Chapter 17

9 1 0
                                    

Gabi

"Good morning, Roan!" Masayang bati ko sabay upo.

"Naks! Mukhang good mood ka ata ngayon, ha? Good morning!"

Ngumiti kami sa isa't-isa.

"Ayan! Sana lagi kang nakangiti mas bagay sa iyo! Mas gumaganda ka, girl!" Ang ngiti sa kan'yang mukha ay napalitan ng pangamba. "Nako po!"

Napalingon ako sa gawi kung saan siya nakatingin at nakita ko si Gio.

"Good morning, Miss Villegas!" Nakangiting bati niya.

"Heto na." Narinig kong bulong niya na napayuko at napahawak pa sa noo niya.

"Good morning, Miss Alvarez!" Ngumiti rin ako sa kan'ya na agad namang nagtungo sa upuan niya.

Maya-maya ay naramdaman ko na lang na hinawakan ni Roan ang magkabilaang balikat ko.

"G-girl? Okay ka lang ba?" Inalog niya ako at gulat na gulat ang expression ng mukha niya.

Tumawa ako. "A-ano ka ba, Roan?" Hinawakan ko rin siya sa magkabilaang balikat upang matigil siya sa pag-alog sa akin.

"Nanaginip lang ata ako. Pinch me!"

"Ewan ko sa iyo!" Patuloy ako sa pagtawa.

"Pinch me!"

Ang kulit niya kaya kinurot ko na ang pisngi niya.

"Aray ko naman!" Napahawak siya rito.

"Oh? Okay na? Sabi mo pisilin ko." Nakatingin ako diretso sa kan'yang mga mata.

"Totoo nga! Hindi ito panaginip." Nakahawak pa rin siya sa pisngi niya. "H-how c-come?" Hindi pa rin siya makapaniwala. "Mukhang may hindi ata kinukuwento ang best friend ko. Madaya! Magtatampo na ba ako?"

Napapailing na lang ako habang tumatawa.

"Ay! Ganyanan? Hmp! Tinatawanan mo lang ako. Magtatampo na talaga ako."

"Paano 'yong tampo?" Patuloy ako sa pagtawa.

"Ang bad! Ginagawa akong joke time." Salubong na ang kilay niya.

Inakbayan ko siya. "Ang arte-arte naman ng best friend ko na 'yan."

"Hmp! Tampo na ako."

"Hindi bagay sa iyo!"

Hindi na niya napigilan at natawa na rin siya.

"Gabi, naman, eh! Hindi man lang umobra sa iyo."

"Kilalang-kilala kita."

"Pero seryoso na? Bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin? Ceasefire na?" Tumingin siya diretso sa mga mata ko.

"Tama ka naman pala, mabuting tao rin siya." Ngumiti ako.

"I told you! Ayaw mo kasing maniwala sa akin. Kuwento na dali!" Sabik na sabik siya.

"Hi! Gabi at Roan!" Masayang bati ni Ingrid na kararating lang.

Napalingon kami sa kan'ya sabay ngiti. "Good morning, Ingrid!"

Ang saya at ang gaan talaga sa pakiramdam na walang kaaway o kasamaan ng loob.

"Dali na!" Hindi na siya mapakali at sabik nang malaman ang kuwento.

"Good morning, Class!" Napatingin kami sa pinto.

Napatingin ako sa kan'ya na halatang nabitin. Natawa ako at bumulong sa kan'ya. "And'yan na si Ma'am."

"Ang galing ng timing. Ano ba 'yan?"

I loved you first (gxg)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora