'ya kung gaano kami nag-ge-get along ni Ingrid. Hindi maikakaila sa itsura niya kanina na apektado rin siya. Kailangan ko lang ipagpatuloy ito lalo na't nakikita ko na ang kahinaan niya. Isang araw magugulat na lang si Kenzo, napasagot ko na si Gabi.

"Pre, na-curious ako. Patingin nga noong Ingrid. Ano'ng pangalan niya sa social media?" Usisa niya habang hawak ang cellphone niya.

"Ingrid Salvatierra."

"Ingrid Salbateya. Ganito ba ang spelling?" Ipinakita niya sa akin.

Natawa na lang ako sa kan'ya. "Ginawa mo namang Batya!" Napapailing na lang ako rito.

Kinuha ko ang cellphone niya at ako na ang nag-type. Agad ko ring ibinalik ito sa kaniya.

"Ah! Salvatierra pala. Uy! Maganda rin siya, sexy, matangkad at maput,i pero mas maganda pa rin si Gabi!" Ngumiti at tumingin siya sa akin nang nakakaloko.

"Tigilan mo ako sa mga tingin at ngiti na 'yan!"

"Nagsasabi lang ako ng totoo, 'no!" Sabay swipe ng mga picture ni Ingrid.

"Mata mo! Isusumbong kita kay Bea n'yan!" Tatawa-tawa ako.

"Pre, tinitignan ko lang naman, eh!"

"Micro cheating 'yang ginagawa mo." Napapailing na lang ako rito.

Basta! Focus on the goal, Dylan. Napapangiti na lang ako habang iniisip ang araw na magtatagumpay din ako sa mission kong ito.

I loved you first (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon