Chapter 7

23 2 0
                                    

Gabi

Kinabukasan nang makarating kami ni Ate sa school ay agad akong sinalubong ni Roan.

"Good morning, Ate Gil." Nakangiting bati niya sabay hawak sa palapulsuhan ko.

Ngumiti rin si Ate sa kaniya. "Magandang umaga rin, Roan."

"A-ah, Ate, Mauna na po kami, ha?" Ngumiti siyang muli, pero sa pagkakataon na ito ay labas lahat ng ngipin sabay hila sa akin.

"Teka! Dahan-dahan naman," wika ko sabay lingon kay Ate na nakangiti at napapailing.

"Roan, teka nga muna! Aray ko naman, ang higpit nang pagkakahawak mo." Agad naman niya akong binitawan.

"Ay! Sorry na." Sabay peace sign.

Agad ko namang hinawakan ang palapulsuhan ko at minasahe ito. "What's the hurry ba?" Medyo napakunot noo ako.

"E-eh, basta! Halika na lang sa classroom. Hindi ka maniniwala sa makikita mo." Tumili siya.

Napapikit ako at napatakip ng tainga nang marinig ko ang napakatinis na tinig niya. Nang imulat ko ang aking mga mata upang pagsabihan siya ay bigla akong natawa. Bumungad sa akin ang pagpadyak ng mga paa niya at nakatiklop na magkabilaang kamay niya na nakalagay malapit sa baba niya. "Tumigil ka na sa kakatili, mamaya marinig ka ng guard. Tara na nga!" Napapailing ako.

"Dali!"

Naglakad na kami patungo sa classroom namin. Nagtataka ako kasi nakatingin at nagbubulungan ang mga babaeng nakakasalubong namin. Tinitignan ko lang sila at agad kong kinalabit si Roan.

"Roan, may dumi ba sa mukha ko? Bakit sila nagtitinginan?" Bulong ko.

"Hayaan mo ang mga 'yan! Huwag mo silang pansinin."

Napapayuko na lang ako habang naglalakad.

Maya-maya ay nakarating na kami sa classroom. Nakakabinging hiyawan ang bumungad sa amin at nang makita ko ang dahilan ng ingay na 'yon ay napakunot noo na naman ako.

Nagtinginan kami ni Roan. "Tara na." Nakangiting wika niya na agad nagtungo sa bakanteng upuan.

"Good morning!" Nakangiting bati niya at naghiwayan na naman sila.

"Ano'ng good sa morning?" Agad akong nagtungo sa tabi ni Roan.

"Grabe naman. Ito, oh! Flowers para sa iyo." Nakangiting wika niya.

Tinignan ko ang bulaklak na hawak niya at napalingon ako kay Roan na nakangiti. Ito pala ang sinasabi niya at marahil ito rin ang dahilan kung bakit ako pinagtitinginan kanina. Nakakainis! Napakapapansin talaga ng babae na ito. Gumagawa pa ng eksena.

"Gabi." Napatingin ako sa kan'ya na nakangiti pa rin at naghihintay na kunin ko ang bouquet ng red roses na hawak niya.

"Gabi! Tanggapin mo na!" Sigaw ng mga classmate ko.

"Pakipot ka pa! If I know, ayan naman ang gusto mo," wika ni Ingrid.

Napatiklop ang kamay ko, nakita ito ni Roan at agad niyang hinawakan dahilan upang mapatingin ako sa kan'ya. "Hayaan mo na lang. Huwag mo nang patulan. Inggit lang 'yan. Alam mo naman na patay na patay kay Dylan 'yan." Bulong niya.

Huminga ako nang malalim at kinalma ko ang sarili ko. Tumingin ako kay Dylan at kahit ayokong tanggapin ang bulaklak ay kinuha ko na.

"Thank you!"

"Buti naman tinanggap mo na. Peace offering 'yan sa pang-aasar ko sa iyo kahapon. I'm sorry." Ngumiti siya.

Nabalot na naman ng ingay ang classroom namin.

I loved you first (gxg)Where stories live. Discover now