Chapter 3

34 2 0
                                    

Dylan

After nang first class ay vacant ko na, kasi tapos ko na ang subject na 'yon. Natatawa ako sa tuwing naaalala ko ang itsura ni Gabi, ang cute niya lalo kapag inis.

Maya-maya ay nakita ko si Kenzo na pasilip-silip sa bintana ng classroom. Agad ko naman siyang nilapitan at inakbayan.

Natawa ako nang magulat siya. "Ano ang ginagawa mo rito?"

"Pre! Nakakagulat ka naman. I came here to find you. Nakasalubong ko si Nico kanina at sinabi niyang andito ka. Loko ka! Sineryoso mo talaga." Tumawa siya sabay tapik sa t'yan ko.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Ngumiti ako at inipit ko ang leeg niya sa braso ko.

Agad naman niyang tinapik ito."Sira ka talaga! Sasakalin mo pa ata ako."

Inalis ko na ang braso ko at napahawak naman siya sa leeg niya.

"Hindi naman!" Ngumiti ako. "Tara! Kain muna tayo sa Canteen."

"Sige! Basta ilibre mo ako."

"Oo na!"

Naglakad na kami patungo roon.

"Pre, baka mamaya ikaw ang mahulog sa kaniya, ha?"

Natawa naman ako. "Impossible, pre! Matatawa ka talaga kung nakita mo ang itsura niya na inis na inis. Namumula at parang sasabog."

"Hi, Dylan!" Bati ng mga babae na nakakasalubong namin. Ngumiti at kumaway ako sa kanila.

"Paano naman ako, girls?" Hirit ni Kenzo.

Agad namang ibinaling ng mga babae ang tingin sa ibang direksyon.

"Suplada! Hindi naman kagandahan."

"Tse!"

Natatawa naman ako.

"Grabe ang mga 'yon, Pre! Akala mo kung sino."

"Pre, guwapo ka naman, eh! Ayon lang huwag kang masyadong didikit sa akin para magpapansin din sila sa iyo!"

"Dapat nga magpapansin din sila sa akin kasi sanggang dikit tayo! Mailalakad ko sila sa iyo." Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa likod ng ulo niya.

"Hayaan mo na 'yang mga 'yan."

"Balik tayo sa usapan. Pre, cute na siya sa paningin mo. Mamaya, ikaw talaga ang mahulog d'yan!"

"Hindi 'yan mangyayari." Ngumisi ako.

"Abangan ko na lang. Sandali! Naalala ko nga pala, kinausap ako ng santo mong pinsan at pinagsabihan ako na itigil daw natin ito."

"Hindi ka pa nasanay doon! Hayaan mo na lang. Napakadaldal mo kasi! Bakit mo sinabi ang tungkol sa pustahan? Ano'ng ititigil? Eh! Nag-uumpisa pa lang tayo." Nag-apir kaming dalawa.

"Tama! Masyado kasing mabait 'yong pinsan mo. Hindi kaya bakla 'yon?"

Tumingin ako nang masama sa kaniya. "Ano'ng mindset 'yan? Kapag mabait, bakla agad? And what's wrong with being gay? Tsk!" Napapailing ako.

"Biro lang, Pre! Sorry na. Nagulat kasi ako sa sinabi niya kaya nadulas ako kanina." Napakamot siya sa kaniyang batok.

"Sadyang mabait lang siya. Okay na 'yon. And'yan na, eh!"

"Eh, kung mabait siya, ano tayo?"

"Hmmm...mas mabait, kasi kapag sila ang lumalapit, ini-entertain natin." Nag-bro fist kami.

"Gusto ko 'yan!" Tatawa-tawa kami.

Ngayong alam na ni Nico ang tungkol sa usapan namin. Panigurado hindi ako tatantanan no'n. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang may bumating muli. Ngumiti lang ako at nagpatuloy kami sa paglalakad.

I loved you first (gxg)Where stories live. Discover now