Chapter 10

13 1 0
                                    

Gabi

Pansamantalang naantala ang pagbabasa ko nang sikuhin ako ni Roan.

"Girl, andyan na si Dylan." Pabulong na wika niya at mababakas ang kilig sa tono ng boses niya.

Nang marinig ko iyon ay biglang nagpintig na naman ang tainga ko at napakunot ang noo. Panigurado ay mang-aasar na naman ito. Hindi ako nag-abala na tumingin sa kan'ya, bagkus ay nagpatuloy ako sa pagbabasa. Hinahanda ko na rin ang sarili ko sa maaaring sabihin niya.

Laking gulat ko nang dumaan lang siya sa gilid ko at nagtungo sa upuan niya. Himala! Wala akong narinig mula sa kan'ya. Naramdaman ko lang ang hangin nang dumaan siya.

"Oh! Anyari roon? Hindi ka binati ngayon?"

"Mabuti naman! Mukhang natauhan na siya."

"Nako! Baka na-hurt siya sa sinabi mo kahapon."

"Hayaan mo siya! Mas okay na rin na ganito. Tahimik ang mundo ko." Napatingin ako sa kinaroroonan niya. Abala siyang nakikipag-usap sa katabi niya. Agad kong ibinalik ang tingin sa librong binabasa ko.

"Hay, ang ganda talaga niya." Napatingin ako kay Roan na nakapalumbaba.

Bahala siya! Pero bakit nga kaya biglang naging ganito siya? Sumobra nga rin ba ako sa nasabi ko sa kan'ya? Umiling ako at parang timang na kinakausap ang sarili ko. Kumalma ka, Gabi. Walang mali sa sinabi mo, nagsabi ka lang naman ng totoo.

"Okay ka lang, girl? Napapailing ka r'yan?"

"Okay lang ako! May hindi lang ako sinasang-ayunan sa binabasa ko."

Nakakainis talaga itong si Dylan!

"Oh! Gabi, hindi ba ito ang gusto mo? Bakit mukhang affected ka?" Singit ng konsensya ko.

Maya-maya ay dumating na ang instructor namin.

"Okay, Class! Magkakaroon tayo ng graded recitation ngayon."

"Nako po!" wika ni Roan.

"Bubunot na lang ako sa class card ninyo. I hope nakinig kayo sa lecture natin last meeting."

"Sana hindi ako mabunot!" Bulong ni Roan na naka-cross fingers pa.

"Sino kaya ang unang masuwerteng mabubunot?" Pangiti-ngiti si Ma'am habang pinagmamasdan kaming lahat sabay shuffle ng class card namin.

"Okay! Buena mano. Ms. Dylan Alvarez." Nakangiting wika niya.

Napalingon ako sa kan'ya at dahan-dahan siyang tumayo mula sa kinauupuan niya.

"Ms. Alvarez, what are the eight primitive data types in Java?"

"Char" Napatingin siya sa akin at agad rin niya ibinaling kay Ma'am. "Byte, short , int , long , float , double and boolean, Ma'am."

"Very good, Ms. Alvarez! You may take your seat."

"Ang galing talaga niya." Bilib na bilib ang mga kaklase kong nagkaka-crush sa kan'ya. Himala at hindi ko narinig na umimik si Roan dahilan upang mapatingin ako sa kan'ya.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa kan'ya kasi kabang-kaba siya habang nagpupunas ng pawis at napapapikit pa siya.

"Okay! Sino kaya ang susunod na mabubunot?" Itinaas na ni Ma'am ang class card. "Miss Gabrielle Villegas." Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at dahan-dahan akong tumayo.

"Enumerate the five types of non-primitive data types."

Napalunok ako bago ako magsalita. "Class, array, string, interface and object, Ma'am."

I loved you first (gxg)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt