09

26.4K 1.1K 348
                                    

• 🏐 •

"Ice cream?"

Ewan ko pero hindi agad nag-process iyong utak ko. Ilang beses pa yata akong kumurap-kurap sa harap ni number eleven para lang mag-sink in sa 'kin na nandito siya ngayon sa harap ko.

Napatingin ako sa cookies 'n cream flavored ice cream na hawak niya. Iyon iyong inaalok niya sa 'kin tapos may hawak din siyang chocolate flavored. Mukhang napansin niya yatang nakatingin ako ro'n sa isa kaya iyon naman ang nilahad niya sa 'kin.

"Want the chocolate one?"

Nag-panic ako. Grabe, Kai. Namili ka pa talaga ng flavor. Ikaw na nga lang 'tong binibigyan.

"Uhm, hindi-"

"It's fine. Here," sabay kuha niya ng kamay ko at siya na mismo iyong naglagay no'ng ice cream.

"Uhm, s-salamat."

"You're welcome."

Dahan-dahan akong umupo. Akala ko ay aalis na si number eleven pero nagpaalam siya kung pwede raw ba siyang maupo sa tabi ko. Tumango ako kahit gusto ko talaga munang mag-muni-muni mag-isa ngayon. Alangan naman kasing paalisin ko siya pagkatapos niya akong bigyan ng ice cream.

Sa harap namin ay iyong glass window nitong convenience store kaya medyo nakikita ko iyong reflection naming dalawa. Doon ko lang din napansin na kami lang pala iyong tao ng mga oras na iyon. Napatingin tuloy ako sa relo ko. Hindi pa naman malalim ang gabi pero wala masyadong customer.

Binalik ko ang tingin sa harapan. Nakita ko ulit iyong mga reflection namin ni number eleven.

Busy siya sa pagbabalat no'ng ice cream niya.

Naka-black hoodie siya at jersey shorts. Ang tangkad talaga nito. Nakakapanliit kapag kasama mo siya. Literal na manlilit ka.

Hanggang sa magkatinginan kami sa salamin. Pasimple akong nag-iwas ng tingin. Napatagal yata ang pagtulala ko sa kaniya.

"Not in the mood for ice cream?" Ngumiti siya.

"Ay, oo nga pala," sabi ko saka nag-umpisa na ring balatan iyong akin.

"What brings you here, by the way?"

"Nagpapahangin," sagot ko kasi iyon naman talaga ang totoo.

"Nagpapahangin?"

"I mean, nagpapa-aircon?"

Natawa siya.

Natawa rin ako. "Layo ng narating ko, 'no? Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano ako napadpad dito. Nagulat na lang ako na sumakay ako ng jeep kanina."

Tumango-tango rin si number eleven. Mukha namang naniwala siya sa sinabi ko. Dapat maniwala siya kasi wala ako ngayon sa mood mag-explain.

"I thought you're here to see me."

Napatingin ulit ako sa kaniya. This time, nilingon ko na talaga siya. Naabutan ko siyang ginagawa ulit iyong signature smile niya.

"Kidding," bawi niya nang kumunot ang noo ko. "I was about to message you, though, before I saw you here."

"Ah..."

Hindi na nagsalita si number eleven pagkatapos no'n.

Hindi rin ako nagsalita.

Tahimik lang kaming kumain ng mga ice cream namin.

Huminga ako nang malalim saka kumagat do'n sa ice cream ko. Thank you talaga sa toothpaste na gamit ko ngayon. Hindi ako nangilo. Mas gusto ko kasing kinakagat ang ice cream kaysa dinidilaan lang. Hindi kasi ako marunong ng gano'ng technique, e.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now